MIKAELLA
"Ella?"
Napalingon ako.
Nakita ko si Stanley na papunta sa kinatatayuan ko.
Tiningnan nya muna ako bago nya tiningnan si Ben.
"Who's he?" tanong niya sa akin.
"I'm Ben—"
"I'm not talking to you!" nanlaki ang mata ko sa inasal ni Stanley.
Nagpapakilala iyong tao tapos bigla niyang pinutol. Napakaarogante talaga.
Natahimik naman bigla si Ben.
"How are you related to this man?" tanong niya ulit sa akin na parang walang pakealam sa inaasal niya.
"Uhm, ngayon ko lang siya nakilala." sagot ko.
"Then why are you so amazed looking at this man?"
Lahat ba talaga ng pakikipagusap ko sa ibang tao ay mali o may malisya?
Huminga ako ng malalim.
Ayokong mag-away na naman kami lalo na sa harap ni Ben. Nakakahiya.
"Kung ano man iyang nasa isip mo, please..."huminga ako ng malalim ulit at tiningnan si Ben. "Siya ang unang kumausap sa akin. May ari siya ng Publishing house sa LA. Namangha lang ako sa kinukwento niya sa akin. Iyon lang yon, okay?"
Umiba ang aura niya. Naintindihan niya na ata ang sinasabi ko.
Tiningnan niya si Ben.
"I'm sorry. By the way, I'm Stanley, her husband."
Marunong naman palang magsorry, eh.
"Benjamin Ford." inalokan siya ni Ben ng kamay. Tinanggap niya naman ito. "Actually, I already know you. Your face was been published on a magazine before."
"Oh, I see." tumango-tango lang si Stanley.
Ibinaling niya ang tingin nya sa akin.
"Something came up, we need to go." aniya.
"Ha? Bakit?"
"Business." matipid niyang sagot.
Humarap ako kay Ben para magpaalam na.
"Nice to see you po."
"Likewise." ngumiti siya. "I was about to introduce you to my partner but since you're leaving, maybe next time then, if I see you around."
"Sige po. Salamat."
Pagkatapos kong magpaalam ay nagpaalam na rin kami sa Lolo ni Stanley. Gusto ko pa nga sanang hanapin si Shane pero hindi ko na mahagilap ang anino niya kanina pa.
Dumiretso na kaming umuwi ni Stanley sa bahay. Hindi na rin ako nag-abalang kausapin siya dahil bakas sa mukha niya na nagmamadali siya.
"Can you tie this for me?" napalingon ako sa kanya na bumaba sa hagdan.
Nagwawalis ako dito ngayon sa salas.
Lunapit ako sa kanya at inayos ang necktie niya.
"Ayan." nakangiting sabi ko nang matapos na.
"You look happy?" napatingin ako sa kanya.
Masaya naman talaga ako ngayon.
"Masaya lang ako." sambit ko.
Nakita kong ngumisi siya ng palihim. Natuwa naman ako.
"I might be late going home. Don't wait for me. I'll have my dinner outside."
![](https://img.wattpad.com/cover/29807576-288-k699997.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
General FictionMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...