Clueless...clueless talaga ako dun sa pag ngiti ng lola nila drake at kung bakit nya ako nginingitian?anyway matapos asikasauhin ni Drake ang lola nila ay tumabi na sya ulit sa'kin sabay tumingin ako sa kanya at tumingin din sya sa'kin
"Do you wanna go Outside?get some air?"tanong nya sa'kin
"How about your Grandma??"tanong ko sa kanya,nag shrugged naman sya sabay sabi
"Don't worry,pabalik na rin naman sina allaina at mark eh"sabi nya sabay tumayo sya at ini offer ang kamay nya.Kaya naman humawak ako sa kamay nya sabay tumayo
"Tara"maikli kong sabi sa kanya sabay nagpaalam muna sya sa lola nila,matapos yun ay lumabas na kami dun sa kwarto
"Oh Saan punta nyo Drake?"salubong na tanong ni tobi kay drake
"Ahm...lalabas lang kami saglit and also tell markus that its his turn to take care of grandma"paalala nya dun kay tobi ngumiti naman si Luna sa'min
"Ingat kayo ah...enjoy"sabi nya sabay wave sa'min.Anyway naglakad na kami palabas ng hospital
*****************************************************************************
Pagkalabas nga namin sa hospital ay pumunta kami ni drake sa park na malapit lang,at dun umupo muna kami sa bench habang kumakain ng ice cream,Habang magkatabi kami ay walang kahit sino sa'min ang may balak mag umpisa ng topic.Eh ako nalang kaya mag start ng topic?anyway tumingin ako sa kanya at magsasalita na sana ako ng bigla din syang tumingin sa'kin sabay
"Gusto mo dun sa may bridge?"sabi nya ng nakangiti,kaya ayun tuma himik na lang ako at ngumiti sabay nod...Tumayo na kami at naglakad na papunta dun sa bride na pa arc shape,Ng makarating kami ay sumilip kami dun sa baba kung saan makikita ang mga koi fish na may iba't ibang kulay.At dahil nga dun ay ngumiti ako sabay kuha ng phone ko at pinicturan ko yung mga isda,Then bigla naman nagsalita si Drake
"Can you take a picture of me on this bridge?"request nya...at ayun umatras muna ako para makakuha ng magandang angle nya,at pag atras ko pa ay bigla akong nadulas kaya naman napaupo ako sa lupa at agad naman lumapit si Drake sa'kin
"Are you Ok??"tanong nya sabay tinulungan nya akong tumayo,pagka tayo nya sa'kin ay pinagpag nya yung damit ko...kaya bigla kong sabi
"It's fine...hindi naman masyadong nadumihan ang damit ko eh"sabi ko sa kanya sabay itinapat ko ulit ang phone ko sa kanya
"What is it?Are you gonna continue taking pictures of me?"sabi nya ng may pagtataka at ngumiti naman ako sa kanya
"Oo naman..so pumunta ka na dun sa bridge at ireready ko na yung camera angle"sabi ko kaya naman napangiti sya sa'kin at lumakad na sya papunta dun sa bridge...matapos ko syang picturan ay sya naman ang kumuha ng phone ko sabay kinuhaan ako ng picture.Matapos yun ay marami pa kaming pinuntahan na mga pwesto dun sa park at nag picture,at ng makaramdam kami ng pagod ay umupo na muna kami dun sa damuhan at dun nagpahinga...humiga naman si Drake dun sa damo at ako naman ay nakaupo lang,Tumingin naman ako kay drake na kasalukuyang nakapikit dahil liwanag ng araw na nakatapat sa mukha nya at di ko alam na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya,kaya ayun agad akong umiwas ng tingin at tumingin na lang dun sa mga dumadaan na tao,then bigla naman tumunog ang phone ko kaya naman napabangon si Drake at tumingin sa'kin
"Sino yan??"tanong nya habang medyo nasisilaw pa rin dun sa araw
"Ahm...si amethyst lang,I will just answer it"sabi ko sabay lumayo muna dun kay Drake...hay ano kaya ang itinatawag ni Amethyst??.....*KAYLEE
"BHEEE....Anong meron sa inyo ni Aiden?"
