CHAPTER SEVEN: DARLENE's POINT OF VIEW ★
"Hindi po p'wede 'yon, baka p'wedeng bigyan ni'yo pa ako ng second chance, aayusin ko po ang trabaho ko." Pagmamakaawa ko sa kausap ko, mali ang nadala kong papel at tinatanggal na nila ako sa trabaho.
"Pasensya ka na Miss De Guzman pero wala ng second chance, baka paraan na din ito ni Lord para makapagpahinga ka, you're sick right?"
Nagpantig ang tainga ko, parang sinasabi niyang malala ako.
"Kawalan ni'yo ako! Tandaan ni'yo 'yan, hindi kayo kawalan pero kawalan niyo 'ko!" Sigaw ko at nag-walk out.
Dinala ako ng mga paa ko sa tabing ilog na palagi kong pinupuntahan five years ago, dito ang tambayan ko tuwing galit ako sa mundo.
Naupo ako sa gilid ng ilog at isa isang pinagdadampot ang maliliit na bato at ipinagbabato sa ilog.
"Hello?"
"Bestie, nasaan ka na? Kanina pa tumatawag sa akin sila Yaya Belen, nasaan ka na ba?"
Ngumiti ako kay Tonette. "Nagpapakalma lang."
Kunot-noo siyang tumingin sa akin, medyo nawawalan signal.
"Galit ka na naman? May nangyari ba? Si Beya? Si Miguel?"
Umiling ako. "Wala silang ginagawang ikinagagalit ko. Iba 'to, tinatamad akong mag-kuwento kaya hayaan mo na muna ako."
"Oo na pero bestie umuwi ka na, baka nakakalimutan mo na ang oras, gabi na at nag-aalala na si Miguel, kanina ka pa niya gustong hanapin, hindi niya lang alam kung saan ka niya hahanapin."
Napabuntong hininga ako.
"Uuwi na." Pinatay ko na ang tawag, isinuot ko ang heels ko at naglakad sa tabing kalsada, nag-aabang ng sasakyan para makauwi na.
"Nandito na si Ma'am Darlene!" Sambit ni Yaya Belen pagpasok ko pa lang ng bahay, naka-face mask siya at medyo paos ang boses.
Nagulat ako nang biglang lumapit si Miguel sa akin at niyakap ako, sobrang higpit at halos hindi na ako makahinga.
"Saan ka ba galing? Kanina pa kami nag-aalala, nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."
"Pero bitawan mo muna ako kasi hindi na ako makahinga."
Bigla siyang napabitaw. "Sorry."
"Buhay pa ako, kung makayakap naman 'to." Bulong ko at napatingin ako kay Beya, tahimik siyang nakatingin sa akin, hindi manlang ako binati.
"Beya, are you okay?" Tumango lang siya.
"Kakatigil niya lang umiyak."
"Pinaiyak mo?" Tanong ko kay Miguel
"Hindi, nag-aalala siya sa 'yo. Baka raw kasi hindi ka na bumalik, tumigil lang siya nung tumawag si Tonette at sinabing pauwi ka na."
"Kumain na kayo?"
"Hindi pa."
"Akyat muna ako, magbibihis lang ako tapos kakain na tayo." Napahawak ako sa ulo ko, hindi na yata maganda 'to, parang napapdalas yata ang pagsakit mg ulo ko.
MIGUEL's POINT OF VIEW ★
"Ako na ang maghahanda ng hapunan Sir, umupo ka na lang sa tabi ng anak mo."
"Hindi na po Yaya Belen, ako na lang po." Sabi ko, "Kayo na lang po ang maupo at ako na po ang maghahanda. At saka huwag ni'yo na po akong tawaging Sir, hindi po ako sanay kahit magdadalawang linggo na ako dito." Sabi ko
"Pero baka magalit si– sige, para nga'ng nahihilo ako."
Inalalayan kong maupo si Yaya Belen, ako na ang naghanda ng plato at nga pagkain para sa hapunan namin.
YOU ARE READING
I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART
Romance"Sa mundong magulo at walang sigurado, makakahanap rin tayo ng taong pipili sa atin kahit sa mata ng iba ay hindi tayo kapili-pili." Sobrang suwerte ni Darlene sa kanyang matalik na kaibigan na si Tonette, tinutulungan siya nitong mag-alaga sa anak...