[ELYSE'S POV]
I hate her! I hate her! I hate her!
All my well being hate her so much!
"That's enough, Ely," pigil sa akin ni Iah, na para bang napakadali lang maging kalmado sa gitna ng lahat ng ito. Tiningnan ko siya ng masama, halos hindi ko maintindihan kung paano siya nakakayanan na manatiling kalmado.
Bakit pakiramdam ko ako na lang ang tanging nagagalit kay Shan at ang nag-iisang gustong maghiganti sa lahat ng kasalanang nagawa niya?
"Nagkakagusto ka na ba sa kanya?" tanong ko kay Iah, puno ng galit at hinanakit ang boses ko.
"Bullshit 'yan, Elyse. Sinasabi ko sa'yo, may sarili akong paraan para makapaghiganti."
Sariling paraan? Pagsabihan niya ako ng ganyan, pero ang nakikita ko, parang hindi naman siya gumagawa ng kahit anong paraan. Anong klaseng paraan ba ‘yan? Ang protektahan si Shan laban sa akin? Ano na bang nangyayari sa kanya?
"Hindi!" Umiling ako ng mariin. "Kung may sarili kang paraan, eh di fine, maghihiganti ako sa sarili kong paraan! Nakita kita na bumababa ang depensa mo kapag siya ang kasama mo, Kuya. Nakita kita kung paano mo siya tingnan, at kung paano ka nagalit nang kinausap siya ni Luhan. Huwag mong ipilit na iyan ang paraan mo, dahil wala akong nakikitang paghihiganti diyan. Ang totoo, nagkakagusto ka na sa babaeng iyon!"
"Nagpapatawa ka ba, Ely?" sagot niya, hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.
Pero sa halip na sumagot, binalik ko sa kanya ang tanong.
"Bakit, hindi mo ba kayang sumagot, Iah? Nagpapatawa ka rin ba?"
Hindi na niya ako sinagot. Sa halip, padabog niyang isinara ang pinto ng kwarto ko, galit na galit.
Hindi mo ako mapipigilan, Kuya. Alam kong unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya kahit hindi mo aminin. Ganun naman talaga si Shan, madali siyang mahalin—kahit ako, muntik nang bumaba ang mga pader na itinayo ko sa paligid ko dahil sa lambing niya. Pero sa tuwing naaalala ko ang mukha niya noong masagasaan si Mama, nag-aalab muli ang galit sa puso ko at napapaalala ang totoong dahilan kung bakit ako nandito.
Para dalhin siya sa ilalim ng mga ulan ng pagkawasak.
************************************
[SHAN'S POV]
“We will allow Ms. Peralta to take the exam, but if this happens again, we’re sorry, but we will not allow her to graduate."
“Thank you, Sir. I promise, Shan will take all her remaining exams without skipping any of it,” sagot ni kuya, na parang nangako ng buong puso. Nag-bow kaming dalawa sa guidance counselor at kinaladkad na niya ako palabas ng office.
Walang puso talaga 'tong kapatid kong 'to.
“Have you completely lost your mind, SHAN?” Sigaw niya, halos sumabog na ang mga mata sa galit.
Grabe, idiin ba naman ang palangan ko.
“eh...”
“Eh? ‘Yan lang ba ang sasabihin mo after all the mess you’ve made? Paano kung malaman ito ni Mama? Anong sasabihin ko sa kanila?” Galit na galit niyang tanong sa akin.
“Hindi naman nila malalaman kung hindi mo sasab—”
“Diyan! Diyan ka magaling, Shanani!” Bulyaw niya. Tanginamens bakit niya ba ako sinisigawan sa harap ng mga kaklase ko?
"Hiwalayan mo na ‘yung Vinci na ‘yan!" Sunod niyang utos, diretsong-diretsyo, walang bakas na pagaalinlangan.
Napatingin kaagad ako sa kanya. “Bakit?" Tanong ko. Nalilito pa.
YOU ARE READING
LOVE, AKI.
Teen FictionSabi nila na mas okay nang ma-in love sa taong may masamang ugali kaysa sa manloloko. Pero ako? Na-in love ako sa pareho.