13

144 1 0
                                    

MIKAELLA

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nakatuon sa mukha ko. Kinapa ko ang katabi ko at naramdaman kong wala na siya sa tabi ko kaya napabangon ako.

Bigla akong napahawak sa gitna ko nang makaramdam ako ng hapdi. Naalala ko tuloy ang nangyare kagabi.

Grabe sobrang wild ni Stanley. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa kanya pero nakailang rounds kami kagabi dahil sa kapilyohan nya. Oo, inaamin ko, nasasarapan ako at gustong-gusto ko ulitin yon kay Stanley lamang. Mahal na mahal ko sya.

Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko at tumayo. Papunta na sana ako sa banyo nang may nakita akong stickynote sa mesa.

I will be leaving for 3 days. Prepare yourself when i comeback. I made you a breakfast. Eat that.
-Stanley

Kaya siguro grabe sya ka wild kagabi dahil tatlong araw syang mawawala. Napangiti naman ako sa huling sinabi nya. First time niya akong pinaglutuan ng breakfast.

Dali-dali akong pumunta ng banyo at nagbihis at bumaba para tingnan ang breakfast na hinanda nya sakin.

Napangiti nalang ako sa nadatnan ko sa mesa. Tatlong sunog na hotdog at wasak na fried egg ang niluto nya.

Hindi ko maisip na gagawin nya talaga to at kung makapagsabi sya ng ganon, akala ko talaga marunong sya. Hay nako, Stanley.

Hindi naman gaanong sunog yung niluto nya pero keri naman na kainin. Nag umpisa na akong kumain pero hindi pa rin makuha sa mukha ko ang ngiti.

Agad ko syang tinext.

Me: Salamat sa breakfast. Sana hindi ka na nag-abala :)

Stanley: Okay. Eat that.

Wala man lang ka emoji yung text nya pero infairness, nagreply sya sakin at ang bilis nya magreply.

Sana ganito nalang palagi. Haays.

Sana balang araw ma realize rin ni Stanley ang worth ko. Gusto ko syang makasama ng matagal at gusto ko na hindi lang papel itong kasal namin kun'di isang relasyon na kailangan naming ingatan dalawa.

"Oh, manang. Kanina ka pa po ba dito?" tanong ko nang biglang sumulpot si manang sa kusina.

"Hay, oo, iha. Maaga pa akong umuwi. Teka, nadatnan ko pala ang asawa mo na nagluluto kanina. Tutulungan ko sana pero ayaw nya kaya hinayaan ko nalang sya." sabi ni manang kaya napatawa naman ako.

"Talaga, manang? Kaya pala sunog itong niluto nya." sabi ko kaya napatawa na rin si manang.

"O sya, maiwan muna kita at may gagawin pa ako sa likod." sabi ni manang.

Tumango nalang ako at umalis na sya papuntang likod.

Kapag wala si Stanley dito, si Manang at si Manong Mario lang ang kasama ko dito. Minsan wala si Manang kasi bumibili sya sa palengke o umuuwi sa kanila. Si Manong Mario naman ay hanggang hapon lang dito. Umuuwi rin sya pagkatapos nyang magduty o maihatid si Stanley sa bahay. Minsan dito rin sya natutulog kapag may maagang papuntahan si Stanley.

Dahil hindi ako nakakalabas, ako na mismo ang gumagawa ng paraan para magtrabaho o maglinis dito sa bahay. Ayokong isipin ni Stanley na wala akong silbi dito sa bahay nya. Makakalabas lang ako kapag pupunta ako kay Daddy sa hospital. Binibisita ko rin sya don paminsan-minsan.

Pagkatapos kasi naming mag-away ni Stanley dahil don sa birthday ni Seth ay hindi na niya ako pinayagan na lumabas pa. Kapag lumabas man ako dapat kasama ko si Manong Mario.

Ayokong ikulong ang sarili ko sa kwarto at tumunganga buong maghapon at hintayin lang si Stanley na makauwi. Gusto ko ring maging productive kahit dito lang sa bahay.

The Bachelor's Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon