20

0 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Simula nang makapunta siya dito sa probinsiya, madalang lang siyang makapunta sa mga lugar.

Kaya bakit lahat ng tao sa beach ay nakatingin sa kanya, na para bang nakakita sila ng multo?

"Halika na, sayang ang araw." Yaya sa kanya ni Nicole.

"Ahhh. Gusto ko talaga ng ganito," nakapikit habang dinadama ni Eme ang sikat ng araw.

"Sinabi mo pa, Eme. Nakakapagod kayang mag-serve ng mga tables."

"Kamusta ba ang trabaho mo sa hotel?" Usisa ni Alexandra.

"Maganda ang pasahod, plus napakabait pa ni Easton." Sagot ni Nicole sa kanya.

"Kung ako siya, tinanggal na kita sa trabaho." Pang-aasar ni Eme kay Nicole.

"Uy!"

"Bakit? Puro ka kasi cellphone. Masyado kang focus sa panonood ng mga make-up hacks sa YouTube."

"Make-up hacks?" Paglilinaw na tanong niya.

Wala pa nga palang pinagsasabihan si Nicole. Pero gaya ni Alexandra, may pangarap din siya. Pangarap niyang maging make-up artist. Iyon ang dahilan kaya walang dedikasyong makikita sa kanya.

Kailangan niyang gawin ang isang trabaho kung saan siya passionate para ma-motivate. Gusto niyang gawin ang isang bagay na makakapagsaya sa tao.

Natutuwa siya kapag nakikita niya ang isang babae na masaya, may confidence, sa tulong ng make-up.

Si Nicole nga din ang nag-make-up kay Eme ngayon. Kaya super confident nito ngayon.

Ang katangiang iyon ay nagustuhan ni Alexandra. Gusto niya ang ideyang magpasaya at tumulong. At naniniwala siya na balang araw ay magiging sikat din si Nicole.

Bumangon si Alexandra at naupo, "ako lang ba o hindi talaga nila inaalis ang tingin sayo?" Pagtukoy niya kay Eme. " May boyfriend ka na ba?"

"Sa edad kong 'to, desperada na akong magkanobyo."

"At ilang buwan na rin akong naghahanap ng ka-blind date niya." Ani Nicole.

"Hello, ladies!" Bati ng maskuladong lalaki sa kanila.

"Hello." Bati din ni Nicole sa lalaki.

"May gagawin ba kayo mamayang seven o'clock?"

"Bakit? Gusto niyo ba kaming dalhin sa kung saan?" Si Eme ang nagtanong.

"Parte kami ng film committee at mayroong gaganaping pili-pilipit event mamayang gabi. Kukuha kami ng romantic scene para sa aming movie na open para sa public." Paliwanag nito.

"Teka, si Easton ba 'yan?" Tanong ni Eme habang nakatingin sa kung saan.

Kinawayan naman ni Nicole si Easton nang makita niya ito habang tinatawag na "Boss" ang lalaki.

Gumanti din pagkaway si Easton saka mabilis na tumakbo si Grey papalapit kay Alexandra. Agad naman itong binuhat ni Alexandra.

"Hindi ko alam na kilala niyo pala si Lemuel at si Damon." Ani Easton nang makilala ang dalawang lalaki na kasama nila.

"Magkaibigan kayo?" Usisa ni Eme.

"Oo, isa din siya sa mga sponsor namin." Sagot ni Damon.

"Pupunta ba kayo mamaya? Gusto sana kitang imbitahan, Alexandra."  Kaso biglang nawalan ng malay si Alexandra kaya nagmamadali nilang dinala ito sa hospital.

Nagtaka pa si Alexandra nang magising siya na nakahiga sa hospital bed.

"Anong nangyari?" Namamaos na tanong niya nang makita si Easton sa tabi niya. Habang hawak-hawak ang kanyang kamay at nag-aalala.

"Nawalan ka ng malay. Ah, teka. Tatawagin ko ang doctor." Maya-maya pa ay dumating na ang doctor at pinahintulutan na silang umuwi.

