Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil nilalagnat ako. Hindi ko parin pinapansin si Dione dahil masyado akong nasaktan sa nakita ko.
Paglabas ko ng kwarto ay may nakahain na pagkain sa mesa. May gamot at may tea narin.
“Thanks Tasha..” usal ko bago kumain.
I'm thankful because I have her in my side. Ngayon kasi may umaalala na sakin, may umaalala na sakin, hindi tulad ng dati na kapag may sakit ako ay sarili ko mismo ang nag aasikaso sakin.
Wala akong magawa buong maghapon bukod sa humilata. Nang gumising ako ay ala sais na ng gabi at medyo umayos na ang pakiramdam ko.
May mga prutas sa lamesa ko nang dumako ang paningin ko rito. Sa gilid nito ay may papel kaya tinignan ko.
“Kumain ka, hindi ako makakauwi ngayon e tumawag si papa. Magpahinga ka OK? Love u!”
-TashaNapangiti naman ako at binalatan ang orange na nasa basket. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nag oonline. Ayoko siyang makita at mas lalong ayoko makonsensya sa mga mensahe nya sakin.
Kumain lang ako nang kumain at uminom ng gamot para tuluyang mawala ang lagnat ko. I drink a lot of water dahil parang nanunuyot ang lalamunan ko.
Hindi ko maiwasang isipin kung anong ginawa ni Dione ngayong araw. Hindi rin maalis sa isip ko kung anong pinag-usapan nila nung babae at bakit ganon ang pakikitungo niya roon.
“Puro nanaman tanong!” Inis na tanong ko dahil naguguluhan nanaman ako kakaisip.
Kung hindi lang kita gusto, hindi kita pag lalaanan ng oras at mas lalong hindi maguguluhan ang utak ko!
Today is the acquaintance party day! Hindi ko alam kung aattend ba ako. Ayoko naman din magmukmok dito sa apartment namin. Isa pa, minsan lang mangyari ang ganito.
It's already 6 pm nang makarating kami sa school. I'm wearing a sleeveless purple dress with glitters in it and a white sandals with glitters also.
Hinanap lang namin ni Tasha ang table namin saka naupo. Maya-maya ay nagsimula na ang program. Ang nauna sa program ay ang dance troupe. I can't deny the fact that they are all amazing. Ang gagaling nila sumayaw, napaka astig ng galawan nila kahit babae!
“Ready na ba ang lahat sa dance party?!!!!” sigaw ng mc
Agad namang naghiyawan ang mga students, excited sa ginaganap na event. May price ang matatanghal na face of the night mamaya kaya lahat sila ay naghahanap na ng partner.
I'm just casually eating habang nakatingin sakanila. Wala naman akong partner kaya hindi ako makakasali, alangan namang sumayaw ako mag-isa?
“Can I have this dance?”
Napatingala naman ako at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang lalaking tinataguan ko. Nahihiya man ay tinanggap ko rin ang kamay niya.
Tinulungan nya akong tumayo at sabay kaming naglakad papunta sa dance floor. Sumasabay lang kami sa bagal ng tugtugin habang naka kapit ako sa balikat niya at hindi makatingin.
“Talk to me Iyah..”
“Ano?” masama akong napatingin sakanya
“You ghosted me for days...”
“Huh? Hindi kita ghinost ah!”
“Yes you did..” sambit niya habang unit-unting humihigpit ang hawak niya sa bewang ko.
“Hindi nga! Ang arte mo masyado, tabi!” padabog akong bumitaw sakanya at lumabas sa Hall.
“You didn't talk to me for days!” Pahabol na sigaw niya nang makalapit sakin
“Do we have a problem Iyah?”
“Dione bakit ka ba ganyan? Ano naman kung hindi kita kinausap? Ha, bakit? Ano ba tayo? Stop acting like you didn't know what you did!” Galit na sigaw ko sakanya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“You felt our connection Iyah... And then you're gonna ask me kung ano tayo? Bakit Iyah, ano nga ba tayo?”
Natameme ako sa tanong niya at hindi nakasagot.
“You felt our connection Iyah and you dump me without a word. Mababal!w ako sa kakaisip kung may nasabi ba akong mali, kung may nagawa ba akong mali sayo for you to not talk to me. I don't know what to do anymore Iyah. Pls let me hear you this time..” he said while almost hugging me
“Are you not with Astra? Baka hinahanap kana niya” Walang ganang sagot ko sakanya
“Is she the reason? Kung bakit mo ako nilayuan? There's nothing going on between us Iyah..”
Hindi ako nakasagot nang unti-unti niya akong yakapin. He's... Crying... In my shoulder..
“I'll do anything. I'll explain everything... Just pls.. Don't dissappear like that again..” he said between his sobs
Ngayon ko lang siya nakitang ganito. He's crying dahil sa hindi ko pagpansin sakanya. Until now, naguguluhan parin ako.
Not until you say the words I need to hear Dione...
“Were you jealous?” tanong niya nang bumitaw sya sakin
Napaiwas ako ng tingin at hindi alam ang isasagot ko. Sinabi niya naman nang walang namamagitan sakanila, ano pa bang ikinatatakot ko?
“Iyah, pls tell me.. Were you jealous?”
Hindi ko muna iintindihin ang lahat ng sakit. Sa ngayon, uunahin ko muna kung anong nararamdaman ko.
Tumango ako bilang sagot sakanya. Agad na nagliwanag ang mukha niya nang makita ang pag galaw ng ulo ko.
“Do you like me Iyah?”
Tinatanong pa ba yan?
Nahihiya akong tumango at agad na nag iwas ng tingin.
“I'm mad at you for ghosting me Iyah..” Sabi niya habang yakap ako
“I'm mad at you too..”
“I'm sorry, I'll make it up to you. What do you want me to do?”
“Do you like me Dione?”
“No.”
Natulala ako sa sagot niya at kinabahan. Kung hindi niya ako gusto, bakit niya ginagawa lahat ng 'to? Pinaglalaruan lang yata ako ni—
“I love you Iyah.. I really do..”
Ang mga salitang 'yon ang siyang nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong lason ang tinurok mo sa katawan ko para makaramdam ako ng ganito Dione..
YOU ARE READING
Maybe in another life
Romance"Life is but a walking shadow, a poor player, that struts and frets his hour upon the stage, and then is hear no more; it is a tale told by an id/ot, full of sound and fury, signifying nothing" "If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do...