CHAPTER NINETEEN

13 2 0
                                    

CHAPTER NINETEEN: DARLENE's POINT OF VIEW ★

"Mama D, hindi ni'yo po ba ako ihahatid sa school ngayon?" Tanong ni Beya habang kumakain kami ng agahan.

"Si Papa mo na lang muna ang maghahatid sa 'yo ngayon anak, may lakas kasi kami ngayon ni Nanay Belen."

Napatingin sila sa akin.

"Nanay?" Kunot-noong tanong ni Beya

"Nanay Belen. Nanay Belen na ang tawag ko kay Yaya Belen, p'wede mo siyang tawaging Lola." Nakangiti kong sagot

"Talaga po? Wow, I gave another Lola."

Napansin ko namang parang naluluha si Nanay Belen.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Miguel

Nagkatinginan kami ni Nanay Belen. 

"May check up ako, at saka sasamahan ko si Nanay Belen na bumili ng mga wala dito sa bahay, alam mo naman, wala akong alam kaya gusto kong matuto kasi mukhang matagal-tagal akong tambay dito sa bahay, 'di ba Mister Bartolome?"

Ngumiti siya, ngiting parang may meaning.

"Kayo na ang gumamit ng kotse, maglalakad na lang kami ni Beya para exercise na rin, tawagan ni'yo ako kapag nasa clinic na kayo ha at saka kapag pauwi na." Hinalikan niya ako ng mabilis sa noo, "Ingat kayo, aalis na kami." Sabi niya at binuhat ang bag ni Beya, "Anak, halika na." 

"Bye Mama D, bye Lola Belen."

"Bye, be a good girl ha."

"Opo Mama, I love you." Humalik siya sa pisnge ko bago sila lumabas ng bahay.

"Magbibihis lang po ako at aalis na tayo." Sabi ko

"Mukhang in love na sa iyo itong si Miguel, nakikita, sigurado akong magiging mabuti siyang asawa at ama, nakapa-suwerte ng babaeng mamahalin niya," Tumingin si Nanay Belen sa akin, "Napaka-suwerte mo. Kung ano man ang sabihin ng Doctor, huwag kang matakot na labanan at huwag mong pigilan ang sarili mong maging masaya."

Tumango ako. "Salamat po Nanay Belen."

Umakyat ako sa kuwarto para magpalit ng damit at pagpasok ko ay may bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng kama, gawa siya sa papel at may nakasulat na, “The sunrise is beautiful just like you, good morning Darling.”

Napangiti ako, this is so sweet.

Kinuha ko lang ang wallet ko at phone ko at bumaba na.

"Tara na po." Dumeretso agad kami sa hospital ng Doctor ko, kapit na kapit ako sa braso ni Nanay Belen, pagpasok pa lang namin ay sinalubong kami agad kami ng assistant niya.

"Good morning po." 

"Good morning, have a seat."

Kinakabahan ako.

Yes, my Doctor told me last night that i am . . . sick.

Kaya si Beya agad ang naisip ko, ngayon pa lang ako bumabawi tapos baka mawala ako agad, hindi ko naman hahayaang mangyari 'yon pero hindi ko hawak ang panahon.

"Gaya nga ng sinabi ko sa 'yo kagabi, may nakita nga akong tumor sa utak mo, kailangan nating i-check ng maayos para alam natin kung ano ang gagawin natin."

Tumango ako, napahawak ako sa kamay ni Nanay Belen. "Gagaling naman po ako 'di ba?" Tanong ko, medyo nanginginig pa rin ako, hindi ko na matandaan ang nangyari sa akin noon pero takot na takot talaga akong pumasok sa hospital, nagpa-panic attack ako at hindi makahinga, mabuti na lang at kasama ko ngayon si Nanay Belen.

May mga test silang ginawa at hawak ko pa rin ang kamay ni Nanay Belen.

"Ang symptoms of a brain tumor is headache, seizures, vision changes, speech problems, nausea and vomiting and changes in mood or personality. Ano'ng madalas mong maramdaman sa mga 'yan?"

I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART Where stories live. Discover now