MIKAELLA
Dalawang araw na simula nong nagka-usap kami ni Stanley sa kwarto niya. Speechless talaga ako. Parang gusto 'kong umiyak nong sandaling 'yon dahil sa sinabi niya.
"Iha, hindi mo ba kukunin 'yong resulta mo?" Ani ni Mang Mario habang kumakain siya sa kusina at ako naman ay naghahanda ng almusal ni Stanley.
Umaga pa lang kasi nandito na si Mang Mario kaya dito na rin siya nag-aalmusal tuwing umaga. Umuuwi siya kapag gabi sa pamilya niya pagkatapos naman ng trabaho niya bilang driver ni Stanley. Ilang taon na si Mang Mario na nagtatrabaho kay Stanley, mga sampung taon na rin siguro.
"Hindi ko nga rin po alam, Mang Mario, eh. Hindi po kasi talaga ako papayagan ni Stanley na lumabas ng bahay. Baka nga siguro sa susunod na araw ko nalang kukunin." Sagot ko na may halong lungkot.
Ayaw na ayaw kasi talaga ni Stanley na lumabas ako ng bahay at ayoko namang hindi siya sundin at magsinungaling sa kanya dahil ayokong magalit siya sa akin.
"Nag-aalala lang naman ako sayo, Iha. Kung gusto mo, ako nalang ang kumuha ng resulta mo sa Clinic?"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Mang Mario.
"Talaga ho? Gagawin niyo 'yon para sa akin?"
"Oo naman." Sagot niya. "Napamahal na kayo ni Stanley sa akin at kahit sa panandaliang panahon lang kita nakilala dahil alam kong may mabuti kang puso. Parang anak na nga rin ang turing ko sa inyong dalawa, kaya ayaw kong makitang nag-aaway kayo parati."
Napakbait talaga ni Mang Mario sa akin. Para ko na rin siyang ama. Nakikita ko si Papa sa kanya. Masaya akong nakilala ko siya.
"Sige po, Mang Mario. Salamat po." Sabi ko.
"Sige, Iha. Mauna na ako at maglilinis pa ako ng sasakyan sa labas." Tumayo siya at lumabas na ng bahay.
Pagkalabas ni Mang Mario ay kakababa rin lang ni Stanley dala-dala ang suit case at coat niya at nakasabit pa sa leeg niya ang necktie niya.
Nilagay ko na ng lahat ng pagkain sa mesa at lumapit sa kanya.
"Akin na?" kinuha ko 'yong suit case at coat niya at nilagau sa bakanteng upuan.
"Can you tie this up?" Hawak-hawak niya yong necktie niya. Tumango naman ako.
Kumakabog na namab ng mabilis ang puso ko. Sana nga lang hindi niya napapansin 'yon.
Napaangat naman ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya nag-iwas agad kami ng tingin s isa't isa. Ang awkward.
"Ahemm..."
"Ayan na. Kain ka na." Pagbabalewala ko.
Aalis na sana ako para ligpitin yung mga pinaglutuan ko nang tawagin niya ako.
"Hey..." napalingon ako sa kanya.
"Uhmm... Eat with me." Sagot niya.
Nag-aalinlangan pa ako pero sa huli sinunod ko naman ang sinabi niya. Umupo ako sa kaharap niya at nagsimula nang kumain.
"I'll be leaving for 3 days." Ani niya kaya napahinto ako sa pagkain at tiningnan siya.
Saan siya pupunta? Iiwan niya na ba ako?
"S-saan ka pupunta?" Tanong ko.
"There's a problem in the company in Hongkong. I need to be there. I'll be leaving tomorrow morning."
"Ah, ganon ba." Malungkot kong sagot at pinatuloy nalang ang pagkain ko.
"You look sad." Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
General FictionMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...
