[SHAN'S POV]
Kanina pa ako nakatunga-nga dito sa kwarto ko. Kasalanan kasi 'to si Elyse, ang sabi niya mag m-mall daw kami ngayon pero ang gaga, hindi daw sya tuloy dahil dumating ang uncle niya from states?
Edi ito si accla, nakikipag-kwentohan na sa mga buteke sa pader.
Isa din yung damulag na 'yun. Nung Wednesday pa huli kaming nagusap, hanggang ngayon hindi parin ako tinitext man lang. Update ba kung buhay paba sya or what.
Kakainis.
Idagdag mo pa yung sinabi ni Luhan na hindi ko gets— grabeng pasakit nila sa akin ngayong linggo... Winner!
“Shan? Nag text si Ely sa akin kung makakasunod kaba daw sa mall?” It's kuya behind the door.
Akala ko ba dadating uncle niya?
“She's with her fam daw baka gusto mo daw sumama?”
Haysst.
“AYOKO!” Sigaw ko. Hindi na ako nakarinig ng sagot mula kay kuya kaya nagtalukbong nalang ako sa kumot.
Bored na bored na ako. Gusto kong lumabas pero sobrang init din. Huhuhu
Ma text ko kaya si damulag? Baka busy? Pa'no mo malalaman kung hindi mo susubukang kausapin.
To: Damulag
[uy]To: Damulag
[Busy ka? Nakalimutan mo naba ako? Chariz!]Ilang minuto din akong naghintay ng reply kaso... Mukhang walang balak magparamdam ang damulag.
Edi wag!
Pag talaga pinansin niya ako sa school tatadyakan ko lato-lato niya. Papansin!
Bigla nag vibrate ang phone ko kaya dali-dali ko itong tiningnan. Excited?
Ewan ko ba pero nung makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko, may kung anong saya akong naramdaman.
Mag re-reply din pala.
From: Damulag
[Sorry. Busy lang.]Medyo na disappoint ako sa message niya kaya hindi ko nalang nireplyan. Three words lang ba naman? Aba kahit si San Pedro magagalit sa ganoong ka iksing reply.
Nag vibrate ulit ang phone ko at pagtingin ko, napangiwi ako nung pangalan ni Elyse ang nag pop up.
From: Elyse bestie
[Huy galit ka daw sa akin sabi ng kuya mo?]From: Elyse bestie
[Sorry naman na, Shan. Alam mo naman na need ko samahan 'tong tito ko. Babawi ako next weekend, swear!]Loko talaga 'tong si kuya! Sinong may sabing galit ako kay Ely?
To: Elyse bestie
[Huwag ka maniwala kay kuya, siraulo yun! Of course, naiintindihan kita. Enjoy mwapss ]Hindi ko na hinintay na makapag-reply pa si Elyse, inoff ko agad ang phone ko at walang ganang hinagis ko 'to sa kama ko.
Ano ba pwedeng gawin maliban sa mag feeling maganda?
Kakabagnot ah.
At dahil ako yung tipo ng tao na mamamatay pag nabored ng husto, edi andito ako ngayon sa beach. Diba, napaka walang kwenta ko gumawa ng substitutes sa boredom?
Tirik na tirik ang araw at ito ako nakikipagpaligsahan sa mga bata dito sa beach. Malapit lang kasi ang bahay namin sa isang beach, nalalakad lang ang layo kaya wala na akong choice kundi ang pumunta dito kaysa naman malagutan ako ng hininga sa bahay.
“Ate you're so bobo po! Don't throw it that way!” Suway sa akin ng batang tabatching.
Pero higit sa lahat, tinawag niya akong bobo. Aba, ayos!
Nag lalaro kasi kami ng tumbang priso at kanina pa ako sinusuway nitong batang 'to. Kiso daw mali ang pagbato ko.
Edi ako na mali! Lagi naman akong mali eh!
Hala emote.
