[LUHAN'S POV]
Pagkadating ko sa room namin ay lumapit kaagad ako ako kay Vinci na kasalukuyang nakikipag-keentohan kay Ken at Karl.
“Magusap tayo.” Sabi ko. Pareho silang nagulat sa biglaang pagsulpot ko sa harapan nila.
“Problema mo na naman?” Tanong ni Vinci na halatang naiinis.
“Tigilan mo na yung kay Shan.” Sabi ko.
Agad namang napatayo si Ken at Karl. “Lu, ano ba yang pinagsasabi mo?” Tanong ni Karl. Hindi ko sya tinignan, nakatingin lang ako kay Vinci na halatang hindi na natutuwa sa inista ko.
He needs to stop before it's too late. Shan is innocent, she's so innocent.
“Naiinggit ka na naman ba sa akin, Lu? Nasayo na si Lorren, don't tell me pati si Akii gusto mo narin mapasayo?” Sabi niya habang tinatapunan ako ng masasamang tingin. Pilit naman siyang pinapakalma ni Ken.
“Huwag mo na idamay sa kabobohan mo si Shan. Imbes na ayusin mo ang buhay mo at itama mga mali mo, mas lalo mo lang pinapalala ang lahat! Kailan ka ba magigising sa pagiging tanga mo, Vinci?”
Hindi ko na nakita ang kamao niya na papalapit sa akin. Sa sobrang gulat ko ay kusa ko nalang hinayaan na dumapo ang nagliliyab niyang kamao sa mukha ko.
Tumawag ng atensiyon ang ginawa niya. Nagbubulungan na ang mga kaklase namin, si Ken at Karl naman hawak na si Vinci ngayon na pilit akong susugurin.
“LUHAN, ANO BANG PROBLEMA MO PRE?” Galit na galit na sigaw ni Karl.
I wipe my lips na pumutok na dahil sa suntok ni Vinci. Gago 'to.
“Masaya ka ba talagang nahihirapan ako, Luhan? Hobby mo ba talagang agawin lahat ng sa akin?” Sigaw niya. Mahigpit parin syang hinahawakan ni Ken at Karl.
“Inilalayo lang kita sa gulo, Vinci! Shan had never been in a relationship before, alam kong alam mo at ramdam mo na madali syang ma-attached. Hindi mo sya kayang panindigan kaya itigil mo na yang kahibangan mo!” Sermon ko sa kanya.
“Pa'no kung kaya ko?”
Nagpapatawa ba sya?
“Whatever you say, Vin. Sabihin mo nang kaya mo pero alam mo sa sarili mong hindi. Hindi mo kaya. You're so inlove with someone else, huwag mong lokohin ang sarili mo.”
Tama naman kasi e. Halos pumatay na sya ng tao para kay Lorren, muntik na niya putulin ang pagkakaibigan namin dahil kay Lorren. Kung may higit man na nakakakilaka sa kanya, ako 'yun.
Bata palang kami alam ko na ang ugali niya. Kung ano yung gusto niya, doon lang niya ilalaan lahat ng atensiyon niya. Hindi niya iniisip yung mga taong nagpapahalaga sa kanya kasi sobrang occupied ng utak niya sa isang gusto niya. At 'yun yung dahilan bakit ayokong ipagpatuloy niya ang tanginang pekeng relasyon niya kay Shan.
Ayokong ipagpatuloy niya kasi alam ko na anong kahihinatnan ng lahat. Shan is a kind of girl na parang hindi aware minsan sa feelings niya. Yes, I saw that the way she looked at Vinci. Then Vinci is the kind of guy naman na palaging aware sa nararamdaman ng iba pero mas pipiliin niya parin yung sarili niyang interest.
Masasaktan si Shan. Masasaktan sila pareho.
“Kung naiinggit ka, huwag mo idamay si Akii!” Sigaw niya at padabog na lumabas ng room namin. Muntik pa niyang maitulak ang kambal na si Ken at Karl.
Kaagad naman na lumapit sa akin ang dalawa, “Anong nangyari?” Sabay nilang tanong.
Umiling ako, “Wala. Tinatama ko lang sana ang maling ginagawa ni Vinci.” Sabi ko at naupo sa silya ko.
“Lu, may gusto ka ba kay Shan?” Tanong sa akin ni Ken na sinundan pa talaga ako hanggang dito sa pwesto ko.
“Nope. I'm just concerned.” Tipid kong sagot sa kanya.
Hindi na sya nakapagtanong pa ulit nang biglang dumating ang teacher namin. Kasunod ni Ms. Cruz ay si Vinci na sobrang sama ng aura. Magkasalubong ang kilay at wala man lang bahid na kalma sa mata niya.
Natapos ang klase ni Ms. Cruz pero ganon parin ang aura ni Vinci. Nahuhuli ko syang tinatapunan ako ng masasamang tingin, naka poker face lang sya habang walang tigil akong tinitignan ng masama.
“Mag sorry kana sa kanya, Lu.” Bulong sa akin ni Ken. Nasa tabi ko napala 'to, di ko man lang napansin.
“There's nothing to apologize for. I'm just doing what's best for him.” Sabi ko at iniwan si Ken. Naglakad ako palabas ng classroom, pero bago paman ako makalabas ay tinawag ako ni Vinci.
I know he'll going to call me. Hurap ako sa kanya.
Ganon parin ang mukha niya.
Lumapit sya sa akin, as in sobrang lapit. This is a men thing when we're angry with each other.
“Layuan mo ang girlfriend ko.” Sabi niya sabay binangga ako at lumabas ng room.
Bago pa sya nakalayo agad akong humabol, “Who's girlfriend?” Tanong ko na may halong pang-iinis.
“You know who.” Walang gana niyang sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
Brat.
YOU ARE READING
LOVE, AKI.
Teen FictionSabi nila na mas okay nang ma-in love sa taong may masamang ugali kaysa sa manloloko. Pero ako? Na-in love ako sa pareho.