CHAPTER TWENTY TWO: DARLENE's POINT OF VIEW ★
"Ang tamis nitong orange, mayro'n pa ba sa baba?" Tanong ko
"May dalawa pa, gusto mo pa ba?"
"Mamaya naman." Nakaupo kami sa balcony, kinuha ko ang isang sobre sa bag ko at iniabot sa kanya.
"Ano 'yan?"
"Pera."
"Pera? Para saan?"
"Sa 'yo, sahod mo."
Kunot-noo siyang uminom ng kape. "Hindi na kailangan." Pilit niyang ibinabalik sa akin.
"Ang usapan ay usapan Miggy, at may papel tayong pinirmahan."
"Pero, pero hindi naman ako naghirap, saka hindi naman ako nagpanggap, parang anak ko na talaga ang anak mo Darling."
"Pero 'yan ang napag-usapan natin. Hanggang kahapon lang 'yan, tanggapin mo na."
Tiningnan niya ang laman ng sobre. "Ang laki naman yata nito."
"Pang-Japan mo."
Umiling siya. "Hindi na ako pupunta sa Japan kung hindi kayo kasama."
Napangiti ako.
"Last na 'to ha, itatabi ko, para sa future ni Beya."
"Hindi mo obligasyon 'yon."
Obligasyon ko, anak ko 'yon at Tatay niya ako." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Thank you."
"You're always welcome, Darling." Uminom ulit siya ng kape.
"Alam mo, balak kong bilhan ng baking equipment ang Tatay mo, para sa bahay na lang siya, hindi na siya mapapagod sa pagmamaneho at pagtitinda sa palengke. Hindi ba't pangarap nilang magkaroon ulit ng bakery?"
Napakunot noo na naman siya.
"Pero, gagastos ka na naman? Sobra-sobra na 'yong tulong mo sa amin Darling, tuwing linggo may groceries ka na pinapadala doon sa bahay, sa sobrang dami e akala ng mga kapit-bahay namin ay magtatayo na sila ng sari-sari store."
"Sige na, Love."
"Hay naku, ang hirap mong hindian lalo na kapag tinatawag mo akong ganyan."
"Please, Love." Sabi ko pa, napakamot na siya sa ulo. Gusto ko lang tulungan ang pamilya niya na mas naging pamilya pa ang turing sa akin kaysa sa tunay kong pamilya.
"Sige sige pero sino'ng tutulong sa kanila e nandito ako sa inyo."
"Si Justin, su-suwelduhan na lang natin."
Tumango-tango siya. "Sabagay, hindi naman aayaw 'yon, alipin ng salapi 'yon e." Tumatawang sambit ni Miguel at hinalikan ako sa noo.
"Salamat Darling, kahit hindi mo naman na kailangang gawin 'yon."
"Gusto ko e, pagbigyan mo na ako."
Tumango siya. "Siyempre ikaw masusunod." Nakangiti niyang sambit
"May sasabihin pa nga pala ako sa 'yo."
Napakunot noo siya ulit. "Ano 'yon?"
Napabuntong hininga ako. "May sa–" Pilit akong ngumiti, "Ano, ah . . . 'Yong bata sa picture, sa bahay ninyo . . . Ako 'yon."
Gulat siyang tumingin sa akin. "Hindi ka nagbibiro? Pa'no?"
"Doon kasi kami nakatira dati, paalis na kami nung time na 'yon, lilipat na ng trabaho ang Tatay ko e pinadaan muna kami dahil may nagbibigay nga raw ng pagkain at mga laruan. Grabi 'no, akalain mo 'yon may picture tayo noong mga bata pa tayo."

YOU ARE READING
I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART
Romance"Sa mundong magulo at walang sigurado, makakahanap rin tayo ng taong pipili sa atin kahit sa mata ng iba ay hindi tayo kapili-pili." Sobrang suwerte ni Darlene sa kanyang matalik na kaibigan na si Tonette, tinutulungan siya nitong mag-alaga sa anak...