MIKAELLA
"Pa, kamusta ka na? Inaalagaan ka ba ng mga nurses at doctor dito?" Tanong ko kay Papa.
"Wag kang mag-alala anak,mabuti naman ako at saka inaalagaan ako nila dito ng maayos. Ikaw? Kamusta kayo ng asawa niyo?" Tanong ni Papa.
Napatingin naman ako kay Papa at napakagat ng labi, ayoko kasing bumuhos yung luha ko sa harap niya.
"O-okay lng naman kami Pa, maayos naman kami." pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman 'kong ganon anak, para kapag namatay na ako may taong sasalo sayo at yun ay yung asawa mo" tumulo naman ang luha ko sa sinabi ni Papa.
Hndi ko na napigilan ang luha ko dahil sa sinabi niya. Parang may tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya, kung alam mo lang Papa.
"Wag naman kayong magsabi ng ganyan Pa, wag mo naman akong iwan mag-isa. Sige ka, kapag iniwan mo ko susunod na rin ako sayo. " pagbibiro ko pa pero sa loob sobrang sakit na.
"Anak mamamatay na rin naman ako at saka pabigat lang ako sayo mabuti pang mawala na ako. Ni hindi ko ngang magawang mabuting ama sayo noong wala pa ako sa posisyong ito, pasensya ka na anak ha. Masyadong sobra ang galit ko sayo dahil sa pagkamatay ng mama mo dahil lang sa ipinanganak ka niya. Hindi ko man lang inisip na nanyan ka pa pala para sa akin at pasayahin ako."
"Pa huwag mong sabihin niyan, hindi ka pabigat sa akin kahit kailan. Kahit hndi mo nagawa ang responsibilidad mo para sa akin ikaw pa rin ang ama ko ang Best Papa Ever ko. Lumaki man akong walang ina, lumaki naman akong may ama na sobrang protective rin sa akin kahit yun lang at saka naiintindihan naman kita kahit yun ang trato mo sa akin."
"Anak pasensya ka na kung bumagsak ang negosyo natin at ipinakasal kita kay Stanley dahil yun lang kasi ang paraan ko para hindi ka mabuhay mag-isa na may nag-aalaga sayo habang wala na ako."
"Wala namang problema sa akin yun, Pa, eh, ang importante gumaling ka at tumagal ka kapiling ko, dalawa nalang tayo, Pa, bibitaw ka pa ba?" napahagulgol ako sa iyak.
"Anak malubha na ang kalagayan ko kung ano man yung plano ng diyos para sa akin kung mamatay man ako o mabubuhay sana tanggapin mo yun at 'wag kang babalak na susunod sa akin dahil mali yan."
"Pa ayokong mawala ka sa akin." sabi ko habang sagad ang pagtulo ng mga luha ko.
"Ayoko ring mawala ka sa akin pero ganito talaga ang buhay anak, isa lang wala ng second chance pa." sabi ni Papa.
"Ma'am uuwi na po tayo." napatingin naman ako sa likod ko saka tumayo at pinunasan ang luha ko.
"Pa, alagaan mo sarili mo dito habang wala ako ah, inumin mo ang mga gamot mo at saka tawagan mo ko kapag nami-miss mo ko. " sabi ko saka hinalikan siya sa noo.
"Sige anak, gagawin ko yon. "sagot ni Papa saka dali-dali akong lumabas.
"Tara na po Ma'am, baka nandon na po sa bahay ninyo si Sir Stanley." tumango naman ako saka dali-dali kaming naglakad patungong parking area.
Agad naman kaming umalis ng hospital at nagbyahe papuntang bahay.
"Ma'am wala po ba kayong balak umalis sa puder ni Sir Stanley?" Napatingin naman ako kay Manong Mario na nagda-drive.
"Po?"
"Kasi po parati niya kayong sinasaktan, ina-alila, sinasabihan ng mga masasakit na salita. Pag gusto niyo pong umalis, sabihin niyo lang po sa akin at tutulungan ko kayo. Pwede po kayong tumira sa bahay namin." paliwanag ni Manong Mario
"Gustuhin ko mang umalis pero hindi po pwede eh, dahil may pinirmahan kaming kontrata at kapag lumabag ako don ikukulong ako. Ako po kasi yung kabayaran sa mga utang ni Papa sa kompanya." paliwanag ko
"Pero pwde rin po naman siyang makulong dahil wala naman po sa kontrata ninyo na saktan niya kayo"
"Ayoko pong mangyare yun kahit gustuhin ko man dahil alam niyo naman po si Stanley lahat sa kanya may paraan kaya titiisin ko na lang po kahit masakit."
