MIKAELLA
"Stanley?"
"Now, you're speaking." aniya.
Tinapik ko ang kamay niya na nasa paa ko at inalis iyon ng kusa.
Nasa restaurant kami at may mga tao. Ayokong isipin nila na kahit pa nandito ay naglalandian kaming dalawa. Wala rin ako sa mood ngayon na magpalandi sa kanya.
"What's your problem?" sumeryoso ang mukha niya.
"Wala." sagot ko.
"Really? Then, why are you acting like that?"
"Wala lang. Wala lang talaga ako sa mood ngayon." sagot ko.
Ayokong maging masungit sa kanya kaya mahinahon ang pagsasalita ko sa kanya kahit naiinis na ako kanina pa.
Umayos siya ng upo at bumalik don sa dating pwesto niya. Sa harap ko.
Walang umimik sa amin kahit ni ho o ha hanggang sa dumating na yong pagkain.
"Manang said you didn't eat your breakfast earlier."
"Busog ako kanina."
"That's why I'm treating you for a lunch. I know that you're hungry."
Gutom ako pero ewan ko ba pero wala akong ganang kumain.
Hindi na ako nagsalita at kumain nalang.
Ako iyong tipo na kahit na naiinis na ay hindi pa rin ako umiimik dahil baka magbangayan pa kami lalo o madagdagan lang iyong issue. Sa ganitong pagsasama namin ni Stanley ay nasasanay na rin ako sa setup namin na ganito.
Matapos naming kumain ay nagbayad na sya. Nauna na akong sumakay sa sasakyan.
"Let's watch a movie." aniya nang makasakay na siya sa sasakyan.
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"
Hindi ko rin alam kung 'bakit' ang sinagot ko sa kanya. Well, nakakapanibago lang kasi.
"Why not?"
"Weekdays ngayon. May trabaho ka pa diba?"
"I'm the boss. I can go to work whenever I want."
Napairap nalang ako.
Kapag ba boss siya kailangan ganoon na ang asta niya. Hmmp.
Sa totoo lang, medyo na excite ako. First time niya kasi akong inaya na manood ng sine. Oo, naiinis ako sa kanya pero marupok ako, eh.
Pagdating namin sa mall ay dumiretso na kami para kumuha ng ticket. Medyo madami ang mga tao pagpasok namin. Bumili na rin kami ng popcorn at softdrinks.
Parang kikiligin ako sa setup namin ngayon. Para kaming mga teenager na nadedate pa. Haays.
"You scared?" tanong niya sa akin habang papaumpisa na ang movie.
Horror itong pinapanood namin. Ewan ko ba kung bakit ito yung gusto niyang panoorin namin.
"Hindi ah." sagot ko.
Halos buong buhay ko ay parang horror movie na rin kaya bakit pa ako matatakot.
Tiningnan nya ako at biglang hinawakan ang isang kamay ko.
"Don't worry, i'm here." aniya.
Habang nanonood na kami ng movie ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ring malamig ito. Tiningnan ko siya at tutok na tutok ang mga mata niya sa movie. Halatang nanginginig din ang kamay niya habang sinusubo ito sa bibig nya ang popcorn.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
General FictionMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...
