Lies?
[VINCI'S POV]
“BAKIT BA PARANG GUSTONG-GUSTO MO NA YANG GINAWA MO? ANO, NAHUHULOG KANA?”
Kanina pa 'tong bunga-nga niya, hindi na natigil.
“Tandaan mo Jeremiah, mamamatay tao yang peke mong girlfriend!”
Kunti nalang talaga at masasaktan ko 'to.
“IT'S NOT HER FAULT! WALA SYANG KASANALAN!” Sigaw mo rin sa kanya.
Nagulat sya sa inasta ko, “What did you just say? It's not her fault? GAGO KABA? Baka nakalimutan mo, iah bakit mo sya ginawang girlfriend? At paalala lang, pinaka-mamahal natin ang nawala dahil sa kanya!”
“HINDI KO 'YUN NAKAKALIMUTAN!” Sigaw ko.
“Oh, talaga ba? Why are you so worried about her? Why are you acting jealous pag magkasama sila ni Luhan? Are falling inlove with her naba?”
“SHUT IT, ELYSE!”
That was only part of a plan.
Hinding-hindi hindi ko makakalimutan bakit namatay si Mama. How she sacrificed her own life to saved that damned kid!
At hinding-hindi ko makakalimutan bakit kami andito ngayon. Ang tagal namin 'tong plinano— ngayon paba ako magpapadala sa emosiyon ko?
“Don’t worry, Ely,” I said firmly, my tone shifting to one of determination. “I’ll make sure na magbabayad ang dapat magbayad.”
********************************
[SHAN'S POV]
Nayayamot parin ako!!! Hindi kay Vinci kundi sa sarili ko. Bakit ko ba kasi 'yun sinabi sa kanya? Ang awkward tuloy!
“Kung may buhay lang yang mga damo, minura kana nila.”
Agad akong napalingon sa nagsalita.
Si Luhan pala.
“Hindi ka pa uuwi?” Tanong niya. “Kung hinihintay mo si Vinci, hindi na sya bumalik after lunch.” Patuloy niya.
“Hindi naman sya ang hinihintay ko.” Bulong ko.
He chuckled at umupo sa tabi ko, “Sinabi ko naman sa'yo, diba? You'll never find peace kung si Vinci ang kasama mo. Hindi ko sya sinisiraan sayo, Shan. I am his bestfriend, pinipilit ko lang itama mga kabalastugan niya.”
Bakit ba kung magsalita tong si Luhan parang napaka-samang tao ni Vinci?
“Wala naman ginagawa si Vinci na nakakasakit sa akin.” Sabi ko at pinagpatuloy ang pagbubunot ng mga damo.
“Hindi mo sya kilala. Ngayon mo lang naman sya nakasama.”
Sabagay, totoo din naman. Ngayon ko lang nakilala si Vinci. Pero sya din naman ah, ngayon ko lang din 'to nakilala si Luhan! Kaya bakit ako maniniwala sa kanya?
Baka insecure lang talaga 'to kay Vinci, nako sayang. Pogi pa naman inggitero lang.
“Wala ka naman dapat ikabahala, Luhan. Wala naman talaga kaming relasyon ni Vinci. After one month, babalik din naman kami sa normal naming buhay.”
YOU ARE READING
LOVE, AKI.
Teen FictionSabi nila na mas okay nang ma-in love sa taong may masamang ugali kaysa sa manloloko. Pero ako? Na-in love ako sa pareho.