"Mahal niyo po ba si Sir Stanley?" Napatingin naman ako kay Manong sa tanong niya
"Napapansin ko po kasi sa inyo kahit tumitig lang kayo sa kanya parang may gusto kayo. Kaya siguro po ayaw niyo siyang pakawalan o ayaw niyong lumayo sa kanya dahil mahal niyo siya." dagdag pa nito.
"Mahal ko po siya at kaya kong tiisin lahat ng sakit sa kanya para mahalin niya rin po ako." sagot ko.
"Ma'am lagot tayo, nandito na po si Sir Stanley, baka po kung anong gawin niya sa inyo." napatingin naman ako sa garahe.
Nandito na nga siya. Hindi ako natatakot sa mga pananakit niya sa akin dahil palagi naman akong handa sa kung anong gagawin niya sa akin. Iiyak ko lang 'yon at kinaumagahan mawawala na din 'yon.
Bumaba na ako ng kotse at pumasok na ng bahay. Naabutan ko naman siyang nasa sala at nakaupo habang umiinom.
"Where have you been?" Cold niyang tanong saka uminom ng alak.
"S-sa hospital kay Papa." nauutal kong sagot.
Napatingin naman siya sa akin saka binasag niya yung baso kaya nagulat ako at lumapit siya at siniil ako sa pader at siniil niya ang baba ko ng kamay niya.
"Anong sabi ko sayo na wag ka ng pumunta ng hospital. Ilang beses ko bang ulitin sayo na hindi ka na pwdeng pumunta don, hndi na. Dito ka lang!" sigaw niya sa akin kaya tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha.
"T-tumawag kasi siya sa akin dahil may sasabihin ang doktor tungkol sa kondisyon niya" paliwanag ko
"At may gana ka pang magpaliwanag huh?" saka diniinan niya pa ang siil sa baba ko.
"P-pasensya ka na Stanley, malubha na rin kasi ang kondisyon ni Papa. " sagot ko ulit
"Kung sana hndi lang gumawa ng kalokohan 'yang ama mo wala ka sana sa posisyong 'to, bllshit." sigaw niya saka marahas akong pinakawalan at tinulak sa may mga bobog ng basag na baso kaya nasugatan ang kamay ko.
"Linisin mo yan." sigaw niya saka umakyat sa taas at iniwan akong nakalumpasay sa sahig na umiiyak at nagka-sugat.
"Wag na po kayong mag-abala diyan, Ma'am, ako na po ang lilinis ng bobog diyan. Umakyat na lang po kayo saka gamutin yung sugat niyo baka mapano pa po kayo. " ani ni Manong Mario.
"Salamat po Manong Mario."saka tumayo ako at dinampihan ng tela ang kamay ko para hndi tumulo ang dugo sa sahig saka umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko.
Pumunta naman ako ng banyo para maligo. Habang naliligo ako ramdam na ramdam ko ang hapdi ng sugat ko pati ang puso ko sa sakit. Kailan pa ba niya tatapusin ang kahirapan ko sa kanya.
Wala naman akong may ginawang mali sa kanya saka biktima lang ako dito sa sitwasyong to kaya hndi dapat ako ang sinisisi niya.
Stanley Fierre Gomez mahal na mahal kita at kaya kung isugal ang buhay ko para sayo kahit sinasaktan mo ako ng paulit-ulit sana matutunan mo rin akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo ng palihim.
Ako nga pala si Mikaella Jane Fajardo-Gomez ang tawag nila sa akin ay 'Mika o Ella'. Isang buwan na kaming kasal ni Stanley Fierre Gomez ang asawa ko...sa papel lang, dahil sa bumagsak ang aming kompanya at ang kompanya nila ang sumalo non pati ang gastusin ni Papa sa hospital.
Matagal ko nang mahal si Stanley kahit nung hindi pa kami kasal parati ko siyang makikita sa isang bar kasama ang mga kaibigan niyang mga gangster kasali na rin don siya.
Parati akong nasa bar dahil palagi akong stress at yun lang ang paraan ko para makalimutan ko naman ang problema ko kahit konti lang. Nung una ko palang siyang nakita parang anghel ang mukha niya kaya nahulog agad ako sa kanya pero mali pala ako, isa siyang demonyo pero kahit ganun siya mahal ko pa rin siya.
Hndi ako nakapagtapos ng college dahil sa ipinahinto ako ni Papa dahil gastos lang daw yun at wala naman siyang mapapala sa akin kaya naging working student ako at pinag-aral ko ang sarili ko hanggang sa ipinakasal ako ni Papa kay Stanley kaya huminto ako sa pag-aaral.
Lumabas na ako ng banyo at pinulupot ang katawan ko ng robe saka ginamot ang sugat ko sa kamay.
Masakit pero kakayanin ko para rin naman to sa kabutihan ni Papa kaya titiisin ko to hanggang sa gumaling siya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
Ficción GeneralMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...