chapter 19

1 3 0
                                    

Lutang akong naglakad pabalik sa room pagtapos ko magpalit ng damit. Ilang oras pa ako tumitig sa salamin non bago ako bumalik. Hindi ko alam kung sakanya ba 'tong damit kasi kasyang-kasya sakin.

Hanggang sa room ay tulala ako. Ni hindi ko man lang masundan ang lesson namin dahil kung saan-saan napapadpad ang utak ko. Tahimik lang ako buong class hour dahil iniisip ko run kung anong possibleng dahilan ni Dione para makipag kita sakin mamaya.

“Ah zoe, mag update nalang kami sa gc natin mamaya ah? Hindi kasi talaga ako pwede after class” Amber said. Isa siya sa nga ka-group ko sa P. E

After we talked about the project, pumunta na ako sa garden. Then I saw him. Seating next to a cat, hindi yun yung pusa niya. It looks like he's asleep, nakatakip ang sumbrero sa mukha niya.

I stared at him for a moment. Enjoying watching his posture as the time passed by. Mga five minutes ko siyang tinitigan before siya nagising.

“Sorry nakaidlip, kanina ka pa ba?”

Oo, ang sarap nga titigan niyang pagmumukha mo e.

“Hindi, kakarating lang” sagot ko naman sakanya

He gathered his things before standing up.

“Let's go to the mall, bibili tayo ng materials”

“Hindi ka ba nakabili kahapon?”

“Hindi, malakas ang ulan kahapon hindi ba? Paano ka pala nakauwi?”

Wala, tinangay ako ng mga luha ko pauwi sa bahay, tss

Nakasunod lang ako sakanya habang naglalakad kami. Hindi ko siya pinansin dahil biglang tumawag sakin si Tasha.

“Nasaan ka? Hindi ka ba sasabay sakin umuwi?”

“Hindi ako makakasabay, pupunta muna ako sa mall e may kailangan bilhin” I said while looking at Dione's back.

Nagpaalam lang ako kay Tasha at sinabing wag na siyang mag-alala dahil for sure hindi naman kami gagabihin ni Dione.

Sa hindi malamang dahilan ay bumagal ang paglalakad ko. O di kaya ay bumilis lang siya maglakad?? Para lang akong tutang nakasunod sakanya hanggang sa court ng school. Unti-unting kumabog ang dibdib ko nang naging dahan-dahan ang paglalakad niya, na para bang sinasabayan ako sa mabagal kong paglalakad.

Mas binagalan ko pa ang paglalakad ko at laking gulat ko nang mas bumagal din siya! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nahihiya ako na natutuwa.

“Tss, akala mo pagong” Yan ang unang lumabas sa bibig niya nang nakarating kami sa parking lot.

“Binubulong mo riyan?” kunyaring tanong ko sakanya, nagpapanggap na hindi siya narinig

“Sakay” Sagot niya habang natatawa. Binigay niya sakin ang helmet niya bago ako sumakay.

“Ikaw? Wala kang helmet?”

“Isa lang dala ko”

“Oh edi Ikaw na mag suot nito”

“Remove that thing, hindi ako magdadalawang isip na itulak ka pababa”

Nagmamagandang loob na nga yung tao, susungitan pa!

Nang maayos na ay umalis na kami. Nagulat pa ako dahil banayad lang ang pagmamaneho niya. Taliwas sa nakikita ko sa tuwing umalis siya.

Agad naman kaming nakarating sa mall dahil hindi rin naman traffic. Iniwan lang niya ang motor niya sa parking lot at sabay naming pinasok ang mall.

We headed to the nearest national bookstore. Dun kami namili sa mga pang crafts na section. Namili siya ng pang banner, headboard, paints, at kung ano-ano pa.

“Dione?”

Napalingon naman ako sakanila nang may lumapit sakanyang babae. She's beautiful, slim, and tall. Napairap naman ako bago umalis dahil ayokong marinig kung ano mang pag-uusapan nila.

Nagtungo lang ako sa book section at tumingin ng mga bagong stocks. Nakapili ako ng dalawa kaya binayaran ko na sa counter. After that, sa labas ko nalang hinintay si Dione.

“Bakit pa ako sinama? Hindi naman kailangan tss..” nakangusong usal ko.

Naghintay ako hanggang sa matapos si Dione. Nang matanaw ko siya sa pintuan ng store ay tumayo na agad ako para makita niya.

“Why are you here outside?”

Eh? Alangan na ang umepal ako sainyo kanina? Lakas ng loob magtanong pa e no? Sabagay, hindi niya naman alam...

Maybe in another lifeWhere stories live. Discover now