chapter 8

1 3 0
                                    

I'm here at the garden, nagbabasa. Masarap dito tumambay kasi bukod sa di matao, malamig din ang hangin at maaliwalas tignan. I was busy reading the book I brought nang may pusang tumabi sakin

“Awww, cutie” I said as I pet her

“Do you wanna know what I'm reading” tanong ko rito kahit wala naman akong makukuhang sagot

“This story is about the  ten missing teens, iilan sakanila ang may nagawang kasalanan kaya nasa dollhouse sila ngayon. They're being treated as a doll, kinokontrol at pinaglalaruan sila, sa ganoong way nila mababayaran ang mga kasalanang nagawa nila. Sounds interesting right?”

“Yeah, continue”

Gulat naman akong napalingon sa boses na yun! Kinuha niya sa tabi ko ang pusa tsaka sya naupo sa tabi ko. Nakatulala lang ako dahil sa ginawa niya

“What? I said continue”

“T-teka, bakit ka nandito?”

“Why? Ikaw lang ba pwede pumunta rito?”

Tss, badtrip.

“Can I see the book?”

I handed him the book so he can see it. Di ko talaga malaman kung anong laman ng utak nito

“I see, lend me the book so I can read it. Ikwento mo saakin after kung sino sa tingin mo ay may sala”

“h-huh?”

“bumalik kana sa class mo, ibabalik ko 'to sayo bukas”

Ikwento mo sakin after... Ikwento mo sakin after...

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi niya! Ano raw??! Hiniram nya para mabasa niya muna tapos ikekwento ko? Ibig-sabihin.... Gusto niyang mag-usap kami?

Hanggang pag-uwi ko hindi parin mawala sa isip ko ang eksena kanina. Paano ko babasahin yung book kung nasakanya? Badtrip

Naghanap ako ng copy nung book online, meron non sa wattpad kay binasa ko pero hindi ko tinapos. Nang tignan ko ang cellphone ko, its already 11 in the evening. Hindi pa naman ako inaantok kaya naisipan kong lumabas muna

I headed to the nearest 7/11 to buy delight and kung anong pwedeng makain. Nagbayad ako sa counter at tumambay sa labas ng 7/11. I was lost in my thoughts when someone sat beside me

“Hindi ka nag aaya ah? Anong trip yan?”

Gulat naman akong napatingin sakanya

“anong ginagawa mo rito?”

“Ano pa ba? Edi sinundan ka!”

“Lintek ka Tasha anong petsa na!”

“Oa ka nanaman, pahingi nga” And then she grabbed the sandwich I was eating

We talk for a moment, about life of course. Hindi kami madalas nagsasabay umuwi dahil may mga ginagawa pa ako after class.

“Anyway, may kilala ka bang Dione?”

“Oo, vp ng sslg. Akala ko boylet mo e, trip ka ah?”

Tsh, naalala niya nanaman yung eksena namin sa jeep. Limot ko na nga e pinaalala pa talaga

“Vice president of sslg, pwede na” mahinang bulong ko. Kaya pala ganon ang approach niya kasi may katayuan siya sa school. Nagtataka lang ako, bakit kaya siya nag jeep that time? Hindi naman siya mukhang mahirap.

The night has passed, sobrang naging busy kami kinabukasan. Nag peprepare kami ngayon para sa upcoming foundation day. Kailangan kasi lahat ng may org ay kasali, unfortunately, meron akong tatlong org na sinalihan.

Maybe in another lifeWhere stories live. Discover now