CHAPTER 5

6 1 0
                                    

[SHAN'S POV]

Habang papasok ako sa gate ng school namin, nagulat nalang ako ng biglang may umakbay sa akin.

“Hi!”

Teka makaakbay 'to, close kami?

“Oohhhh don't tell me, limot mo na ako? Ken, remember? Vinci's tropa?"

Aahhh Oo si harena boy pala 'to

“Sakit mo ah nakalimutan mo'ko agad.” Sabi niya na umaktong kunwaring nasasaktan.

“Tigil mo nga yan para kang sira!” Natatawa kong sabi.

“Punta ka munang room namin, maaga pa naman.” Aya niya. Tinignan ko ang relo ko at sobrang aga pa nga.

“Oh sige ba.”

“Hala bakit sila magkasama ni Ken?”

“Two timer!"

“Ano ba yan malandi naman pala”

“Sana ibalik niya nalang si Vinci kay Lorren.”

Napaka judgemental ng mga haliparot na'to. Pag ako napuno talagang iisa-isahin kong bubunutin balahibo nila sa ilong.

“Don't mind them, inggit lang sila sayo.” Sabi sa akin ni Ken. Ngumiti lang ako sa kanya at nagtuloy-tuloy na kami sa classroom nila.

Pagkadating namin doon ay nakita ko agad si Luhan na nagbabasa na naman sa sulok at si....

“Talaga bang girlfriend mo yung Shanani?”

Wrong timing ata ako mga ateco. Mukhang nagtatalo ang mag-ex.

“Ano naman sayo kung girlfriend ko nga?” Sigaw ni Vinci.

Ang aga-aga nagtatalo na agad. What if magbalikan nalang kayo para solve na problem ko?

“I want you to break up with her!"

Oo nga, Vinsot!

Hala saan galing yung Vinsot?

“Pag ginawa ko ba yun babalikan mo ako?” Tanong ni Vinci.

Mukhang matatapos na ngayon ang pagiging pekeng girlfriend ko huhuhu

Ay bakit may iyak? Charot lang.

“You know that I can't.”

Gulat akong napatingin kay Merry Christmas and a happy new year. Gusto niyang hiwalayan ako ni Vinci pero hindi niya parin babalikan si Damulag? Aba ayos din!

“See? You're hurting me to death, at sasabihin mong hiwalayan ko si Shan?”

Gagi hindi na Aki tawag niya sa akin.

“Nagseselos ako, Vin. I'm so jealous! Pag nakikita ko kayong magkasama nung Shanani, naninikip ang dibdib ko at gustong-gusto ko syang sabunutan!” Sabi ni Lorren.

Hindi na muna natin sya tatawaging Merry Christmas, mukhang matindi ang pinagdadaanan ni anteh.

“THEN WHY CAN'T WE BE TOGETHER AGAIN? KUNG NAGSESELOS KA BAKIT HINDI KA NALANG BUMALIK SA AKIN? BAKIT PINAGTITIISAN MO YANG SI LUHAN AT ANG GUSTO NG PAMILYA NILA?”

Automatic na napalingon ako sa unbothered na si Luhan.

Anong issue ng mga 'to?

“Engage kasi si Luhan at Lorren.” Bulong sa akin ni Ken.

LOVE, AKI.Where stories live. Discover now