CHAPTER TWENTY THREE

8 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE: MIGUEL's POINT OF VIEW ★

"Nanay Belen, ang sabi po ni Darlene ay mamaya na 'yan, sabay-sabay na raw po tayong mag-meryenda, hindi pa naman po kayo nagsisimula e, iwan ni'yo na po muna 'yan." Pinuntahan ko si Nay Belen sa likod bahay, gumawa ako ng dirty kitchen dito, minsan daw kasi ay gusto nila Tonette ng inihaw na sila mismo ang nagluto pero hindi sila makapaluto dahil ayaw ni Darlene ng amoy usok at nahihirapan siyang huminga at saka aamoy daw sa buong bahay. Kaya nga noong nagluto ako ng tuyo ay todo spray si 'Nay Belen.

"Tara na po, tutulungan ko na lang po kayo mamaya."

Sumunod siya sa akin pabalik ng kusina. "Nandito na ba sila? Nakakahiya, amoy usok ako, pinapabaga ko pa 'yong uling para makapag-ihaw na ako. Puwede na siguro 'yong tatlo ano?"

"Marami na po 'yon 'Nay Belen, mag-ihaw din po tayo ng gulay, may talong pa po tayo, gagawa ako ng ensalada." Sabi ko

Pagpasok namin sa kusina ay kumakain na sila maliban kay Nanay Lucia at kay Darlene, pababa pa lang din si Beya ng hagdan.

"Nanay, bakit hindi po kayo kumakain?" Tanong ko, naluluha na siya at titig na titig kay 'Nay Belen.

Napatingin ako kay Darlene. "Love, dito ka sa tabi ko." Sabi niya at tumingin kay 'Nay Belen, "Nanay Belinda, dito ka po sa tabi ni Nanay Luciana."

Napakunot noo ako, nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang lahat. "Darling, ano'ng nangyayari?" Bulong ko

"Makakapunta ka na sa Japan." Sagot niya kaya lalo akong naguluhan.

"Ano'ng nangyayari? Hindi ba masarap 'yong pagkain?" Tanong ko, nag-lakas loob na ako.

"Ipakilala mo 'Nay Belen sa kanila."  Bulong pa ni Darlene

"Nanay Belen, pamilya ko po. Si Tatay, si Lola, kaibigan ko po si Justin, at si 'Nay Lucia po." Sabi ko

"Ate? Ate!" Umiiyak na sambit ni Nanay Belen at nagmamadaling lumapit sa Nanay ko.

"Belinda! Kumusta ka na? Diyos ko, ang tagal tagal na kitang hinahanap, dito lang pala kita matatagpuan. Salamat po Lord." Sabi ni Nanay habang magkayakap silang dalawa.

Napatingin ako kay Darlene. "Pamangkin ka ni 'Nay Belen." Nakangiti niyang sambit, "Mamaya na po tayo nag-iyakan, kumain na muna tayo at lalamig ang pagkain." Sabi ni Darlene hindi maubos ang kuwentuhan nilang dalawa, masaya ako na nakita na ni Nanay ang kapatid niya.

"Tol, tulungan mo na lang akong mag-ihaw ng bangus sa likod, hayaan muna natin silang magkapatid. Si Tatay nga pala?"

"Idlip daw muna. Ang Lola mo naman e ayun, gumagawa ng pera kasama ang anak mo." Sagot ni Justin, dala-dala niya ang bangus na nakabalot sa foil, "Tol, nalilito pa rin ako, paano nangyari 'to? Paano ka naging instant–"

"Mahabang kuwento nga."

"Ikuwento mo na ngayon, matagal naman maluto 'to, marami akong oras."Sabi niya habang nagpapaypay ng baga.

Sabagay, medyo matagal nga itong maluto dahil tatlo at may gulay pa at isa pa hindi ako titigilan nitong si Justin hangga't hindi ako kinukuwento. 

"Nag-umpisa kasi 'yon nung naghahanap na ng Tatay si Beya." Sumilip muna ako sa may pinto, baka biglang sumulpot si Beya at marinig ang usapan namin.

"Iniwan sila nung Tatay?"

"Oo."

"Aba'y hindi pala tunay na lalake 'yon!"

"Kaya nga, tapos 'yong best friend ni Darlene, nagdo-drawing–"

"May bestfriend si Kumareng Darlene? Single? Maganda ba? Sexy? Pasok sa mga tipo ko?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART Where stories live. Discover now