*CYRUS OWEN
Matapos nga ang klase ay lumabas na'ko sa classroom kasama sina phelony at Jordyn,Habang naglalakad kami ay biglang sabi ni phelony
"Guys...punta muna tayong cafeteria"pag aaya nya sa'min kaya napa tingin kami sa kanya
"Ano bhe,gutom na naman yang cobra mo sa tiyan??"Sabi ni Jordyn sa kanya
"Hay wala naman tayong magagawa at baka mahimatay pa yan dito sa lupa nakakahiya yun"sabi ko sa kay jordyn kaya nag roll eyses na lang si jordyn at sinamahan na namin si phelony dun sa cafeteria,nga pala umorder din naman kami para maka relate naman kami sa pagkain ni phelony
"Bhe,di ka pa ba busog?pangalang plate mo na yan ng spaghetti"sabi ni jordyn sabay sipsip dun sa avocado shake nya
"Di pa nga ako busog eh,i usually eat two plates of spaghetti eh"sabi nya...pero buti na lang ay di tumataba tong si phelony.Anyway si phel na lang pala ang kumakain kasi kami ni jordyn ay umiinom na lang ng shake,At habang kumakain kami ay bigla kaming nakarinig ng mga lalaking nag uusap kaya tumingin ako dun sa mga lalaki at nakita ko si eddie dun kaya nakatitig na lang ako sa kanya.At nagulat ako ng bigla syang napatingin sa'kin sabay ngiti...so umiwas ako ng tingin at binalik ang atensyon ko dun sa iniinom kong shake
"Andito pa pala kayo??"nagulat ako ng biglang nasa gilid ko na pala sya at nakita ko pa yung ID nya...nakuuu nakakahiya ka talaga Owen! Anyway tumingin ako sa kanya sabay sabay ngiti ng pilit
"H-hi Eddie"pagbati ko sa kanya,nakatingin naman sina phelony sa kanya
"Oi eddie,ba't andito ka pa nga pala??"tanong ni Jordyn kay eddie
"Ahm...alam nyo na,naglaro lang kami ng basketball"sabi nya habang nagpupunas ng pawis sa leeg nya
"Ahm..upo ka muna pre"sabi ko sabay usog,umupo naman sya dun sa tabi ko...at bigla kong napansin na hindi na pala sya naka uniform
"Asan uniform mo eddie?"tanong ko sa kanya,kaya naman tumingin sya sa'kin
"Uniform ko?andun sa locker...baka kasi mapawisan ko eh"sabi nya
"Ah...gusto mo ba ng shake?kuha na lang kita"suggest ko,pero bago pa man ako makatayo ay inunahan na nya ako ng pagtayo
"Ako na...baka mahirapan ka pang magbuhat eh,ang ganda mo pa naman"sabi nya kaya kinilig ako...at onti onti nyang inilapit ang mukha nya sa'kin na parang ikikiss ako at......KABOOM!
"Oi CYRUS OWEN OSWALD!"sabi ni jordyn pagkabatok sa'kin kaya napakamot ako ng ulo
"Ang sakit nun Jordyn ah!"sabi ko sabay lumingon lingon ako dahil nag tataka ako kung asan si Eddie,agad naman nagsalita si Phelony
"Umalis muna yung prince charming mo para kumuha ng shake habang naka tulala ka dyan sa kawalan"sabi nya,WHAT?does that means he just saw me smiling on my own??whaaaaa!nakakahiya naman...anyway maya maya ay bumalik na si eddie sa table namin na may dalang fries, burger at drinks nya
"Oh ok ka na pala cyrus"Sabi nya sabay umupo na sya...whaaa nakita nga nya yung pagha hallucinate ko tungkol dun sa kanina...
