chapter 22

1 3 0
                                    


“WAAAAAAAAAHHHHHH!!!! GODDESSES FROM HEAVEN, ABOVE, PLS HELP ME!!” Parang nababal!w na sigaw ko habang napapaluhod

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko. Kung matutuwa, kikiligin, o maiiyak. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya yun sakin!

Hindi ko na tuloy alam kung anong mukha ang ihaharap ko sakanya. Ayoko namang isipin na may gusto siya sakin dahil hindi ko rin alam kung paano niya tratuhin ang mga kaibigan niya.

“I don't know what have got into you Dione... I hope it will not make me sad..” bulong ko habang napabuntong hininga.

Lagi kasi kapag sumasaya ako, Maya-maya ay mapapalitan ng lungkot. Hindi ko alam kung dapat bang enjoyin ko 'to dahil alam ko sa huli ako ang mag susuffer.

I'm busy fight!ng against my thoughts when my phone vibrate.

Chiro_Vignaux : Just got home, wyd?

Talagang may lakas siya ng loob kausapin ako pag tapos ng ginawa niya?!

“Anong irereply ko rito?..” Naiusal ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Starlight_zzzz : Matutulog na. Why?

Chiro_Vignaux : Oh OK.. Sleepwell sleepyhead.

Hindi ko na siya nireplayan. Nakatulala ako sa ceiling habang nasa dibdib ang telepono. Hindi mapakali ang puso ko sa pagliligalig. Mas nagiging kakaiba ang pintig nito.

“Enlighten me Dione. I don't want to assume things”

I said as I manage myself to sleep.

....

It's Monday today. Meaning, papasok nanaman! Noong linggo ay nag-usap lang kami ni Dione through phone. Hindi rin ganon katagal because we're both busy.

Lahat ng students ay nag-uusap tungkol sa upcoming event sa buong senior high.

“Zoe, may partner kana sa Acquaintance party ?”

“Wala, sasali ba ako?”

“Oo! Minsan lang yun eh, hahanapan nalang kita ng partner kung wala!”

Napaisip ako sa sinabi ni Tasha. Until lunch time, hindi nawala sa utak ko yung tungkol sa party. For sure naman hindi ko makakasama si Dione, tss.

Gumagawa lang ako ng assignment na hindi ko natapos nung Sunday when someone suddenly came in.

“You didn't bring your lunch?”

Si Dione.

“Hindi. Hindi narin ako kakain, may ginagawa pa ako” sabi ko habang nakaiwas ang tingin sakanya. Hindi ko alam kung kaya ko bang tumingin sakanya ng matino.

Nagulat ako ng may kutsara bigla sa harap ko.

“I'll feed you while you're doing your thing”

Nahihiya man ay tinanggap ko parin ang bawat pagkaing isinusubo niya sakin. Hanggang sa matapos ako ay ganon ang ginagawa niya.

“I'll wait you outside after class. I'll go ahead now”

He pat my head before leaving the room.

76.
“Pogi nun ah, pakilala mo naman ako!”

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Tasha sa likod ko.

“Kanina ka pa ba nandyan?”

“Oo! Hindi mo ako napansin kasi masyado kang naka focus sa lakaki mo!”

“Anong lalaki—hoy hindi ko lalaki yun!”

“Ay sus zoe ah, Ipakilala mo muna sakin yan!”

“Hindi nga! We're just friends...”

“Friends?! May friends bang nagsusubuan?!”

“Bunganga mo nga Tasha!”

“Oh bakit ha? Totoo naman! Dito pa talaga sa room naghaharutAn!”

Pes.te naman 'to, ang ingay ingay!

“Ay teka, siya ba yung nakwento mo dati? Yung nagugustuhan mo?”

“Oo, at pwede ba?! Wag kang maingay, pag may nakarinig sayo pepektusAn talaga kita!”

Ayokong may makaalam na may gusto ako kay Dione dahil hindi ko alam kung anong maaaring maging reaksyon niya kapag nalaman nya ang nararamdaman ko. Hanggang kaya kong itago, itatago at itatago ko ito sakanya.

