Ikaw nalang
[SHAN'S POV]
Tahimik lang ako habang tahimik din syang nagmamaneho.
Kamaganak ba namin si Mark? Si mark na tahimik lang?
May gusto akong itanong sa kanya kaso nagdadalawang isip ako. Baka kasi sumobra na naman ako, itapon pa ako palabas ng kotse niya.
“Anong plano pagkatapos ng isang buwan? What if hindi parin bumalik sayo si Merry Christmas, ano gagawin mo?”
At sa huli, nanalo parin ang intrusive thoughts ko.
Matagal bago sya sumagot.
Siguro nagiisip ng mabuti or di kaya na now niya lang na realized na pwede din na hindi talaga sya balikan ni ateco Merry Christmas.
“Edi ikaw nalang.”
Tumango pa ako pero nung pamagtanto ko ang sinabi niya ay gulat akong humarap sa kanya.
“Anong sabi mo?” Tanong ko.
“If after one month, wala parin. Edi ikaw nalang jojowain ko ng totoo.”
LORD? ANO 'TO? BA'T ANG AGA NG PLOT TWIST, DI PA AKO READY.
Haayy ano ba yan, Shan tandaan mo isa syang play boy. Huwag kang papadala sa mga mapanglason na salita.
“Natahimik ka dyan?” Tanong niya. Pero di ko sya pinansin nag kunwari nalang akong tulog.
Ayan tanong pa napaka daldal kasing bibig 'to.
“Huwag kang magpanggap na tulog dyan. You need to tell me saan bahay niyo.” Sabi niya.
“Akala ko ba you have your ways?" Nakapikit kong sabi. Narinig ko pa syang tumawa. Baliw!
“Oh sige. Marami naman akong gas. Ang tanong, G kabang libutin tong buong Pilipinas matunton lang ang address mo?” Mapang-asar niyang sabi.
Dinilat ko ng kunti ang mata ko, tumingin ako sa labas. Malapit na pala kami.
“'Don sa kabilang kanto. Color pink ang pintura ng bahay namin.” Sabi ko at pinikit ulit ang mga mata.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Para tuloy akong affected. Huuuyyyy affeecctteedddd
“Sino nakaisip ng pintura nitong bahay niyo?" Tanong niya. Andito na kami sa harapan ng bahay namin, di niya pa ako pinapalabas kasi curious daw sya sa kolor ng bahay namin. Baliw talaga.
“Aba malay ko! Pagkadilat ko ng mga mata kolor pink na yang bahay namin.” Sabi ko habang pilit na binubuksan ang pinto ng sasakyan niya.
“Masisira yan.”
“Palabasin mo na kasi ako! Para ka namang timang!” Bulyaw ko sa kanya.
“Wala ka lang bang sasabihin or gagawin sa akin bago ka umalis?” Tanong niya.
Sasabihin? Gagawin?
Magmamano ako?
Kinuha ko ang kamay niya at nagmano sa kanya.
“WHAT TH— AKISHA SHANANI!” Tumawa lang ako at agad na lumabas sa kotse.
“Thanks sa ride, damulag!” Sabi ko at tumakbo na papuntang gate ng bahay namin.
“Humanda ka sa akin bukas!” Sigaw niya habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya.
Pinandilatan ko lang sya saka ako tuluyang pumasok sa loob.
At hindi nagtagal I received a message from him.
From: Damulag
[I'll make you pay from what you've done!"]Napangiti lang ako at saka ko binulsa ang phone ko.
“Ngiting-ngiti?” salubong sa akin ni kuya.
Aba may atraso pa sa akin 'to.
“BAKIT MO'KO INIWAN?” Sumbat ko. Agad naman nagbago ang expression ng mukha niya at nagiba ng dinadaanan.
“KUYAAAAAA!!!!” Sigaw ko.
“Because your boyfriend asked me though!” Sabi niya.
BOYFRIEND BOYFRIEND
“HINDI KO NGA YUN BOYFRIEND!”
“Well, kalat na sa buong campus.” Sabi niya at tumunga ng kape.
“Magbihis kana at ng makakain na.”
Inirapan ko lang sya at padabog na umakyat sa hagdanan.
YOU ARE READING
LOVE, AKI.
Teen FictionSabi nila na mas okay nang ma-in love sa taong may masamang ugali kaysa sa manloloko. Pero ako? Na-in love ako sa pareho.