Kinabukasan, everyone is in their own world, talking about the party last night. Nagandahan lang naman ako sa party dahil nagkaroon kami ng moment ni Dione.
“So, hinatid ka ni baby boy?”
It was Tasha.
“Baby boy?”
“Sus, bf mo na ba?”
Nahihiya akong nag iwas ng tingin sakanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. I haven't give it so much thought dahil nawala rin sa isip ko.
“Agay, namumula ka! HAHAHAHAHAHAH”
“Shut up Tasha!”
“Ayos lang yan, boto naman ako sakanya. Actually nag-usap na kami before”
Gulat naman akong napatingin sakanya. Hindi ko alam na magkakilala na sila?
“How?”
“Remember nung nagka sakit ka? Naabutan ko sa parking lot tapos ayun, nag rant sakin. Hindi mo kasi pinapansin, pa-importante eh no?”
Napatitig naman ako sakanya. I don't know that he could do such an effort. Mukha kasing hindi niya ako gusto dati.
“That's OK zoe, pero mag-ingat ka ah? In everything you will do and decide, always be rational”
I don't know what to say. Para siyang nanay ko na pinapangaralan ako sa kung anong dapat at hindi ko dapat gawin.
“Opo nay” natatawang sagot ko naman sakanya
“Nagdadalaga ka na talaga, naunahan mo pa ako mag boyfriend!”
Tumawa nalang ako sakanya. She's sulking, para namang inaaway ko 'to? Tss.
“Pag may ginawa sayo yun, tell me ah? I got your back” sabay kindat niya sakin.
“Huh? Nasaan?” Pabirong sabi ko sakanya
“Ang alin?”
Kahit kailan talaga, slow.
“Wala” natatawang sagot ko habang siya naman ay taas-kilay habang nakatingin sakin.
It's lunch time. Sabay kaming tatlo nila Dione at Tasha kumain dito sa canteen. We were just casually talking nang May biglang umupo sa tabi ni Dione. Magkatabi kaming dalawa ni Dione at nasa harap namin si Tasha, kaya ngayon ay napag gigitnaan namin si Dione.
“Hi!!! Welcome naman ako rito right? Look, I got you your favourite Milkshake”?
Agad na napaiwas ako ng tingin. Sakto namang tumama ang paningin ko kay Tasha at nakita ko kung paano nagpapalit-palit ang paningin niya saaming tatlo nila Dione.
“What are you doing here, Astra?”
“Why Dione? We used to eat lunch together ah?”
“You can eat your lunch by your own Astra”
“Sasabay lang, Zoe wouldn't mind naman e diba?”
Tanong niya habang nakatingin sakin. Nginitian ko lang siya at hindi na siya pinansin. Psh, panira ng moment.
“Dione... I can't....”
Napatingin ako sakanya nang sinabi niya yun. Kunyaring nahihirapan siyang buksan ang bottled water na hawak niya. Nagulat ako nang biglang kuhain ito ni Tasha at siya ang nag bukas!
“Hey, you know? You're not a kid anymore. Kayang-kaya mo buksan yan, ganon ka ba kahina para ipagawa pa sa iba ang napaka simpleng bagay?”
Hindi na ako nagulat sakanya. That's it. That's Tasha. She's a fre@k sometimes. Lalo na kapag hindi niya gusto ang kaharap niya.
YOU ARE READING
Maybe in another life
Romance"Life is but a walking shadow, a poor player, that struts and frets his hour upon the stage, and then is hear no more; it is a tale told by an id/ot, full of sound and fury, signifying nothing" "If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do...