Mabilis na tumakbo ang oras. Gaya ng sinabi ni Dione ay nagtungo ako sa parking lot para puntahan siya. Ngunit agad akong napatigil nang makarating ako sa parking lot.

He's with the girl he was with before. Yung pinapayungan niya nung time na yun. Mukha siyang galit dahil mahigpit siyang naka hawak sa braso nung babae.

Napako ang paningin ko sakanila. Nag-uusap silang dalawa at mukhang nasasaktan siya sa ginagawa ni Dione. They were talking when the girl suddenly hugged him. Natigilan saglit si Dione tsaka marahan na tinutulak ang babae.

Hindi ko matiis na tignan sila kaya naglakad na ako pauwi. Iniwan ko ang motor ko dahil hindi ko kayang lumapit sakanila. Nanghihina ako. I'm walking through the pathway when the guard approached me. Sinabi ko nalang na iiwan ko nalang ang motor ko rito at babalikan ko nalang bukas.

Naluluha ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasasaktan ako sa nakita ko. Pinakalma ko ang sarili ko habang naglalakad pauwi ng apartment. Naglalakad ako habang pinipigilan ang nararamdaman.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng bumuhos ang malakas na ulan. Katulad ng pagbuhos ng malakas na ulan ay sumabay sa pagbagsak nito ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napaupo ako sa waiting shed ng elementary school habang naluluha. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang masaksihan lahat ng yun.

“B-bakit kailangan mangyari lahat to?..” garalgal ang boses ko, sumasabay sa malakas na tunog ng ulan.

Hinayaan ko munang lamunin ako ng dilim at ulan. Nakatingala habang sinasalubong ang buhos ng ulan saking mukha.

Basang-basa ako nang makauwi sa apartment. Agad naman akong sinalo ni Tasha dahil muntik na akong matumba.

“Anong nangyari? Bakit basang-basa ka?!”

“Malamang, wala akong payong!”

Nagdahilan nalang ako ng kung ano-ano para manahimik na siya. Tinulak niya naman ako papuntang banyo tsaka ako naligo. Hinayaan ko lang ang sarili kong lamunin ng lamig. Hinayaan ko ang tubig mula sa shower na bumagsak sa katawan ko.

I'm crying again. Hinayaan ko lang na sumabay ito sa pagbagsak ng tubig. Hanggang ngayon malinaw parin sakin lahat ng nakita ko. Kung paanong umamo ang mukha ni Dione nang yakapin siya nung babae.

“Ang t@nga ko para maniwala sa lahat ng pinapakita mo sakin...” naiiyak na usal ko

Tinapos ko nalang ang pagligo dahil ayoko naman na malugmok ako dahil lang sa nakita ko. Agad naman akong pumunta ng kwarto at nagbihis.

Tunog nang tunog ang cellphone ko. Nang tignan ko ito ay bumungad sakin ang mga messages ni Dione. Hindi ko na iyon pinansin at hinayaan ko siyang mag message lang sakin.

I was scrolling when someone's profile appeared on my suggestion list.

“Astralla Vaine Acosta Dela Cruz” mahinag banggit ko sa pangalan nito

Nang tignan ko ang profile nito ay doon ko nasabi na tama ang hinala ko. It was the girl who's with Dione a while ago.

She's beautiful, slim, and tall. Her wavy hair looks so gorgeous, bagay na bagay sakanya. I scrolled hanggang sa may makita akong post niya.

Astralla Vaine Acosta Dela Cruz
Caption : Ship nga
Post : Single nga ako, kulit

I scroll down to the comment section and saw a familiar name.

Jopay Kamusta kana : Ichiro na 'yan!
Janna Rivera : Dione Dione Dione
Laye Ramos : Astra X Dione

Lahat ng nasa comment section ay pangalan ni Dione ang minumungkahi. I felt a pang on my chest. Hindi ko nalang pinansin at humiga na ako sa kama dahil sumasakit ang ulo ko sa lahat ng nangyari.

“It was though...”

Maybe in another lifeWhere stories live. Discover now