"Salamat sa paghatid mo sa amin sir Easton."

"Sinabi ko na sayo, Nicole. Tawagin mo na lang ako sa pangalang Easton."

"Oo, pero mas maganda paring tawagin kitang sir." Pagdadahilan pa niya na sinundan ng tawa ni Easton.

"Pwede ba tayong magpatugtog?" Tanong ni Eme kay Easton.

"Oo naman,"

"Pwede bang magrequest ng mga kanta ni Justin Bieber?" --Nicole.

"Yeah, you got that yummy-yum
That yummy-yum, that yummy-yummy
Yeah, you got that yummy-yum
That yummy-yum, that yummy-yummy
Say the word, on my way" pagsabay ni Nicole sa kanta na sinasabayan nito ng sayaw.

Habang si Eme naman ay pumapalakpak at suportado ang kaibigan. Maging si Alexandra ay hindi narin napigilan ang sariling hindi mapakanta.

Natigilan siya nang marinig niyang kumakanta rin si Easton. "Bakit? Fan ako JB." Pagdadahilan ni Easton na kanilang pinagtawanan.

Hindi mahirap pakisamahan si Easton. Sa katunayan nga niyan ay boto sina Eme at Nicole sa kanya dahil kasundo ito ng mga kaibigan ni Alexandra.

"Hindi tayo masyadong nagkabanding kanina." Nanghihinayang na sabi ni Easton nang makapasok si Alexandra sa kwarto niya.

"Kaya nga e. Ahm, pasok ka muna sa kwarto ko." Pag-anyaya ko sa kanya.

"Salamat."

"Hindi parin ako makapaniwalang dito ako nakatira." Panimula ni Alexandra nang makapasok si Easton sa kawarto niya. Hinarap ni Alexandra ang lalaki saka nahihiya itong tinignan. "Hindi ko alam kung nakapagpasalamat ba ako sayo ng maayos."

"Hindi na mahalaga 'yun. Ang mahalaga sa akin ay makita Kang masaya." Naglakad pa sila ng konti at naupo sa kama ni Alexandra."Anong gusto mong gawin ngayon?"

"Medyo nahihiya akong sabihin sayo pero...can you hold me close?"

"Sus, ayon lang pala! Bakit ka naman mahihiyang sabihin 'yan sa'kin?"

Bakit nga ba?

Iyong EX lang naman niya ang dahilan. Ayaw nitong niyayakap niya.

Ang gusto lang nito ay magtalik sila. Pagkatapos ay pagmumukhain siyang clingy na girlfriend kapag umaakto siyang yayakapin ang lalaki.

"Dahil ba sa ex mo?" Tumango ng dalawang beses si Alexandra. "Ang toxic naman niya. Hinding-hindi ko iyon ipaparamdam sayo."

Dahil mas gusto nga iyong gawin ni Easton sa kanya. Gusto siya nitong yakapin hanggang sa makatulog sila.

"Bakit hindi natin gawin ang bagay na pinagdamot sayo ng ex mo?"

"Ayos lang ba sayo?"

Humiga si Easton saka dinipa ang mga braso. Nangiti na lamang si Alexandra saka humiga sa bisig ng lalaki. Pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap. Isang napakainit na yakap na matagal na niyang nais maramdaman.

Sa sobrang pagod ay mabilis na nakatulog si Alexandra. Paggising niya ay wala ng Easton na nakayakap sa kanya.

Pupungas-pungas siyang bumangon saka nagtungo sa banyo. Parang puputok na ang pantog niya nang maihi siya. Parang isang araw siyang hindi naglabas ng maruming likido mula sa kanyang katawan.

Napabuga siya ng hangin sa humarap sa salamin ng lababo. Naghilamos siya at nagsipilyo. Pagkatapos ay nagbihis na siya upang makapunta na sa kusina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐁𝐈𝐑3: Game Of Seduction Where stories live. Discover now