CHAPTER TEN

9 2 0
                                    

CHAPTER TEN: MIGUEL's POINT OF VIEW★

"Papa, okay na po ba si Mama D? Bakit hindi pa po siya gumigising?"

"Hindi ko rin alam anak, parating na ang Doctor ng Mama mo. Ang mabuti pa ay doon ka na muna sa kuwarto mo, gawin mo kung ano ang gusto mo. P'wede kang maglaro, magkulay ng mga coloring books mo o kaya ay manood ng cartoons basta huwag lang malapit sa TV at konting oras lang dahil baka naman lumabo ang mga mata mo."

"Matutulog na lang po ako, sana po paggising ko e gising na rin si Mama."

"Sana nga. Sige, ihahatid muna kita sa kuwarto mo." Hinalikan niya lang sa pisnge si Darlene bago kami nagpunta sa kuwarto niya.

Pagdating namin dito sa bahay ay nasa kama na si Darlene, pinilit daw buhatin ni Yaya Belen tapos tinawagan agad si Tonette, tinawagan naman ni Tonette ang Doctor ni Darlene at on the way na raw papunta dito sa bahay.

"Gigisingin na lang kita kapag kakain na tayo ng hapunan, huwag ka na mag-alala, okay lang ang Mama D mo."

Yumakap si Beya sa akin. "Huwag mo pong iiwan si Mama D ha, Papa. Papa, naiwan po natin 'yong biko."

"Oo nga anak, magpapaluto na lang tayo sa Lola Lucia para makatikim ang Mama mo." Tumango si Beya at humiga na sa kama niya.

Paglabas ko ng kuwarto ni Beya ay nakasalubong ko si Yaya Belen.

"Nandito na si Doc."

Sinamahan ko si Doc sa kuwarto namin, saktong gising na si Darlene.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong ng Doctor, nag-thumbs up lang si Darlene.

"Ito na ang mga gamot mo, mabuti na lang at tumawag si Tonette. Darlene naman, inumin mo ang mga gamot mo, kumain ka sa tamang oras, healthy foods at higit sa lahat ay matulog ka sa tamang oras, magpahinga ka. Sinasabi ko sa iyo, ang trabaho mo ang papatay sa iyo." Sabi ng Doctor at tumingin naman sa akin, "Mabuti naman at nandito ka na Mister, alagaan mo itong asawa mo, bumawi ka sa kanya, dapat nga e ikaw ang nagta-trabaho dahil ang padre de pamilya. Huwag mong pababayaan itong asawa mo, alagaan mo at ipaalala mo palagi itong mga gamot." Sabi ng Doctor at tinapik pa ako sa balikat.

"Opo Doc, ako na po ang bahala sa asawa ko, tatawag na lang po ako ulit kapag mayro'ng hindi magandang nangyari sa kanya pero sinisigurado ko pong ito na ang huli. Salamat po."

"Thank you Doc." Mahinang sambit ni Darlene at halatang nanghihina pa.

"Aalis na ako, mayro'n pa akong appointment, i-chat ninyo ako agad kapag mayro'n siyang naramdamang hindi maganda. I-monitor mo siya palagi ha."

"Opo Doc." Sagot ko at inihatid na sa labas ang Doctor.

Bumalik ako agad sa kuwarto. "Ano'ng gusto mo? Ipagluluto kita, hindi ka pa raw nanananghalian." Umiling siya, "Kailangan mong kumain, kakasabi lang ng Doctor mo e."

Medyo mainit siya at namumutla, balot na balot siya sa kumot kahit ang init-init ng panahon.

"Pahinga ka lang d'yan, magluluto ako saglit tapos dadalhan kita agad dito."

Bumaba ako at nagluto ng lugaw, mas madali lutuin at saka lugaw lang ang alam kong kinakain ng mga may sakit. Iyong prutas na para sana kay Yaya Belen ay binalatan ko na rin.

"Nagluto po ako ng lugaw Yaya, kumain na rin po kayo, papakainin ko lang po si Darlene."

"Sige anak, kakain na lang ako. Medyo okay na rin ang pakiramdam ko, konting sipon na lang ito. Dalhin mo na 'yan sa taas at isusunod ko lang itong tubig."

Umakyat ako sa taas dala dala ang lugaw na may nilagang itlog. "Dito ka na lang muna kumain, nanghihina ka pa kaya hindi ka pa makakababa ng hagdan." Tinulungan ko siyang makaupo, nilapag ko muna ang lugaw sa upuan.

I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART Where stories live. Discover now