MIKAELLA
Nagising ako ng maaga para ipaghanda si Stanley ng umagahan kahit mahapdi pa yung sugat ko.
Nagluto ako ng fried rice, hotdog, fried egg, toasted bread at kape at inihanda ko na yun sa ibabaw ng mesa.
Nakita ko namang bumaba siya at mukhang bagong ligo kaya hindi ko nlng yun pinansin at naglinis nlng.
"Nasa mesa na yung breakfast mo." sabi ko sa kanya habang nagwawalis.
Hindi niya ako pinansin at naglakad patungong mesa at umupo don at kumain.
"Fck! Do you want to kill me? Ang alat." sigaw niya sa akin
"Ha? Hndi naman ah. Masarap naman yung niluto ko." sagot ko
"Fck! Stop reasoning up and shut off your fckin' mouth sl*,t." sigaw niya sa akin saka umakyat sa taas.
Ilang minuto rin ay bumaba siya at nakasuot siya ng pang-office na damit niya.
"Asan ang punta mo?" Tanong ko sa kanya.
"You don't care, sl*t." sagot niya lang sa akin saka umalis ng bahay at pinaharurot ang sasakyan niya paalis.
Sanay naman akong tinatawag niya akong ganyan eh kahit hindi naman totoo, wala naman akong magagawa kung 'yan ang itatawag niya sa akin dahil 'yon ang nakikita niya sa akin pero sa ibang tao hindi.
Hndi ko alam kung bakit niya ako tinatawag na ganyan kahit hindi naman. Noong una kasi naming pagkikita nasa bar at waitress ako 'don dahil don ako nagtatrabaho kahit 600 lang yung gabi ko don bilang waitress, wala na kasi akong ibang trabahong matutuluyan kaya don na lang ako nagtrabaho.
Hindi alam ni Papa na nagtatrabaho ako kahit may pera naman kami ni kahit singko hindi ako humihingi sa kanya dahil alam ko namang hndi niya rin ako bibigyan. Hndi naging responsable sa akin si Papa pero ni kahit sampal o tadyak sa akin ni hndi niya ginawa yon sa akin, hndi niya ako sinasaktan pero alam 'kong sinusukmaan niya lang ako.
Biglang tumunog yung cellphone ko kaya dinukot ko 'yon at sinagot 'yong tumawag.
"Hello." sagot ko sa kabilang linya
"Ella labas naman tayo." Bunga sa akin sa kabilang linya. Alam ko na agad kung kaninong boses 'yon. Ang kaibigan kong parating nandyan sa akin.
Siya si Seth Alexander Villarosa. Siya ang kaibigan ko na parating nandyan sa tabi ko habang may problema ako at siya ang nagpapasaya sa akin. Alam ko namang may gusto siya sa akin dahil sinabi niya 'yon sa akin ng personalan pero alam niya naman 'yon na may iba akong mahal at naintindihan niya naman ako.
"Hindi ako pwede eh, maglilinis pa ako ng bahay." sagot ko
Narinig ko namang napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Alam mo kung anong araw ngayon?" Tanong niya
"Uhmm.. Biyernes." sagot ko.
"Hindi eh."
"Eh, ano?" Tanong ko.
"Talaga bang nakalimutan mo na ang birthday ko."
Oo nga pala. Ngayon 'yong birthday niya kaya pala parang may nakalimutan ako ngayong araw.
"Sorry talaga Seth nalimutan ko eh, wala rin akong birthday gift sayo." malungkot kong sabi
"Okay lang no, kahit wala basta sunduin kita dyan 7 PM ah kahit 'yon lang 'yong birthday gift mo sa akin ang makasama ka ngayong birthday ko."
"O-okay, sige." sagot ko
"Talaga, sige Ella ah, aasahan ko yan susunduin kita dyan mamaya." sabi niya saka ibinaba.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Unwanted Wife
Ficción GeneralMikaella, a wife, who is willing to sacrifice everything for her love, Stanley-her husband. She sacrifice her life as a payment for everything. Meanwhile, her husband, Stanley, who continually abuse and manipulate her weakness and dignity. She loves...