"A-ahm..ganon talaga ako minsan...hehe"ayan na lang ang sinabi ko pero buti na lang ay di nya binig deal yun,sa susunod nga mag iingat na ako sa pangangarap ko ng gising.Pero nakakahiya talaga yun..whaa
Makalipas ang ilang oras ay lumabas na rin kami sa school kasi kahit na maloko sina phelony at Jordyn ay di naman sila nakakalimot sa curfew nila dahil nga sa babae sila.Kaya nga hinatid na namin sila sa sakayan ng taxi...at ng makaalis sila ay naiwan na kami ni eddie na nag lalakad pauwi ng bahay
"Ba't nga pala sila magkasama sa taxi??"tanong ni eddie kaya naman tumingin ako sa kanya
"Ah ayun ba?magkapit bahay lang kasi sila ni jordyn at ako lang naman ang medyo nalalayo sa kanila"kwento ko sa kanya at nag nod naman sya...makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa barangay namin kaya namang naghiwalay na kami
"Bye Cyrus"Pagpaalam nya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila,so ayun ako rin ay pumasok na sa loob ng bahay namin...******************************************************************************
Kinagabihan ay kakatapos lang namin mag dinner ni mom kasama ang manliligaw nya...kung di nyo natatanong ako ay galing sa broken family as in sina mom at dad ay divorce na then ako lang ang anak nila kaya ayun minsan andun ako kay dad kasama naman ang Bago nyang girl friend pero pag christmas naman ay kumpleto kaso nga lang may mga bago na silang dalawa kaya ayun pasikatan sila...anyway tama na yang kwento tungkol sa buhay ko.So ayun na nga matapos ang dinner namin ay umakyat na ako sa kwarto ko at nag facebook ako,maya maya ay medyo napikit pikit na ako kasi inaantok ako,papikit na sana ang mata ko ng biglang tumunog ang messenger ko,kaya ayun tinignan ko kung sino ang nag message at nanlaki ang mata ko ng makita na si eddie yunEdward James Mcallister:
Cyrus,papunta ako sa inyo and i have some snack
Matapos kong mabasa yung message nya ay agad akong tumayo sa kama at bumaba bago pa man maistorbo ni eddie sina mom..kaso pababa pa lang ako ng mag doorbell na si eddie,kaya naman si mom na ang nagbukas ng pinto
"Oh eddie,gabi na ah"sabi ni mom,ngumiti naman si eddie kay mom
"Ahm...magi sleepover lang po kami ni Cyrus"paalam nya kay mom at bago pa man ako tawagin ni mom ay bumaba na'ko
"Di ko po nasabi sa inyo...hehe"ayan na lang ang nasabi ko kay mom.At ngumiti naman sa'min si mom
"Ok boys,enjoy your sleepover"sabi ni mom kaya naman umakyat na kami ni eddie dun sa kwarto ko.Pagpasok namin ng kwarto ay inilapag ni eddie yung mga snack sabay umupo sya sa kama ko
"So anong gagawin natin?"tanong ko sa kanya at nag shrugged lang sya,kaya ayun umupo din ako sa kama sabay binuksan ang tv sa kwarto ko at dun ay nanood kami ng soccer game.
