CHAPTER 10

9 1 0
                                    

[SHAN'S POV]

“Vinci, saan mo ba ako dadalhin? Malalagot ako sa kuya ko!” Reklamo ko habang hila-hila niya ang braso ko.

May bago ba?

Wala man lang ka gentleman gentleman ang taong 'to! Hindi man lang naisip na babae din ako na pwedeng matanggalan ng braso kung ipagpatuloy pa niya yang panghihila na yan!

Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya kung saan niya ako dadalhin pero hindi niya ako sinasagot.

Muted naba sya? Napindot ko ba ang mute button niya?

Or ang anger niya ang napindot ko?

Napatingin ako sa paligid nung tumigil na sya sa paglalakad, muntik pa ako bumunggo sa likod niya.

Andito kami sa rooftop.

“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko, and as usual— hindi niya parin ako sinagot.

Oh sige yun pala ang bonding natin ha.

“Kung hindi mo rin naman pala ako sasagutin edi babalik nalang ako sa room, for sure andon na ang kapatid ko para sunduin ako!” inis na inis kong sabi at akmang hahakbang na para umalis ng bigla niya akong hatakin palapit sa kanya. Dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.

Walangyaaaa!

He's holding my waist so tight, sobrang magkadikit ang katawan namin.

“I hate sharing what is mine, Shan.”

Shan! Shan! Shan! Tinawag niya na naman ako akong Shan! Ibig sabihin galit nga sya.

“Oh tapos?” Pagtataray ko.

Huwag ipahalata ang takot. Go Shanani! Kaya mo yan, ginusto mo eh. Nagmamatigas ka kasi yan tuloy napala mo.

“Lalo na kay Luhan. Ayokong nakikihati sya sa kung anong meron ako.” Mahina pero may diin niyang sabi.

“Bakit mo sa akin sinasabi yan? Dapat do'n kay Lorren!” Bulyaw ko.

Tama naman kasi. Bakit sa akin sinasabi e si Lorren naman pinagaagawan nila. Lakas maka gandang babae ah.

“Don't you really get it, do you?”

Hirap makipag-usap sa matatalino, dumudugo internal organs ko.

“Bitawan mo nga ako! Ang baho ng hininga mo! Nag toothbrush kaba?” Suway ko sa kanya.

“SHUT UP!” Sigaw niya. “Shut the f*ck up! Bakit ba ang daldal mo?”

TATAHIMIK LANG AKO PAG BINITAWAN MO AKO!” Bulyaw ko ulit sa kanya. Mas lalo lang kumunot ang noo niya.

“One word slip on your mouth, hahalikan na kita.” Sabi niya na may pagbabanta.

Tinakpan ko agad ang bibig ko gamit ang palad ko.

Huwag na huwag syang magkakamali!

“I really hate it when you're talking too much. Rinding-rindi ako sa boses mo.”

Ako rin. Rinding-rindi na sa'yo kupal ka! Ano bang problema mo!

“Edi huwag mo'ko kausap—” Napatakip ulit ako ng bibig nung bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Himlaaaaaaayyyyy bakit ang lapit ng mukha?

“One word, one kiss.”

James Ried, ikaw ba yan?

LOVE, AKI.Where stories live. Discover now