Ilang oras din akong nakikipag-bardagulan sa mga bata hanggang sa naisipan ko ng umuwi. Feel ko kasi nasusunog na balat ko sa sobrang init.
Pagkapasok ko ng gate namin ay napangiti kaagad ako nung makita ko ang kotse ng Mom and dad ko. Kaya buong lakas akong tumakbo papasok ng bahay.
“MOM! DAD!” Masigla kong tawag sa kanila.
“Nako Shani! Saan ka na naman ba galing?” Tanong ni Dad na nakakunot pa ang noo. Hinampas naman sya ni Mama.
“Huwag mo nga sigawan ang anak natin. Come here, Shan. Marami akong biniling pasalubong para sayo.” Patuloy ni mama. Nagliwanag ang mukha ko at tumakbo agad ako sa kinaroroonan nila.
Ang dami nga nilang pinamili. Halos lahat ng gusto ko andito. Kulang nalang buong Korea ang dalhin nilang pasalubong sa akin.
“Mom, this so dami! All my faves are here!” Sabi ko habang isa-isang binubuksan lahat ng shopping bags na dala ng parents ko.
They went to Korea kasi for a vacation. Bongga diba? Actually kami talaga ni kuya ang nagkumbinsi sa kanila na mag out of the country saglit, sobrang busy na kasi nila lately sa trabaho. Deserve din nila ng time together.
“Nag enjoy ba kayo, Ma?” Tanong ko.
Lumapit sa akin si mama at niyakap ako mula sa likod, “The was a great experience, anak. Thanks to you and to your kuya.”
Aysus si mama talaga.
“Korny mo, Ma!” Pang-aasar ko.
“Alam niyo bang may boyfriend na 'tong si Shan, Ma?”
Halos mag freez ako sa sinabi ni kuya. Gagong kapatid 'to talagang 'di sya natatahimik hangga't hindi ako naaasar.
Gulat na lumingon sa akin si Mama, napayuko nalang ako.
Mamaya ka sa akin, Kuya.
“Totoo ba 'yun, Shan?” Tanong ni Mama, may pag-aalala sa boses niya.
Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na fake boyfriend ko lang ang damulag na 'yun at baka katapusan ko na.
“K...Kasi ma....”
“I want to meet him. Dalhin mo sya dito.” Sabat ni Papa.
Wala na. I'm so fucked up na.
“D-Dalhin kaagad p-pa?” Nauutal kong tanong sa daddy ko.
“Bakit? Yan ang usapan natin. Pag magka-boyfriend ka, ipapakilala mo kaagad sa amin.” Sagot niya.
Counted ba yung fake boyfriend? Feel kinda hindi.
……
Ilang minuto ko narin tinititigan 'tong phone ko. Hindi ko kasi alam pa'no sasabihin or aayain ang damulag na 'yun eh. Pahamak talaga si kuya.
Gusto lang naman nila Mama na dito mag dinner si Damulag bukas. Sakto pa daw kasi Sunday. Edi wow! Hindi nga ako pinapansin ng kolokoy na 'yun eh.
Wala na akong choice, kaysa naman malalaman nila Mama na napasubo ako sa tanginang pekeng relasyon na'to. Mas delekado 'yun.
Huminga ako ng malalim saka ko pinindot ang send button.
To: Damulag
[Free kaba bukas? Gusto kasi ng parents ko na dito ka mag dinner. Sorry ah, si kuya kasi binuko ako. Pero kung busy ka, okay lang din naman. No pressure hehehe.]Pagkasend ay kaagad ako nagtalukbong. Nakakahiya promise! What if tumanggi sya? Edi napahiya pa ang maganda kong mukha.
Hinihintay ko talaga na mag vibrate ang phone ko pero mukhang dinadalaw na ako ng antok at wala parin.
No chance. Tulog na ako :(
YOU ARE READING
LOVE, AKI.
Teen FictionSabi nila na mas okay nang ma-in love sa taong may masamang ugali kaysa sa manloloko. Pero ako? Na-in love ako sa pareho.