*ALLAINA IRIS
"Ok class pass your paper finish or not"pagkasabi nga nung teacher namin nun ay pinasa na namin ang mga papel namin sa unahan...nga pala math ang unang subject namin ngayon,anyway matapos namin maipasa ang mga papel namin ay lumingon sa'min sina Mark at Drake
"Natapos mo Laina??"tanong sa'kin ni mark...bilang sagot ay pinakita ko sa kanya yung solution na ginawa ko
"Ah good...buti naman nagsisipag ka na allaina"Pang aasar ni Mark sa'kin kaya ayun pinalo ko sya ng mahina sa braso at nagtawanan kami ni mark,nawala naman bigla ang tawa namin ng magsalita sina Drake at scarlett
"Ha?mali pala yung gawa ko dun sa number 4?"sabi ni Scarlett habang tinitignan yung papel nya
"You put this number here...then you multiply it?"pagpapaliwanag ni Drake kay scarlett.At bago pa sila magkagulo dun sa maling sagot ni Scarlett ay umepal na kami ni Mark
"Oh tama na yan...mali na kung mali"sabi ko kay scarlett.hay ewan ko ba kung bakit isang number lang na mali napaka big deal sa dalawang to,anyway para naman maiba ay tumingin naman ako dun sa nakaupo sa likod na sina Luna at Tobi
"Oi,ba't kayo napagalitan kanina ni ma'am?"pabulong kong tanong kasi naalala ko na andito pa si ma'am avrella,tumingin naman si tobi
"Wala lang yun...may binulong lang si Luna sa'kin kanina"sabi ni tobi sabay tingin ulit dun sa papel na dino double check nya,magsasalita pa sana ako ng biglang umentra yung teacher namin
"Ok class lahat ba ng papel andito na?"tanong nung teacher
"Oi tobi at luna bilisan nyo dyan at ipapasa na yan kay ma'am"sabi ko at buti na lang ay natapos silang dalawa bago pa man mag bell.At ayun nagpaalam na yug teacher namin sabay lumabas sa classroom namin
"Guys,game ba kayo sa weekends?"tanong ni tobi sa'min
"Oh anong meron sa weekends?"tanong ko sa kanya ng may pagtataka
"Pupunta tayo sa naghihilot at papahilot ka namin allaina para naman tumangkad ka"Pang Aasar ni Mark kaya naman dinikitan ko si Mark sa noo ng Sticky note na may X
"Anong meron sa weekend Tobi??"tanong ni Scarlett
"My parents just bought a new beach house,so they want me to be the first to experience that,so i want you all to come with me"sabi nya at napangiti naman ako dun sa sinabi ni Tobi
"Talaga Tobi?beach house?sasama ako"excited kong sabi
"Sure,wala din naman kami magawa ni Drake sa bahay pag weekend" sabi ni Mark habang nakangiti
"Wait...diba sa saturday na rin ang alis ni Dom?"sabi ni luna
"Oo nga no..siguro susunod na lang kami ni mark after namin mahatid si dom sa airport"Sabi ni Drake,habang nag uusap kami ay biglang dumating si sir elliot
"Ok yung susnod na mga grupo lumabas na and yung mga tapos na ay your free for today"sabi ni sir elliot.At ng umalis na ang mga classmate namin ay lumabas na muna kami classroom habang naglalakad ay nauuna yung tatlong lalaki at nasa likod naman kami at habang nagla lakad kami ay biglang sabi ni Luna
"Guys may pag uusapan lang kami nila allaina at mauna na kayong tatlo"sabi ni luna dun sa boys kaya naman nag nod nalang si mark at umalis na sila...kami naman ay naiwan dun sa hallway ng classroom namin at sumilip na muna kami dun sa veranda
"Oh ano ba yang sasabihin mo luna??"tanong ko sa kanya,Lumunok na muna sya bago magsalita ulit
"EH kasi meron akong guy na gusto"kwento ni luna sa'min ni scarlett
"Oh sino naman yang crush mong guy?"tanong ni Scarlett
"A-ahm...basta"ayan nalang ang sabi nya sa'min
"Wait si tobi yang gusto mo no?"Pang aasar ko sa kanya
"H-ha?hindi si tobi no...kaibigan natin yun eh"sabi ni luna at ayun nag patuloy sya sa pagkekwento
"EH pano ko ba ipaparamdam sa kanya na gusto ko sya??"tanong nya sa'min.Magsasalita na sana ako ng biglang may umentra
"Buhusan mo ng tubig na ginagamit sa mop"pagkasabi nya nun ay tumingin ako sa kanya
"Oi Andrew Tapos na yun"sabi ko sa kanya pero di nya langa ako pinansin at naglakad na lang pababa ng hagdan.Minsan talaga parang multo yung lalaking yun na bigla bigla na lang sumusulpot,anyway nagsalita naman si Scarlett
"Edi gawan mo sya nung letter tapos ilagay mo sa locker nya"suggest ni Scarlett...habang nag uusap kami ay bigla kong nakaramdan ng gutom
"Guys,alam nyo mag usap nalang tayo habang palabas ng building kasi gutom na'ko at tsaka ngayon lang ang time natin na wala tayong klase" sabi ko kaya ayun naglakad na kami palabas ng building habang pinag uusapan ang boy problems ni Luna,hay minsan na nga lang magkaka crush tong si luna ay di nya pa alam ang gagawin...anyway habang naglalakad kami ay bigla kaming sinalubong nung tatlong lalaki
"Oi,antagal nyo naman bumaba kanina gutom na'ko eh"sabi ni tobi habang nakahawak sa tyan nya,umakbay naman sa kanya si Mark
"Oh diba?gutom na baby brother namin"Pang aasar ni Mark kay Tobi...