"Oo nga Kaylee,ba't nga pala kayo biglang nag ceasfire??"
"BHEEEEE Sumagot ka namaaaaaan!"
"Kaylee naman...di ba wala tayong taguan ng secret?"Ayan lang naman ang naririnig ko sa mga kaibigan ko habang nag lalakad kami papunta dun sa convenience store pero deadma lang ako sa kanila,kasi alam kong pag sinabi ko sa kanila ay ibi BIGDEAL pa nila yun...anyway pagpasok namin dun sa convenience store ay napatigil ako kasi nakita ko si Aiden,nagulat naman ako ng biglang may tumabi sa'kin at nagsalita
"Oh bhe...tadhana nga naman,andito din pala si Aiden?"Pang aasar ni Phoebe,Bigla din naman tumabi si Hailey sa kabila ko
"So,sasabihin mo ba o Kami na magtatanong kay Aiden??"sabi ng isa ko pang kaibigan na si Hailey
"Ba't nyo ba gustong malaman?wala lang naman yun"sabi ko sabay roll eyes sa kanila habang naka crossarms...Habang nag uusap kami ay bigla na lang may tumawag sa'kin
"Kaylee!"Pagkatawag nya ay dahan dahan akong lumingon sa kanya
"A-A-Aiden?"sabi ko...anyway ngumiti naman sya sabay lapit sa'min
"OH,andito pala kayong tatlo"sabi nya at ngumiti naman si phoebe sa kanya
"Hi Aiden...may itatanong lang ako"sabi ni phoebe sabay lumapit sya kay Aiden..hay naku mukhang itatanong ni Phoebe ang dahilan ng ceasfire namin...anyway bago pa man ako makapigil sa kanila ay bigla na lang may nagsalita
"AIDEEEEEEN!"sabi nung misteryosong babae sabay pagkalapit nya ay pinisil nya ang pisngi ni Aiden na ikinatuwa naman ni Aiden at pinisil din naman ni Aiden ang dalawang pisngi nung babae kaya naman para matigil sila ay umentra na si Phoebe
"(clears throat)ehem"Napatingin naman silang dalawa dun kay Phoebe
"Ahm..guys this is minnie my childhood friend"pagpapa kilala nya dun sa kasama nyang mukhang pabebe na ewan.Pagkapakilala nya dun sa minnie ay kinuha na naman nung babaeng yun ang atensyon ni Aiden... agad naman akong tinabihan ni phoebe at bumulong
"Gusto mo Itumba ko na yang minnie na yan?"bulong nya at tumingin naman ako kay phoebe at umiling,anyway agad naman akong nagsalita
"(clears throat)Ehem...Aiden aalis na kami ah"Paalam ko sa kanya
"Ha?eh kakapasok nyo lang ah"Sabi nya,nag fake smile naman ako sa kanya
"Wala pala dito yung gusto kong kainin"sabi ko ng naka crossarms sabay tumingin ako dun sa minnie sabay roll eyes at tumalikod na sa kanila at lumabas ng convenince store...Baket parang naiinis ako na parang gusto kong manabunot?