"Sa susunod nga eddie magsabi ka kung magi sleepover ka,tsaka diba dapat nandun ka sa bahay nyo?"sabi ko sa kanya,bago sya sumagot ay sumubo muna sya ng chips
"My parents is in business trip,so they decided to call my auntie sally to accompany me"sabi nya,natawa naman ako dun sa sinabi nya
"Auntie Sally mo?di ba ayun yung tita mo na mabilis makatulog?"sabi ko,kaya tumawa din sya,Ang cute talaga ni eddie pag tumatawa kasi yung mata nya lumiliit...anyway matapos namin manood ng soccer ay naglaro naman kami dun sa ps5 ko at dahil nga sa pag eenjoy namin ay di na namin namalayan ang oras...mga ala una na kami natapos sa pag lalaro namin kaya ayun tulog na tulog kami ni eddie dun sa kama ko dahil sa pagod namin...hay ngayon lang kami nag sleepover ng ganto as in yung talagang nag enjoy ako,hay sana maulit pa tong sleepover na'to anyway bigla naman akong napadilat at nakita ko na magkatapat na pala kami,kaya napangiti ako at nagtalukbong ng kumot....*ANDREI CHARLES
*Ringggg *Ringgggg
Nagising ako dahil sa alarm clock ko,maaga akong gumising dahil may practice ako ng soccer kasi dun ako nagpa register,so ayun tumayo na'ko sa kama at pumasok sa banyo para maligo na at makapag ready....matapos ang 30 minutes ay lumabas na'ko ng banyo at nag ayos ng sarili ko...matapos yun ay bumaba na'ko at naabutan ko yung maid namin na naghahanda ng breakfast at andun na yung mga kapatid ko at kumakain kaya ayun umupo na ako dun sa tabi ng kapatid kong bunso
"GOOD MORNING"Pagbati ko sa kanila sabay kumain na rin ako ng almusal ko....matapos kong kumain ay naghanda na ako sa pagpasok ko...nauna na ako sa pag alis dun sa mga kapatid ko kasi baka ma late pa ako sa practice ko.Pagpunta ko ng school ay agad na akong dumiretso sa soccer field kung saan nag umpisa na ang practice namin...habang nagpa practice ay nakita ko si Scarlett at sakto naman na break muna namin sa practice kaya ayun lumabas muna ako ng field at nilapitan sya
"Good Morning miss Delgado"sabi ko sa likod nya at lumingon naman sya
"Ay ikaw pala Andrei"sabi nya sabay ngiti,agad ko naman syang hinatak sa kamay at lumabas kami ng school at pumunta muna kami sa 7/11
"So anong gusto mo kainin?donuts or hotdog with buns???" Tanong ko sa kanya
"Ahm...itong donuts na lang"sabi nya,kaya ayun sinabi ko sa kanya na hintayin na lang ako dun sa table sa labas,pagka alis ni scarlett ay binili ko na yung mga donuts,matapos kong mabayaran yun ay lumabas na'ko at pinuntahan ko na si scarlett dun sa pwesto nya at umupo na
"Andami naman nito Andrei"sabi nya habang nakatingin dun sa loob ng Paper bag,ngumiti naman ako
"Don't worry, dalawa naman tayong kakain nyan"sabi ko sa kanya
"Gutom na gutom ka ba?"sabi nya sabay tawa mg mahina
"Ahm medyo...alam mo naman takbuhan dun sa field"sabi ko sa kanya
"Sa bagay...nga pala gusto ko manood ng practice mo mamaya since maaga pa naman"sabi nya kaya naman di ko agad nakagat yung hawak kong donut,at napatingin lang ako sa kanya
"Uy Andrei?ok ka lang??"sabi nya habang nagwa wave sa harap ko
"(Natauhan)ay oo ok lang ako"sabi ko sabay kagat dun sa donut ko
"Ba't nga pala wala yung mga kaibigan mo??"tanong nya
"Eh mamaya pa sila darating"sabi ko sa kanya...anyway matapos namin kumain ay bumalik na kami sa field and this time kasama ko si scarlett...kaya naman pinagbutihan ko ang practice namin kasi ayoko mapahiya sa kanya,pero sa hindi inaasahan ay biglang na mali ang apak ko dahilan para ma sprain ang paa ko at napahiga ako...nilapitan naman ako ng mga kasama ko
"Drei,ok ka lang??"tanong ng team captain namin at nag nod lang ako at pinilit tumayo pero napa upo ako,kaya ayun imbes na makapag training ay dinala nila ako sa clinic,buti nalang kasama ko si scarlett dun sa clinic...hay yun na sana eh kaso imbes na ma impress sya ay nag alala pa sya dahil sa nangyari sa'kin...anyway may kausap naman si scarlett dun sa labas kaya ayun umupo muna ako sa kama at kumain...
