CHAPTER27:EXPECT THE UNEXPECTED

1 0 0
                                    

Pagdating namin sa hospital ay naabutan naman namin si Mark na kumakain sa Lobby,kaya agad ko syang tinawag habang tumatakbo ako
"Markus!"pagtawag ko sa kanya at agad naman syang napatingin
"Oi allaina andya—"di nya natuloy ang sasabihin nya kasi agad ko syang headlock
"Ackk!allaina"sabi nya habang naka headlock pa rin sya...akala mo ah.
"Ikaw, sabi mo see you tomorrow pero di ka pumasok"sabi ko sa kanya at bumitaw na ako sa pagkaka headlock ko sa kanya
"Ay sorry naman...eh nag alala lang naman ako ng sobra kay grandma eh"sabi nya sabay hawak dun sa leeg nya,Ng makalapit naman sina tobi ay agad na nilapag ni tobi ang bag nya sabay may kinuha
"Oh,ito yung luto namin na menudo"sabi ni tobi sabay abot sya nung baunan...ngumiti naman sya sabay kinuha yun sa kamay ni tobi
"Thank you...wait may dala ba kayo nung luto naming group 2??"sabi nya,kaya naman si scarlett naman ang nag abot ng baunan
"Ayan yung chicken curry oh luto ng grupo natin"sabi ni scarlett
"Wow..chicken Curry"sabi nya sabay ngiti and finally ako naman ang nag abot sa kanya ng niluto namin
"Ito naman ang Pancit bihon na niluto naming group 1"sabi ko sabay binuksan nya yun at inamoy
"Amoy masarap din ito ah"sabi nya...Matapos yun ay umupo na muna kami dun sa upuan ng lobby.Habang nakaupo kami ay tinikman na ni Mark yung mga dala namin,habang kumakain si mark ay agad naman nag tanong si tobi
"Wait...asan sina Drake at Dominic?"tanong nya,nilunok naman muna ni mark yung nasa bibig ny bago sya sumagot kay tobi
"Ah sina kambal?lumabas muna sila ni dom para bumili ng snack" sabi ni mark sabay subo na ulit nung pagkain kaya ayun tumayo muna ako at tumingin naman sila sa'kin
"Oh saan ka pupnta?"Tanong ni tobi sa'kin at tumingin naman ako sa kanya
"Bibili lang ako ng makakain dun sa ministop"sabi ko sabay lakad na muna palabas ng hospital.Bigla naman akong nagulat ng akbayan ako ni mark
"Samahan na kita...may bibilin din ako eh"sabi nya sabay ngiti sa'kin kaya naman nag roll eyes na lang ako at hinayaan na lang sya,habang naglalakad kami ay nasalubong namin sina Drake at Dominic
"Oi,saan kayo pupunta?"tanong ni Drake,Anyway nakita ko na meron syang hawak na dalawang paper bag na malaki
"Ano laman nyan Drake?"tanong ko sabay turo dun sa hawak nyang paper bags
"Ah ito ba?cravings ni Grandma"sabi nya kaya naman nag nod ako sa kanya
"Saan nga pala kayo pupunta ni Mark?"tanong nya at ngumiti naman si Mark sa kanya
"Dun lang kami sa Mini Stop...bibili lang ng Makakain"sabi ko at nag nod lang din sya sabay lumakad na kami papunta dun sa pedestrian lane patawid dun sa mini stop sa may tapat ng hospital.Ng makatawid na kami ay agad na kaming pumasok dun sa Convenience store at nagulat ako ng makita ko si Autumn dun,kaya naman agad akong lumapit sa kanya at kinalabit sya
"Oi Autumn"sabi ko at agad naman syang tumingin sa'kin at parang nagulat pa dahil nakita nya si Mark
"A-andyan pala kayo...."utal nyang sabi.Napatingin naman ako dun sa binili nyang maraming snacks tapos bumalik ako ng tingin sa kanya....
*AMETHYST CLAIR

Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig pagkakuha ko ng tubig ay umupo muna ako dun sa upuan at nag check ng cellphone ko,hay wala namang bago kaya nilagay ko na lang ulit sa bulsa ng palda ko ang cellphone sabay dinala ko na lang ang tubig ko sa kwarto...pagpasok ko sa kwarto ay nilapag ko na muna yung tubig dun sa side table ko at humiga muna ako sa kama...ba't kaya nagmamadaling umalis si autumn kanina?may pupuntahan kaya yun? Anyway nagpalit muna ako ng damit ko sabay lumabas ako ng bahay para maglakad lakad muna sa labas.Nagpunta ako ng playground para naman malibang ako,pagpunta ko ng playground ay umupo muna ako dun sa swing at naglagay ng earphones sa tenga ko at nagbasa muna ako...habang nagbabasa ako ay may kumalabit sa'kin at agad naman akong lumingon
"Ikaw pala Adam"sabi ko sabay tanggal ng isa kong earphone
"Ano ginagawa mo dito mag isa?"sabi nya sabay umupo sya dun sa isang swing
"Wala naman...naisip ko lang na lumabas muna:"sabi ko sa kanya sabay sinara ko yung librong binabasa ko
"Di nasagot si Autumn sa tawag ko"sabi ni adam sabay sipsip dun sa milk tea nya.Tumingin naman ako dun sa milk tea na hawak ni Adam
"Samahan mo nga ako,gusto ko rin ng milk tea"sabi ko sabay tumayo ako at hinatak si adam paalis ng Playground...
****************************************************************************
"Mmm!sarap talaga ng milk tea"sabi ko ng nakangiti tumawa naman si adam
"Gustong gusto mo talaga ang milk tea ah"sabi nya sabay sipsip dun sa milk tea nya,habang naglalakad kami ay biglang huminga ng malalim si adam kaya naman tinignan ko sya
"Ok ka lang bes?parang lalim ng naisip mo bigla ah"sabi ko sa kanya, tumingin naman sya sa'kin
"Eh kasi di ko alam kung tama bang magustuhan ko si Dominic,eh sa mukha nya parang babae ata ang gusto nya...should i give up?"sabi nya
"Ano ka ba...di mo naman malalaman kung di mo sya susubukan,try mo syang tanungin"Advice ko sa kanya nag smile naman sya sa'kin sabay nawala din...naku mukhang mas malaki pa ata ang problema ni adam kesa sa'kin ah...anyway umupo na muna kami dun sa table na nasa labas ng milk tea shop.Kailangan kong mag isip ng paraan para naman sumaya si Adam
"Ba't kaya di tayo mag mall?"tanong ko sa kanya,tumingin naman sya at nag nod lang,so ayun tumayo na kami at sumakay ng taxi papunta sa mall...
At ng makapunta kami sa mall ay agad na kaming pumunta sa dept store para tumingin ng damit na maganda,Tumingin naman ako kay adam na naka simangot pa rin ang mukha kaya
"Ahm...siguro dun na lang tayo sa Arcade"sabi ko sabay hila sa kanya palabas nung bilihan ng damit.Maya maya ay nakarating na kami sa Arcade
"Ba't tayo andito??"tanong ni Adam sa'kin at ngumiti naman ako sa kanya sabay hinila ko sya dun sa 'Just Dance' at nagsayaw kami,at matapos yun pumunta kami sa food court para kumain.Habang andun kami ni adam sa foodcourt ay nakita kong dumaan si Lenalee at kasama nya yung lalaki kanina dun sa kitchen
"Adam,si lenalee yun diba??"sabi ko sabay turo,kaya tumingin din si adam habang may kagat kagat syang donut...sabay bumalik sya ulit ng tingin sa'kin,kaya naman agad kaming tumayo at lumabas dun sa food court para sundan yung dalawa...anyway sinundan namin sila at dun lang naman sila pumunta sa dept store.Tumingin naman sa'kin si adam
"Ano kayang gagawin nila?"Nagtatakang sabi ni adam kaya naman nag kibit balikat ako
"Sundan nalang muna natin sila kung saan sila pupunta"sabi ko sabay medyo lumakad kami palapit sa kanila para marinig namin ang pinag uusapan nilang dalawa...Habang nakatago kami dun sa mga nakasabit na damit ay nagulat kami ng biglang may magsalita
"Ma'am,Anong hanap n—"di na nya natuloy ang sasabihin nya dahil napatayo kami
"Whaaaaaa!"sabay naming sabi ni Adam kaya naman napatingin sina lenalee sa'min
"Amethyst?Adam?"sabi nya sabay lapit sa'min...kaya ayun dahil nga sa nakita na nya kami ay ngumiti na lang kami sa kanila habang naka hawak sa batok namin.
"Sinusundan nyo ba kami?"tanong ni Lenalee sa'min at ayun umiling kami...
"Since andito naman ang friends mo lenalee,ba't di na lang natin sila isama"suggest nung kasama nya,kaya ayun pumayag na lang sya na sumama kami ni Adam sa kanila...Habang nag lalakad kami ay napa tingin ako kay lenalee at nakita ko na parang naiilang na sya dun sa kasama nya,Hay ba't naman kasi nahuli pa kami nung sales lady eh ayan tuloy ang awkward sa kanila....