***************************************************************************
"Nakakainis!akala mo sobrang ganda,eh pangalan naman nya pang daga"
"Akala mo kung sinng sobrang ganda...eh di naman,eh kasi nga yung pangalan nya bagay sa kanya...mukha syang daga"
******"Bhe?"***********
"Akala nya siguro sobrang ganda nya"
*******"Bhe...Kaylee?*****
"Akala mo talaga ang ganda eh,may pa pisil pisil pa ng pisngi"
At bago pa man ako makapag salita ay sinampal ako ni Phoebe kaya naman agad akong natauhan at napahawak sa pisngi ko habang naka tingin kay phoebe
"Ano ba yun phoebe?Makasampal ka wagas ah"sabi ko at nagtaas isang kilay naman naman si Phoebe
"Bhe,kung ano anong nirarant mo dyan tungkol dun sa minnie mouse na yun"sabi ni phoebe sabay inom dun sa juice nya
"Ha?like what?ako?hindi naman ako nagagalit..."sabi ko at tumawa naman ng mahina si Hailey
"Nagseselos ka ata dun sa Minnie eh,hay Kaylee parang dalawang araw mo pa lang nakakausap yan si Aiden na attach ka agad?"Sabi ni hailey sabay inom dun sa Frappe nya,nagtaka naman ako kasi may ini inom silang dalawa
"Wait ba't kayo umiinom ng juice at Frappe?nasan ba tayo?"tanong ko at nagtinginan naman sina phoebe at hailey sabay sabi ni Hailey
"Sa kaka rant mo kasi nagulat kami ng bigla kang pumasok dito sa Frappe shop"sabi ni Phoebe at nagulat naman ako ng bigla akong maka kita ng frappe dun sa harap ko,kaya naman agad ko yung ininom at tumingin sa iba para naman di na'ko mapahiya sa harap nung dalawa.. Naku ba't ba bigla akong nagrant tungkol dun sa minnie na yun?wait nagseselos ba ako?No way!anyway ng mapatingin ako dun sa dalawa ay bigla silang ngumiti sa'kin
"Oh ano naman yang tingin nyo?"tanong ko sa kanila at nagtawanan naman silang dalawa at nakatingin lang sa'kin,until magsalita silang dalawa ng sabay
"When Jealousy Strikes on Kaylee Mariano"sabay nilang sabi sabay tawa...
"Nakakatawa"maikli kong sabi sabay roll eyes sa kanila at tumingin na lang sa cellphone ko para naman makaiwas na'ko sa pang aasar nung
Dalawa sa'kin...hayst nakakainis na talaga ang dalawang to.....*AIDEN AXEL
Dahil nga sa mahilig tong si Minnie sa frappe ay dinala ko sya dun sa nag iisang frappe house na malapit dito sa school.Pagpasok namin ay agad akong napatingin dun sa nagtatawanan na nakaupo malapit sa pinto kaya naman napangiti ako at lumapit kami sa kanila
"Hi phoebe,hi hailey"pagbati ko sa kanila at ngumiti naman sila,at agad naman napatingala yung kasama nila
"Aiden!ikaw pala"Sabi ni Kaylee,magsasalita pa sana ako ng biglang sumingit si Minnie
"Tara na Aiden order na tayo"sabi nya sabay hila sa'kin papunta dun sa order station...habang umu order kami ay nakikita ko na sumusulyap si Kaylee sa'min kaya naman napangiti ako.Matapos namin umorder ay inaya ko si Minnie na maki table kina Kaylee,Pagka upo namin ay nagti tinginan sina Phoebe at Hailey,so i just smiled at them
"So...kaylee,i didn't know na favorite mo rin pala ang Frappe"sabi ko at nag roll eyes lang sya
"Eh lahat naman pwede uminom ng frappe"pataray nyang sabi kaya naman ngumiti nalang ako
"Ang rude naman sumagot..."sabi ni Minnie kaya bigla syang tinignan ni kaylee
"Atleast di ako pabebe"sabi ni kaylee sabay tumayo sya sa upuan nya
"Aalis na kayo kaylee??"tanong ko sa kanya at tinignan nya ako ng parang nung una kaming nagkita
"Oo,busog na kasi kami eh"Sabi ni kaylee sabay lumakad na sya palabas ng store,sumunod naman yung dalawa sa kanya...ano naman ang nangyari dun kay kaylee at sinungitan na naman nya ako ngayon??
