MIKAELLA
"AY BUTIKING PALAKANG NAGSE-SEX!"
Bigla kong naitulak si Stanley dahil sa sumigaw kaya naman napatingin kaming dalawa sa pinto.
"S-shane.." Bulong ko.
Ilang segundo rin kaming nagtitigan na tatlo hanggang sa mahimasmasan kami nang dumating na si Manong Mario.
"Oh? Bakit ata parang nakakita kayo ng multo?" Tanong sa amin ni Manong Mario kaya natauhan kaming tatlo.
"A-ah, wala po yon Manong Mario, may nakita po kasi kaming daga na nagse-sex dito sa sala. Diba, Ella at Stan?" Napatingin ako kay Shane.
"Ha? A-Ah Oo " nauutal kong sagot. Napatingin naman ako kay Stanley at tumango lang siya.
"Nako, 'tong mga batang 'to, oh, huwwag niyo na 'yang pansinin yong daga dahil bukas na bukas maglalagay ako ng mouse trap sa mga bahay nila." Saka lumakad na si Manong Mario patungong kusina.
"I'm going upstairs. I'm going to work." napatingin naman ako kay Stanley at tumango. Lalakad na rin sana ako sa taas pero pinigilan ako ni Shane.
"Op op op. Asan punta niyo? Don't you ever walk out at me, guys? Explain to me, what are you doing two earlier?" Pigil niya samin ni Stanley kaya napatingin naman ako kay Stanley.
"You know what to do.." Sabi ni Stanley saka lumakad pataas at iniwan ako.
Alam ko na yung meaning ng sinabi niya sa akin. Sa one month pa lang na pinagsamahan namin marami na ang nangyare sa amin, na kapag nasa harap kami ng pamilya niya dapat umarte kaming sweet pero kapag wala na, don na lumalabas 'yong tunay niyang ugali.
"Umupo ka muna." Sabi ko kay Shane saka bumuntong hininga at lumakad patungo sa couch.
"So, explain?" Sabi niya nang makaupo siya. Bumuntong hininga ulit ako. Hindi ako marunong magsinungaling, kaya ko lang mag-arte.
"Teka, ano yang dala mo?" Pag-iiba ko ng tanong.
"Kare-kare yan. Dito sana ako maglu-lunch. So tell me now?" Excited na tanong niya. "Gagawa na ba kayo ng pamangkin ko?" Dagdag niya pero umiling lang ako.
"Eh, ano yong ginagawa niyo kanina lang? Diba se-" bago pa niya tapusin tinakpan ko na agad yung baba niya ng kamay ko. Ang ingay talaga nito.
"Ano ba!" Saka kinuha niya yung kamay ko.
"Huwag ka kasing maingay." sabi ko saka umupo.
"Ano na kasi? Promise, hindi ko sasabihin kahit kanino."
May tiwala ako kay Shane, dahil limang taon na kaming magkaibigan bago ko pa makilala si Stanley, ang kambal niya. Never pa niyang naikwento na kapatid niya pala si Stanley kaya nong nakita kong parati silang magkasama sa school parang nagseselos ako. Feel ko parang ang sarili kong bestfriend tinraidor ako. Pero kasalanan ko naman dahil hindi ko sinabi sa kanya. Nong nakita niya kong umiiyak, tinanong niya kung anong nangyare sa akin kaya ayun hindi ko na mapigilan sinabi ko na sa kanya ang totoo, pero ang ganti niya lang sa akin isang malakas na tawa. At ayon, sinabi niya sa akin ang totoo na kambal pala sila ni Stanley, kaya naman napanatag ang loob ko.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
Genel KurguMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...