"Baby?Baby Damulag kamo"sabi ko sabay tawa...si luna naman ay natahimik na lang sa sinasabi nya kanina.Anyway pumunta na muna kami sa canteen para kumain kasi gutom na nga ang BABY DAMULAG nila drake na si Tobi...*SCARLETT BLOSSOM
At nagpunta na nga kami sa canteen para kumain...habang kumakain kami ay napansin ni Drake na parang malungkot si Luna
"Luna?what's wrong??"tanong ni Drake sabay inom dun sa shake na hawak nya
"(Natauhan)H-Ha?ok lang ako"sabi ni Luna sabay sumubo ng sumubo ng fries nya
"Oi luna dahan dahan lang mabilaukan ka nyan"sabi ni tobi sabay lagay nung juice na iniinom nya sa tapat ni luna...
"Dahan dahan lang bhe"sabi ko sa kanya habang tinatapik ang likod nya.Ano bang nangyayari kay luna?kakausapin ko nga sya mamaya after class,anyway buti na lang at ini offer ni Tobi ang juice nya kaya nakainon si luna at kumalma
"Anyare sa'yo luna??"tanong ni Allaina sa kanya ng may pagtataka
"Ah wala naman...nabilaukan lang ako"sabi nya sabay inom ulit ng juice at habang kumakain na kami ay biglang may lumapit sa'min
"Pwedeng maki table?"sabi nya at napatingin naman kami dun sa nag salita
"Ikaw na naman Andrew?"sabi ni allaina ng pasungit...ngumiti naman si Andrei kaya ayun umusog ako para makaupo sila,si luna naman ay umusog palapit kay tobi at si allaina naman ay dumikit dun sa kambal. Pagkaupo nila ay agad na sabi ni Andrei
"Free ba kayo afterclass??"tanong ni andrei sa'min...medyo nasamid naman si Allaina sa iniinom nyang shake sabay punas ng bibig nya at sabi nya
"Ba't nagtatanong ka?ipapa salvage nyo na ako no"sabi ni Allaina at agad naman sumagot si Andrew
"Kung pwede lang eh,para mapatahimik ka na"cold na pabulong nyang sabi sabay inom dun sa hawak nyang avocado shake,habang nag uusap kami ay dumating naman yung isa nilang kaibigan na si liam
"Andito na ang Fries"sabi nya sabay lapag ng tray na may tatlong fries habang kumakain ay inalok naman ako ni Andrei nung fries nya
"Gusto mo Scarlett?"sabi nya sabay offer sa'kin nung fries kaya naman kumuha ako ng isa at nagulat naman si Andrei ng biglang dumukot si allaina dun sa fries nya
"Penge ah"maikling sabi nya sabay umupo ulit at kinain yung fries na kinuha nya,napa facepalm na lang ako sa ginawa ni Allaina...habang kumakain kami ay napansin ko na ang sweet nung dalawa kasi hindi sila napapansin pero nanonood sila ng mga videos sa cellphone ni Tobi at medyo natatawa pa,Di kaya si Tobi ang tinutukoy ni Luna na crush nya?eh bukod dun sa kambal ay si tobi lang naman ang close nyang lalaki,At napansin din naman sila nung lahat na sila lang masaya at tawa ng tawa dun sa pinapanood nila kaya naman gumawa na ng move si Allaina at Mark
"(clears Throat)ehem naman..baka naman gusto nyong i share yang pinapanood nyo"Pang aasar ni Mark dun sa dalawa,kaya ayun napati ngin silang dalawa sa'min
"Ano yun?"sabi ni Tobi sabay baba nung cellphone habang nakatingin sa'ming lahat...
"Ano ba yang pinagtatawanan nyong dalawa??"tanong ni Drake sa kanila
"Wala mga epic fails lang yun"sabi ni Luna sa sabay inom dun sa juice ni tobi na binigay na sa kanya kanina...matapos namin kumain ay nag lakad na muna kami sa garden ng school kasama sina andrei at yung friends nya...Maya maya din ay umupo na muna kami dun sa bench para magpahinga...
"Hay ang sarap naman tumambay dito sa garden...feels like a fairytale" sabi ni Andrei,kaya napatingin ako sa kanya sabay tawa ng mahina so ayun tumingin sya sa'kin
"Fairytale?Seriously Andrei??"sabi ni Allaina dahil narinig nya si andrei
"Oi,maganda kaya manood ng Fairytale"sabi naman ni Luna
"Oo nga...di lang naman pang babae ang fairytale eh"pag dagdag naman ni tobi dun sa sinabi ni Luna
"Di naman masamang manood ng fairytales no"sabi naman ni Liam sabay ngiti
"Ang corny nyo"sabi ni Allaina sabay tawa at bigla naman sumagot si Andrew sa kanya
"Palibhasa 13 ka palang nanonood ka na ng mga anime na may bastos" walang emosyon na sabi ni Andrew.Naging masaya kami kasi kahit di kami nagkakausap sa classroom ay close naman kami pag nasa labas ng room...Makalipas ang Ilang oras ay tumunog na ang bell kaya tumayo na kami at lumabas ng garden,habang naglalakad ay bigla akong kinalabit ni Andrei at pagtingin ko ay may hawak na syang bulaklak kaya naman ngumiti ako sa kanya sabay kinuha ang bulaklak sa kamay nya at magkatabi kaming naglakad pabalik sa room,Pagbalik namin sa room ay nagulat kami kasi may teacher kaya nagmadali kami na bumalik sa upuan namin...pero di sya nagturo at nag abot lang ng hands out sa'min para sagutan as assignment para sa'min...