*AUTUMN AISAKA

"Ba't ka andito Autumn Aisaka Yakawa?At tsaka ba't Andami mong binili?"Tanong ni Allaina sa'kin habang nakalapit ang mukha sa'kin....
"A-ahm...bumibili lang ng stock sa bahay??"palusot ko,nagtaas naman sya ng isang kilay habang naka squint ang mga mata nya
"Dahilan mo...Siguro dadalawin mo yung grandma nila Drake no"Sabi nya pero naka squint pa rin ang mata nya...kaya naman medyo hinawi sya ng kakambal ni Drake
"A-Hay pagpasensyahan mo na lang si Allaina ah...by the way if you want to visit grandma,she's with Drake right now"sabi ni Mark habang nakangiti sa'kin sabay hinawakan nya si Allaina sa balikat sabay tulak sa kanya paalis...Pagka alis nila ay lumabas na rin ako ng Mini stop at tumawid na'ko papunta sa hospital.Pagpasok ko ay medyo nanigas ako sa kinatatayuan ko kasi nakita ko yung mga kaibigan nila Drake dun sa lobby,Kaya ayun lumunok muna ako bago ako nagpatuloy sa paglakad. Pagdaan ko sa kanila ay agad naman nagsalita si tobi
"Si Drake ba hanap mo?andyan sya sa loob"sabi nya sabay turo dun sa pinto kaya naman ngumiti na lang ako sa kanya at pumunta na dun sa tapat ng pinto at humawak sa doorknob...bago pa man ako maka katok ay inunahan na ako ni luna
"Drake...may bisita dito sa tapat ng pinto"sabi ni luna sabay katok dun sa pinto,at agad naman sya sumagot mula sa loob nung kwarto
"Pasok ka na"maikli nyang sabi kaya naman binuksan ko na yung pinto at pumasok na sa loob.Pagpasok ko ay agad tumingin si Drake sa'kin
"Oh Ikaw pala Autumn"sabi nya sabay ngiti,kaya naman yumuko ako para di nya mahalata na nagblush ako,Anyway nilapag ko na yung mga binili ko dun sa side table,umurong naman ng konti si Drake para dun ako umupo sa tabi nya...Pagka upo ko ay hindi na muna ako nagsalita at pinanood na lang muna kung pano alagaan ni Drake yung grandma nila at napangiti ako kasi nakikita ko na sobrang love nya yung lola nila.At nagulat naman ako ng bigla akong tignan ng lola nila at bigla syang ngumiti sa'kin...wait ano yung pinakakahulugan ng lola nila?.....

Vanderson AcademyWhere stories live. Discover now