[VINCI'S POV]
“Where the hell she is, Elyse!" Galit na galit kong sigaw sa kapatid ko.
“Pwede ba? Let go of me first!" Agad ko namang binitawan ang braso niya.
“Now tell me, nasaan sya?”
“Ayan ka naman, Iah. Look, nagaalala ka na naman sa kanya. Akala ko ba hindi mo nakakalimutan ang kasalanan niya?” Nakangisi niyang tanong.
“Look, Elyse. Wala 'to sa usapan, okay? You already agreed na ako na Ang bahala sa kanya.” Sabi ko.
“NO! I WANT TO SEE HER SUFFER!" Pagmamatigas niya na may halong galit.
SHIT!
“TANGINA NAMAN ELYSE!”
“Wala naman akong masamang ginawa sa kanya. I just pranked her. 'yun lang.” She yeld.
“What kind of prank? Sagutin mo ako, WHAT KIND OF PRANK!”
“FUCK! I TEXTED HER NA MAY KUMIDNAP SA AKIN! I JUST NAME SOME PLACE I DIDN'T KNOW!” Sigaw niya, halos nasisiraan na rin ng bait.
“Why did you do that? Pa'no kung napahamak 'yun?”
"Ghad, Iah. 'Yun nga ang goal natin, 'di ba?" Tila ba wala siyang pakialam sa maaaring mangyari.
“Look, were not gonna take our revenge this way. Pag may nangyaring masama sa kanya, kakalimutan ko talaga 'tong kahibangan mo!”
“Did you just call this kahibangan? I did this kasi we were hurt.”
“Yeah. Pero hindi tayo mananakit physically." Kinuha ko ang phone niya at agad hinanap ang address na sinend niya kay Shan. Pagkakita ko rito, hindi na ako nagdalawang-isip—lumabas ako ng school, nagmamadaling tumakbo upang puntahan si Shan, dala ang bigat ng pangambang hindi ko kayang iwanan.
Pagkarating ko sa address, sumalubong kaagad sa akin ang isang malaking abandonadong bahay.
Shit.
I hope she's safe.
Tumakbo kaagad ako at kumatok sa pinto. I know it's no use. Abandoned nga d'ba?
Pero sa gulat ko, bigla nalang tumunog ang pintuan at iniluwa ang isang babaeng nasa edad na.
“Huwag mo sabihing may nag text din sayo?”
Base sa tanong niya, I know Shan went here.
“May pumunta ba ditong babae? Yung hight niya nasa mga 5'5, maputi, medyo payat, kulot ang buhok niya at may bangs sya.” Pag describe ko kay Shan. Ngumiti naman ang matanda.
“At... She's pretty....din po.”
Natawa lang ang matanda at sinenyasan ako na pumasok.
“Bandang 9 nung dumating dito yung hinahanap mo, nakidnap daw ang kaibigan niya. Nung pinauwi ko kasi wala namang na kidnap dito e bigla nalang hinimatay. Sobrang putla pa, sa takot ko na ba may masamang mangyari sa kanya ay tumawag na ako ng ambulansiya. Hito... Dinala sya sa ospital na'to.”
Nang masabi iyon ni Ate, agad kong kinuha ang cellphone ko, pinicturan ang address ng ospital, at halos nagtatakbo akong lumabas ng bahay niya. Tumitibok nang mabilis ang puso ko sa kaba at galit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko—pinagsamang takot, galit, at pagkaawa kay Shan. Hindi ko lubos maisip kung ano ang maaaring nangyari sa kanya, pero isang bagay lang ang sigurado ako: hindi ko mapapatawad si Elyse kung may masamang mangyari kay Shan.
Putangina, Elyse, hindi kita mapapatawad.
This is way over the line! This is far from anything we ever planned.
Nakarating ako sa ospital na halos hindi na humihinga sa pagmamadali. Pumasok ako sa lobby at agad akong nilapitan ng isang nurse.
"Good afternoon, sir. May hinahanap po ba kayo?" magalang na tanong niya sa akin.
"Anong room number ni Akisha Shanani Peralta?" tanong ko agad, ang tinig ko nanginginig sa pag-aalala.
Agad niyang tinignan ang pangalan sa listahan, saka siya muling tumingin sa akin.
"Nasa emergency room po ang pasyente ngayon."
Emergency?
My eyes widened, and a sharp pain twisted in my chest.
"EMERGENCY? BAKIT, ANONG NANGYARI SA KANYA?" malakas kong tanong, halos sigaw na, hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
"Kalma lang po, sir," sabi ng nurse, mahina at mahinahon ang kanyang tono, parang sinusubukan niyang pahupain ang tensyon. "Wala pong masamang nangyari. Naubusan lang po kami ng mga kwarto kaya iyong mga hindi seryoso ang kondisyon, sa emergency room muna namin nilalagay."
Hindi ko na hinintay ang ibang sasabihin pa niya; agad akong tumakbo papunta sa emergency area. Tila bumagal ang oras habang naglalakad ako papunta roon, ang puso ko tila nawawala sa bawat hakbang. Pagdating ko doon ay napansin kong walang gaanong tao sa paligid, kaya’t agad kong hinanap si Shan. Sa isang gilid ng emergency room, nakita ko siyang nakaupo sa kama, kumakain ng tangerine na parang wala lang nangyari.
Saan niya naman nakuha 'yan?
Nagmamadali akong lumapit sa kanya, at bago pa siya makapagsalita ay niyakap ko na siya nang mahigpit. Parang hindi ko siya kayang pakawalan. Sobrang nag-alala ako.
“I'm sorry.” Bulong ko habang yakap-yakap sya ng sobrang higpit.
“Bakit ka nag sosorry?" Tanong niya.
I don't know.
Hindi ko rin alam
Siguro, sorry sa lahat ng nagawa ko?
At sa mga magagawa ko pa?
“Nagalala ako sa'yo, Akii.” Bulong ko habang hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.
I'm so afraid.
Hindi ko mapaliwanag bakit takot na takot ako na mapahamak sya.
“S-Si.... Si Elyse. Nawawala si E-Elyse, Vin." Nauutal niyang sabi na halatang humihikbi na ngayon.
Fuck you, Elyse!
I will never allow you na gawin ulit 'to.
“Sshhh. She's safe now. Napagtripan ka lang. Nasa school lang si Ely.” Sabi ko trying to steady her.
She's shivering kasi.
"Thank goodness. That’s a relief.”
Why are you so kind, Shan?
Hindi mo ba talaga maramdam na niloloko ka ng bestfriend mo? Na sinasaksak ka niya patalikod?
At ganon din ako.
YOU ARE READING
LOVE, AKI.
Teen FictionSabi nila na mas okay nang ma-in love sa taong may masamang ugali kaysa sa manloloko. Pero ako? Na-in love ako sa pareho.