Naranasan mo narin bang ma-fall sa taong hindi mo naman type?? Naisip mo narin bang mag settle sa taong hindi ka naman talaga sure kung mahal mo o hindi??That feeling na ayaw mo dahil iniisip mong baka maulit nanaman yung traumas na natanggap mo pero naiisip mo rin na what if ngayon iba na? What if ngayon worth it na?
The way you like the peace of having only yourself, but also want to share it to someone worth the risk. Yung tipong makakapagpa realize sayo ng mga bagay-bagay sa mundo. Yung tipon—
“Hoy Zoe ano bang tinutunganga mo riyan?! Tumulong ka nga rito!”
Yeah right. Kapag talaga may moment akong ganito, lagi siyang nandyan. Tss, talaga 'tong babae na 'to.
“Makasigaw ka naman, hindi ako bingi Tasha ah?”
“Hindi raw bingi, ilang beses na kitang tinawag kaya!”
“Tutulong na nga eh! Tss, ingay”
“Kailangan maayos natin 'to ngayon ah, mamimili tayo bukas ng mga gamit tsaka uniforms”
Kakalipat lang kasi namin ng school, at nangupahan kami ng apartment para saming dalawa. Kaya ngayon kailangan pa naming ayusin ang mga gamit sa loob. Nakakapagod din kasi kaming dalawa lang, ang dami pa namang abubot ng babaeng 'to!
“Ayos na yey, magagamit na natin”
Nagpakabit kasi kami ngayon ng heater sa shower, madalas kasi kaming maligo bago matulog e alam niyo naman malamig kapag gabi.
“Kumain na tayo, lalabas na tayo mamaya para mamili”
“Konti lang bilhin mo ah? Yung kailangan lang gamitin” sabi ko sakanya. Itong babae kasi na 'to si gastos, kahit hindi naman kailangan, basta magustuhan e binibili.
“Oo yung kailangan lang natin hehe”
Mabilis kaming natapos kumain at naligo na. Nag suot lang ako ng wide leg brown pants at white t-shirt, hindi naman kasi masyadong mainit sa labas at mall din naman ang pupuntahan namin.
“Zoe, ayos kana ba? Mauuna na ako sa sasakyan ah?”
“Sige ash, susunod nalang ako”
“Sige!”
Patalbog kong binagsak ang katawan ko sa kama nang marinig ang yabag nya pababa. Hindi ko maiwasang isipin kung anong magiging buhay namin ngayon dito, kaming dalawa lang huhu.
Pagbaba ko sa gate, nakita ko na ang sasakyan sa harap. Sumakay naman ako sa passenger seat ang pumunta na kami sa mall.
“Ano-ano bang bibilhin mo, may list ka ba?” tanong ko kay tasha sa gitna ng pagda-drive niya
“Yup! I'm planing to buy new sets of make-up too.”
“Eh? Ang dami mo nang make-up ah? Patingin nga ng listahan mo”
Sabay bigay niya sakin ng phone. I open the note app and then binasa ko ito.
TO BUY LIST:
BAG
UNIFORM
MAKE-UP
SCHOOL SUPPLIES (ex : ballpen, cattleya, papers, index cards, at isa naring hot daddy na kasabay umuwi xd)ANAK NG???!! Kahit kailan, wala nang maasahang matino sa babaeng 'to!
“Zoe, let's buy this couple bracelets!!”
“Kailangan ba natin yan?”
“Dali na, sayo yung purple na may butterfly then sakin yung blue”
Ayan na nga, makakatanggi ba ako? Favorite color ko yun e!!
After that pumunta na kami sa national book store. She's busy finding her stuffs habang ako nasa book section. Mahilig din kasi talaga akong magbasa ng books lalo na kung mystery ang genre.
Habang nagtitingin ako ng books, may napansin ako sa right side ng shelf. The book is covered with plastic, meaning, it's still sealed.
“The game of life and how to play it” mahinang basa ko sa title. I found it interesting kaya binili ko.
Aalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang dalawang batang babae. They're thinking if they would buy the book na kanina pa nila pinagmamasdan. Nang tignan ko ito ay nagulat naman ako!
“Seriously?! Posses.ive series huh??”
Anak naman ng mga tet.eng ito, jusko miyo kay babata pa! Aminado ako na nagbabasa ako non pero hindi na ako minor no!
“Uy zoe, may list na pala ng mga sections, daan tayo sa school mamaya ah? Dun narin tayo bumili ng uniform natin”
“Oo sige, tapos kana ba? Bayaran mo na lahat to”
As she pay at the counter, lumabas na ako sa store at nagtingin tingin. Until I saw one family, they look so happy. Hindi ako naiinggit ah? Pero sana ganyan din ako...
“Zoe let's go na? Daan muna tayo sa Watson hehe”
Ano pa bang magagawa ko? Edi sumunod! Anak ni Sa.tan to eh, baka mamaya bugahan ako ng asul na apoy!!
YOU ARE READING
Maybe in another life
Romance"Life is but a walking shadow, a poor player, that struts and frets his hour upon the stage, and then is hear no more; it is a tale told by an id/ot, full of sound and fury, signifying nothing" "If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do...