CHAPTER FOURTEEN

10 1 0
                                    

CHAPTER 14: MIGUEL's POINT OF VIEW ★

Naririnig ko na sila Nanay sa labas pero hindi ko maiwan-iwan 'yong cake dahil tinatapos ko pa. Kahit naririnig ko lang ang boses nila ay alam kong masaya sila lalo na si Beya.

"Maupo po muna kayo, kukuha lang ako ng meryenda." Narinig kong sabi ni Darlene, nagpunta siya dito sa kusina at nagtimpla ng juice, kumuha rin siya ng tinapay sa pantry namin.

"Tulungan na kitang dalhin 'yan kila Nanay." Sabi ko pagkatapos kong ligpitin lahat ng ginamit ko sa pagde-design ng cake.

Dala-dala ko ang pitsel na may juice at dala naman ni Darlene ang baso at tinapay.

"Eh apo, ano'ng birthday wish mo?" Narinig kong tanong ni Nanay

"Dati po ang wish ko ay magkaroon ng happy family at umuwi po si Papa pero ngayon isa lang po ang wish ko Lola." Sagot ni Beya, medyo curious rin ako sa isasagot niya pero nabili naman namin lahat ng nasa wishlist niya.

"Ano 'yon apo?" Tanong ni Nanay

"Magkaroon po ng kapatid."

Napahinto ako sa paglalakad at gano'n din si Darlene, nagkatinginan pa kaming dalawa pero umiwas din agad si Darlene.

Sorry anak, hindi ko yata maibibigay sa iyo ang wish mo na 'yon.

Napabuntong hininga ako at sumunod na kay Darlene sa sala.

"Ang ganda ng wish mo apo, gusto ko rin 'yan." Sabi ni Nanay, tahimik naman akong umupo sa gilid ng sofa, napansin kong sinisiko ni Tatay ng pasimple si Nanay at nang tumingin sila pareho sa akin ay pilit akong ngumiti, "Pero 'di ba okay na ikaw na lang muna para maraming oras ang Papa Miguel at Mama Darlene mo sa 'yo, kami rin 'di ba apo?"

"Opo Lola, thank you po. Love na love ko po kayong lahat, si Mama D, si Papa Miguel, si Nangnang Tonette, si Teacher Shiela, si Lola Lucia at Lolo Nestor, at si Lola na nandoon po sa bahay ninyo." Nakangiting sambit ni Beya

Naramdaman kong umupo si Darlene sa tabi ko, nakatungo lang kasi ako.

"Meryenda ka na."  Bulong niya at inabutan ako ng juice, "Magpahinga ka muna after nito, ako na muna ang bahala kay Beya."

Ngumiti lang ako. "Meryenda na po tayo." Sabi pa ni Darlene kila Nanay Lucia.

"Salamat anak, ang ganda-ganda nitong bahay ninyo, ang laki. Hindi ba kayo nahihirapan sa paglilinis dito?"

"May kasambahay po kami, wala lang siya ngayon dahil may emergency sa kanila." Nakangiting sagot ni Darlene

"Matagal na ba kayong nakatira dito?"

"Opo, dito na po lumaki si Beya. Pagkapanganak ko po kay Beya ay dito na po kami dumeretso." Sagot ni Darlene kay Nanay

"Eh nasaan ang mga magulang mo?" Tanong naman ni Tatay, napatingin si Darlene sa akin.

"Mag-meryenda na tayo 'Tay." Sabi ko

"Parang nand'yan na 'yong mga nagde-deliver ng foods, puntahan ko lang saglit at babayaran ko." Sabi ni Darlene at tumayo na.

Nainis kaya siya sa tanong ni Tatay? Baka bumalik na naman siya sa pagiging masungit siya.

"Bakit mo naman tinanong 'yon 'Tay?" Bulong ko

"Kaya nga Nestor, 'di ba sinabihan na kita na ayusin mo ang mga tanong mo, hindi ka talaga nag-iisip eh!" Sabi pa ni Nanay

"Hihinge na lang ako ng pasensya mamaya." Sabi ni Tatay

Tumayo ako at sinundan si Darlene sa labas.

"Nand'yan na?" Tanong ko, tumango siya, tinulungan ko ang delivery guy sa pagpasok ng mga pagkaing in-order ni Darlene, may pansit, spaghetti at mga kakanin.

I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART Where stories live. Discover now