CHAPTER 2

11 1 0
                                    

Pasaway

[SHAN'S POV]

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kwarto ko, trying not to make any noises at baka makita ako ng kapatid kong alam kong mapapatay na ako.

Habang paakyat papunta sa room ko, napatigil ako at muntik nang mahulog sa hagdan ng makita ko si Kuya Liam na nakaabang na sa taas.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya. Kung tititigan ko ng mabuti ang mga mata niya, baka nalusaw na ako dito sa kinatatayuan ko. Nagliliyab yarn?

"At ano yung kumakalat na boyfriend mo yung Vincent Yvara?"

Ito na nga ang sinasabi ko, gabayan niyo po ako Lord. Amen.

At Vincent pala totoong pangalan ni damulag? Akala ko Vinci lang.

"Ah... Ano k-kasi..."

"Hiwalayan mo yun bukas. Play boy yun, delikado ka sa lalaking yun." Sabi niya at saka bumalik na sa kwarto niya.

"HINDI KO NAMAN YUN BOYFRIEND! SCIENTIST KASI SYA, MAHILIG MAGIMBINTO!" Sigaw ko pero wala na akong nakuhang sagot mula sa kapatid ko.

Pagkapasok ko ng kwarto, binalibag ko agad kung saan ang bag ko at tinapon ang sarili sa malambot kong kama.

Nakakapagod din pala maging maganda. HUUUYYY SI DELULU!

Binuksan ko ang phone ko para e text sana si Elyse nang may message na naman ako from unknown number.

From: 0977*******
[Subukan mo'ko e block ulit, sisirain ko yang phone mo bukas]

Tangina bumili talaga ng bagong sim card? Aba ayos!

To: 0977*******
[Ay takot na takot naman ako! Nagtatago na ako sa sulok sa sobrang takot oh]

From: 0977*******
[This is just for a month, Aki. After non, titigilan na kita. I really just need your cooperation lang talaga.]

Wow biglang bumait?

Hindi naman big deal sa akin yun eh, ang ayaw ko lang eh ayokong madungisan ang pangalan ko.

To: 0977*******
[Why me?]

Sa dami ng pwede niya hilahin bakit ako pa?

From: 0977*******
[Kasi haharang-harang ka! Hindi naman talaga ikaw yung plano ko na gawing fake girlfriend eh. It was the girl behind you, kaso ikaw yung nahila ko.]

To: 0977*******
[Sinasabi mo bang kasalanan ko?]

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply ng damulag pero parang nakalimutan na yata na kausap niya pa ako.

Aba ayos talaga. Nangiiwan.

....

Nagising ako nung tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Kaagad kong kinapa ang phone ko para tingnan ang oras at automatic na napatayo ang buong katawan ko when I saw the time.

"7:45am"

Halos pagsabayin ko na ang pagkain at ligo dahil sa pagmamadali ko. Tangina 8am ang klase ko, may 15 minutes nalang ako.

"Ayan, boyfriend pa." Pang-aasar ng kapatid ko habang tila nasisiyahan sa pagkataranta ko.

"ULOL!" Sigaw ko sa kanya.

"Pa'no ka kaya nagustohan nung Vincent? Eh tabas ng bibig mo palang bagsak na." Patuloy niyang pang-aasar.

LOVE, AKI.Where stories live. Discover now