16

153 2 0
                                    

MIKAELLA

Nagising ako sa isang puting kwarto at hindi ko alam kung bakit nandito na ako. Ang huling alam ko lang ay nanikip ang dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito at nawalan na ako ng malay.

Ginalaw ko ang mga mata ko at nilibot ang kabuoan ng silid. Walang Stanley na nandito o kahit sino man. Ako lang ang mag-isa dito.

May namumuong luha na naman sa mga mata ko. Bakit ganito sila? Ni isa wala man lang nakaalala sa akin o magbantay sa akin dito sa hospital. Sana hindi nalang ako dinala dito kung wala naman akong kasama.

Napatingin ako sa pinto na biglang bumukas at bumungad doon ang doktor kasama ang isang nurse.

"How are you feeling, Mrs. Gomez?" tanong sa akin ng doktor.

"Maayos naman ako ngayon doc." sagot ko.

"May masakit ba sayo?"

"Wala naman doc. Yon lang ay hindi ako makahinga ng masyado dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kailangan kong habulin yong hininga ko."

Naalala ko na dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay nawalan ako ng malay.

"Alright." matipid na sagot ni doc.

"May kasama ka ba ngayon dito?"

"Hindi ko po alam. Pag gising ko ay ako lang ang nandito sa kwarto."

"Mrs. Gomez, i'll be straight forward to you." seryosong ani ni doc. Kinuha nya yong clipboard sa nurse at may tiningnan.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya. Ano kaya ang sasabihin nya?

"Ano po yon, doc?" kinakabahan kong tanong.

"You have chronic leukemia."

Parang binuhusan ako ng malamig ng tubig sa sinabi ng doktor. Nanigas ang buong katawan ko. Chronice leukemia? Bakit ako?

"H-Hindi totoo yan, doc." pilit ko. Ayokong maniwala. Hindi pwede ito.

"I'm so sorry to say this, Mrs. Mendez. But, you have to undergo therapy before that cancer spread throughout your system."

Bumuhos ang mga luha ko. Bakit sa akin pa nangyari ang mga lahat ng ito? Hindi ako pwedeng magkasakit o mamatay.

"I'll give you time to think, Mrs. Gomez. For now, take a rest." hindi ko na pinansin ang sinabi ng doktor hanggang sa makalabas siya ng kwarto kasama ang nurse.

Hindi ko mapigang hindi mapaluha dahil sa kalagayan ko ngayon. Kaya pala may mga pasa akong nakikita sa bandang likod at sa tuhod ko. Hindi ako makapaniwala.

"Ella?" napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Seth?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak ng todo nang makita ko siya. Lumapit sya sa akin at niyakap ko sya.

"Shh. I'm here. Nandito lang ako. Tahan na." aniya habang hagod ang likod ko.

Kumalas ako sa pagyakap at tiningnan sya. Pinunasan nya ang mga luha ko at ngumiti sya ng matipid.

"Anong nangyare? Nakita ko na lumabas yong doktor dito sa kwarto. Anong sinabi nya sayo?" tanong nya.

Sasabihin ko ba sa kanya? Natatakot ako. Ayokong pati sya ay poproblemahin na rin ang kalagayan ko ngayon.

"W-Wala naman. Pagkagising ko kasi walang akong kasama kaya napaiyak ako. Sorry." pagsisinungaling ko.

Ayokong madamay pa si Seth sa sitwayson ko ngayon. Malaki na ang naitulong nya sa akin simula pa nong una.

The Bachelor's Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon