CHAPTER 3

5 1 0
                                    

Badtrip

[SHAN'S POV]

“Ang haba ng nguso mo malapit na humalik sa sahig.” Kanina pa ako kinukulit ni Elyse pero wala talaga ako sa mood. Aba ayos din tong ugali ko e no? Na b-base mood kahit wala namang dahilan.

“So itatanggi mo parin na boyfriend mo si Vinci?”

Hindi ko naman boyfriend yun.

“Vinci? Sino yun?” badtrip kong sabi.

Asuuuss dalaga kana talaga bakla! I'm so proud of you, hindi kana rin mababansagang NBSB!”

Isa din yun sa reason ko bakit napasubo ako sa deal nung nilalang na yun. Kakulit ng mga kaklase ko, sa classroom namin ako lang daw ang never pa nagka-jowa oh ano kayo ngayon?

“Hindi ko totoong boyfriend yun. We're just faking it.” Walang ka gana gana kong sabi.

Halata sa mukha ni Elyse ang pagkagulat.

“What did you just say? Joke ba yun?" She asked.

“Gusto niya pagselosin yung ex niyang mukha Christmas Tree.” wala parin sa sarili kong sabi.

“For real??? Omaylecious ka SHAN! BALIW KABA?”

Ayan na. Alam ko naman na sesermonan ako nito pag nalaman niyang fake boyfriend ko lang si damulag.

“Hindi naman ako pumayag nung una, kaso pinipilit niya ako. Sabi ko pa nga sa kanya ayoko ng issue e matigas ang ulo niy.... Aray!” Daing ko nung bigla niya akong batukan.

Nasisiraan kana ba ng ulo? Dae? Hindi pang peke yang beauty mo! Ba't ka pumayag?” Medyo napalakas na ang boses niya kaya dali-dali ko syang hinila palabas ng classroom at dinala sa medyo wala gaanong studyante.

“Alam ko naman na ka praningan tong pumasok ko e sa mapilit nga sya e!” Sabi ko. Halatang-halata parin sa mukha ni Elyse ang pagkalito.

Maski nga ako nalilito din. Yawa.

“Tigilan mo yan, Shan ah. I'm so against dyan sa fake relationship na yan.” Sabi niya habang hindi mapakali sa kinatatayuan niya.

“Wala na akong choice, andito na 'to eh.”

“Anong walang choice?” Galit niyang tanong. “May choice ka! At yun ay sabihin don kay Vinci na umuurong ka. Wag kang tanga, Shanani! Delekado yang pinasok mo!” Patuloy lang sya sa paninirmon sa akin.

“Hindi naman yun delekado. One month lang naman, after one month we'll going to tigil din naman.” Paliwanag ko sa kanya. Pero as what I've always said, hindi ko basta-basta nakukumbinsi tong bestfriend ko.

“What if ma fall ka? Oh ano gagawin mo? Balita ko pa naman play boy yung Vinci na yun.”

Ma-fall? Ha! Asa! Pupusta ko pa buong mana ko never akong ma fa-fall sa damulag na yun.

“Huy grabe ka sa ma-fall ah. Ganon ba ako ka easy to get? Mataas pader ko beh, hindi 'to basta basta natitibag.” Pagyayabag ko pa sa kanya pero hindi parin sya natutuwa.

Tanginang kaibigan 'to.

“Fine. Hahayaan kita, but in one condition. Bawal kang ma-fall. Kapag na fall ka, dapat paninindigan ka nung Vinci na yun, malinaw?”

LOVE, AKI.Where stories live. Discover now