Aiah's POV
"Sino tinitingnan mo dyan? Kanina kapa lingon ng lingon... Baka mabali na leeg mo niyan..." Sabi ko kay jhoanna na kanina pa tingin ng tingin sa kanang bahagi ko.
"Huh? Wala ah... May tinitingnan ba ako?..." Sagot niya sakin pero lampas lampas naman ang tingin.
"Wala daw eh... Bakit lampas lampas ang tingin mo?..." Di naniniwalang sagot ko bago lumingon sa kanan ko. Kumunot ang noo ko ng wala naman akong mapansin na kakaiba maliban kay stacey na parang nagpipigil ng ngiti. Anong nangyari dun, ngayon ko lang ata yan nakitang ngumingiti ng mag'isa. Sa isip ko sabay ayos ng upo baka mapagalitan pa ako ng guro.
"Ako may alam ako... Pero diko sasabihin... Hehe" sabat ni audrey na bahagya pang nakalean mula sa likod tsaka tiningnan si dtacey at umayos na rin ng upo.
Napakunot'noo ako sa narinig saka tiningnan si jhoanna na parang namumula pa.
"Best mag'uusap tayo maya pagkatapos ng klase..." Sabi ko na lang sa kanya na nagpalunok sa kanya.
"Now tell me... Anong meron sa inyo ni stacey?... Napansin ko kasi na kagaya ka rin niya kanina... Nakangiti ng mag'isa na para bang may inaaalalang kung anong bagay..."
"Aaahh...bestfriend wag masyadong malapit..." Sagot na lang niya bago nilagay sa noo ko ang dulo ng daliri niya bago tinulak ng konti ulo ko kaya napatayo ako ng diretsiyo pero diko pa rin siya hinayaang makaiwas hinawakan ko na lang siyasa magkabilaang balikat.
"Oh ayan malayo na... Ano na?"
"Ah... Eh... Bestfriend wag kang mabibigla ha...k-kami na ni stacey..." Sagot niya ng nakayuko pero halata namang kinikilig.
"Yun lang pala... Kala ko naman kung... What!!!!!!!... Kayo na? How? When? Where?...panong nangyaring diko ata alam yan?..." Gulat kong sambit sa kanya saka siya niyugyog.
"A-aray... Naman bestfriend hinay hinay lang... Mahina kalaban"
"Masaya lang ako for you... Kasi pareho ko kayong kaibigan..." Sabi ko sa kanya saka siya niyakap na kanya rin namang ginantihan.
"What are you two doing?..."
Napahiwalay kami sa isa't isa ni min kyung na may magsalita sa tabi ng pinto.
"M-mikhs..." Tanging nasambit ko dahil naglakad na siya palapit samin saka hinawakan ang kaliwang kamay ko at tiningnan ng nakamamatay na tingin si jhoanna kaya nagsenyas na lang ako sa bestfriend ko ng sorry na tinanguan na lang din niya.
-------------------------------
"Hey... Dahan dahan naman mababali braso ko sayo niyan eh..." Reklamo ko kay mikha dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sakin.
Maya maya pa ay nasa rooftop na kami kaya binitawan na niya ang kamay ko. Nakatalikod siya sakin kaya napagmamasdan ko siya mula ulo hanggang paa ng di nakakatanggap ng death glare niya. Napangiti ako ng maisip kong ito ang unang beses na umakyat kami dito simula ng maging official ang relationship namin.
"At nagagawa mo pa talagang ngumiti sa kabila ng ginawa mo..."
Napaangat ang tingin ko sa mata niya ng magsalita siya. Those eyes na gustong gusto kong tinititigan, those lips na gustong gusto ko kapag nakalapat sa labi ko at mga pisngi niyang gustong gusto kong hinahawakan.
"Ano? Matutulala ka na lang ba dyan?... Wala kabang sasabihin..." Napukaw ako sa pagmamasid sa kanya ng magsalita siya ulit.
Nilapitan ko siya saka hinawakan ang mga kamay niya at hinila papunta sa bench na lagi naming inuupoan. Pagkatapat namin dun ay hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pina'upo siya. Bagaman nagtataka siya sa ginagawa ko ay pinili pa rin niyang wag magsalita kaya nginitian ko na lang siya.
YOU ARE READING
The Cold and The Beautiful One
RomansPagkatapat ko sa may gilid ng gate ay huminga muna ako ng malalim para sana pindotin ang doorbell pero diko rin naituloy na may humablot sa kaliwang balikat ko at pinaharap na lang bigla saka isinandal sa pader bago ko naramdaman ang isang pares ng...