CHAPTER 9

8 1 0
                                    

[SHAN'S POV]

Kung may pahabaan lang ng nguso, malamang winner na ako.

Sobrang badtrip ko talaga, at nung sabado pa'to. Of course, hindi ako ni replayan ng kupal at hindi din sya sumipot sa dinner kahapon.

Nagalit tuloy ang parents ko :(

“Akii!” Tawag sa akin ng pamilyar na boses.

Huwag mong pansinin ang mga taong hindi nag eexists sa mundong ibabaw.

Isipin mo nalang na isang bubuyog ang tumatawag sayo, isang pisti.

“Huy! Akii!”

Lalalalala lalalalala lalalalala

May tumatawag ba sa akin? Shempre wala! Mga masasamang elemento lang yun na gustong sumanib.

“May LQ ata sila ”

“Kapal naman ni Shan na hindi pansinin si Vinci.”

“Feeling maganda.”

Ay hindi ako matitinag sa mga panglalait niyo. Wala ako sa mood makipag-away.

At lalong wala ako sa mood para pansinin yang prince charming niyong may sa kabute, mawawala... Susulpot.

“Ano bang ginawa ko sayo?” Tanong niya. Nakasunod lang sya sa akin na parang bodyguard ko.

Bahala ka dyan busit.

“Uy! Shan!”

Si Ken. Kumakaway sa akin.

Oh ito papansinin ko.

“Hi Ken!” Masigla kong bati sa kanya. At sumabay sa kanya sa paglalakad.

“Huy ba't di mo pinapansin yang isa sa likod?” Bulong niya sa akin.

“May kasalanan yan sa akin eh. Deserve niyang hindi pansinin.” Bulong ko rin sa kanya. Tumawa kami pareho pero may hindi ata natuwa sa bulungan namin.

Pa'no biglang nalang may nabasag sa likod at paglingon namin, basag na ang isang flower pot at nagkalat ang lupang laman nito sa hallway.

Tangina?

“Hindi ko pa ba nasasabi sayo na masama magalit si Vinci?” Sabi ni Ken.

Sinusundan ko lang ng tingin ang naglalakad palayo na si Vinci. Kahit nakatalikod, feel na feel ko ang inis niya.

“SINONG NAKABASAG NG FLOWER POT DITO??” Sigaw ni Ms. Cruz. Magsasalita na sana ako para isumbong ang damulag ng bigla akong hilahin ni Ken palayo.

“Huwag kana umamin. Malalagot ka lang lalo kay Vinci.” Sabi niya habang hila-hila ako. Trip ba ng magkaibigan na'to na ihiwalay ang mga braso ko sa katawan ko?

Hanip din hobby nila ah, hilahan.

“Thanks sa paghatid, pakisabi sa kaibigan mong damulag na bawas-bawasan pagiging masungit. Tatanda sya ng maaga.” Sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Ken. Iniwan ko na sya agad at pumasok sa room namin.

Pagkakita sa akin ni Elyse ay tumakbo kaagad ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Ang dramatic, daig pa si Lola Onor.

“Sorry talaga, Bakla ah.” Sabi niya.

“Okay lang, bitawan mo na ako.” Suway ko sa kanya at agad niya namang kinalas ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.

LOVE, AKI.Where stories live. Discover now