MIKAELLA
Kinaumagahan ay umaga akong nagising. 5AM. Umaga akong lumabas ng bahay para magjogging. Ayoko nang nasa bahay nalang ako parati at walang ginagawa. Naiinis rin ako sa Yna na 'yon. Alam kong maganda siya at maganda ang hubog ng kanyang katawan, at kailangan dapat ganon rin ako.
Maganda naman ako. May katawan at malusog din naman ang dibdib ko. Ayokong maging losyang tingnan. Ipapakita ko na may ikakaganda rin ako.
"Where have you been?" nag-aalalang tanong sa akin ni Stanley pagpasok ko ng bahay. Kakarating ko lang.
"Jogging." matipid kong sagot.
Nilampasan ko siyabat kumuha ng tubig sa ref at uminom. Uhaw na uhaw ako.
Napatingin ako sa kanya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay ko. Nakita kong napalunok siya.
"May problema ba?" tanong ko.
"What are you wearing?"
"Ito." pinakita ko sa kanya ang kabuoan ng suot ko.
"What if some will harass you? Look at yourself!" sita niya.
Ano bang problema sa suot ko? Na ka sweatpants lang naman ako at na ka sports bra sa loob at na ka crop top na damit. Wala namang problema dito. Hindi naman makikita ang dibdib ko.
"Ano bang problema mo sa damit ko? Alangan naman na mag-pajama ako."
"Then, wear it." tinalikuran niya na ako at pumunta sa taas.
Napabuntong hininga nalang ako at napahilot sa sentido ko.
"Ke aga, nag-aaway naman kayo." napatingin ako kay Manang na kakapasok pa lang sa kusina at may dalang ulam.
"Pinag-initan ba naman ang suot ko."
"Hay nako. Kumain na lang kayo. Naghanda na ako."
"Wala po ako ganang kumain, Manang. Si Stanley nalang po."
Umakyat na ako sa taas at pumasok na sa kwarto ko. Naligo na rin ako.
Ang payat ko na.
Nasa harap ako ng salamin ngayon. Maputla rin ang mga labi ko. Nawala na iyong pasa sa braso ko pero may bago naman dito sa balikat ko papunta sa likuran ko. Medyo malaki rin ito.
Nagbihis na ako at inayos ang sarili ko bago lumabas.
Gusto ko sanang pumunta sa hospital ngayon. Gustong kong bisitahin si Papa.
Nadatnan ko si Stanley na nasa salas at nakaharap sa kanyang laptop. Weekdays ngayon at dapat nasa trabaho na siya sa mga oras na ito.
"Where are you going?" tanong niya nang makababa na ako.
"Pupuntahan ko si Papa." pagpapaalam ko.
Kahit medyo naiinis ako sa kanya ay marunong pa rin naman ako rumispeto. Kailangan ko rin na magpaalam sa kanya hindi dahil asawa ko lang siya pero may karapatan rin naman siyang malaman. Ayoko na rin maulit na saktan niya pa ako ulit at ayokong makita ang Stanley noon na kinatatakutan ko.
Tumaas ang isang kilay niya at tiningnan ako na para bang sinuri ang suot ko.
Bumuntong hininga siya at nagsalit. "Okay."
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nang lumabas ng bahay.
Nakakainis. Akala ko pa naman ay hindi niya ako papayagan at napaka-annoying niya talaga. Okay lang yung sinagot niya. Pambihira talaga.
Nagpasama ako kay Manong Mario sa hospital. Hindi rin naman ako magtatagal doon. Gusto ko lang talagang bisitahin at makausap si Papa.
"Pa?" tawag ko.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
Aktuelle LiteraturMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...
