MIKAELLA
Gabi na ako nagising at nakaramdam na rin ako ng gutom. 11PM na. Ilang oras rin ang tulog ko. Bumaba na ako at naghanap ng makakain sa ref. Nakahanap ako ng packed sisig. Nagprepare muna ako ng isasahog ko.
"What are you doing?" bigla akong nagulat kaya nasugatan ko yung kamay ko habang naghihiwa ng sibuyas.
Napalingon ako at nakita ko si Stanley na nakaboxers lang at walang damit sa pangitaas. Napalunok ako.
"Damn, are you okay?" lumapit sya sa akin at tiningnan ang nasugatang kamay ko.
Binawi ko kaagad ang kamay ko.
"O-Okay lang ako. Hindi naman to malalim." sabi ko.
Hinugasan ko ang kamay ko para mawal ang dugo.
"What are you doing at this night?" tanong nya.
"Kakagising ko lang kasi. At, nagugutom ako." sagot ko.
"Hwag mo nang lutuin yan. I'll just make you sandwiches."
"Pero..."
"No more buts. Sit there and wait." turo nya sa akin ang upuan.
Umupo nalang ako habang tinitingnan syang naghahanda.
Kitang-kita ko ang umbok ng likod nya at masasabi kong maskulado ito. Bakit ba kasi ganyan ang suot nya? Parang gusto kong himasin ang mga braso nya.
Ella, anong pinagsasabi mo dyan? Umayos ka nga.
Kinuha nya yung kit sa loob nh cabinet at kumuha ng band-aid. Nilagay nya ang kamay ko sa mesa at nilagyan niya ng band-aid.
"Is it too tight?" tanong nya.
"Hindi naman. Salamat." sagot ko.
Binawi ko na ang kamay ko.
Tinataw ko nalang ang ginagawa nya habang naglalagay ng palaman sa tinapay.
Hindi halatang demonyo ang ugali niya dahil napaka inosente ng mga mukha nya. Ang sarap niyang tingnan—este ang ganda niyang tingnan.
"You're drooling." iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.
"Feeling." mahina kong sabi.
"Eat." matipid nyang sabi at nilapag ang plato na may lamang sandwich.
Hindi na rin ako nagdalawang isip at nilamon na yong sandwich. Nagugutom talaga ako. Hindi rin ako nakapaglunch kanina pati na dinner. Sa mga sandaling yon, nilamon ng katahimikan ang kusina at walang umimik kahit ni isa sa amin.
Nakita kong kumuha sya ng tubig at nilapag sa mesa.
"Salamat." sabi ko habang nginunguya yung kinakain ko.
"Don't talk when you're eating." sabi nya kaya di nalang ako nagsalita.
Ang sarap nya palang gawing sandwich—ay este gumawa ng sandwich.
Tinapos ko na ang pagkain ko at uminom na agad ng tubig. Napatingin ako sa kanya na gumagawa ng kanyang kape.
Bakit sya gumagawa ng kape sa ganitong oras? May gagawin ba sya?
"Magkakape ka sa ganitong oras?" tanong ko.
"Yeah. I can't sleep." sagot nya.
"Ako na ang gagawa nyan." ako na nagpresenta na gumawa ng kape nya tutal ginawan nya naman ako ng sandwich. Kahit bilang pasasalamat ko nalang to.
"Thanks." matipid nyang sabi.
Binalot ulit kami ng katahimikan. Ewan ko ba parang awkward lang talaga na naguusap kami dahil hindi naman kami gaanong naguusap at nagsasama kahit nasa isang bahay lang kami.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
General FictionMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...