Beyond Reaching You

185K 1.5K 51
                                    

COPYRIGHT © 2013 by demurequeen

ALL RIGHTS RESERVED.

Any part of this story may not be copied, reproduced or transmitted by any means without a written permission to the author.

----------------------------------------------------------------------------------------------

PROLOGUE

Talaga?!

Sa school natin siya nag-aaral?

Hindi makapaniwalang tanong ko sa bestfriend kong si Mag na kasalukuyan kong kausap sa facebook chat. May sinend kasi siya sa'king link na agad ko namang binuksan. Napatitig ako sa screen ng laptop ko habang pinagmamasdan yung lalaki doon sa picture.

Ang gwapo...

See? Sabi ko sa'yo mas gwapo 'yung nahanap ko.

And guess what? Sa school nga natin siya nag-aaral!

Nakita ko pa nga 'yan nung enrollment eh!

Mahabang sagot ni Mag sa naging reaksyon ko. 

So, nasa "CUTEST FACES" pala siya ng unibersidad namin. Kapag napabilang kasi ang picture mo sa facebook site na 'yun, ibig sabihin isa ka sa nabiyayaan ng magandang pisikal na anyo. Hindi na ako magugulat kung napabilang siya dito. Sobrang deserve niyang mapabilang dun.

OH ANO SHINIE MENDOZA?

CRUSH MO NA?

Nakalimutan ko pala na kausap ko pa din siya. Maka - caps lock naman 'tong babaeng 'to, wagas! Pinindot ko ang kanyang chatbox para malaman niya na nabasa ko na yung message niya.

OH ANO SHINIE MENDOZA?

CRUSH MO NA?

Seen 8:09 p.m.

Ganito lang naman kami. Nagtitingin - tingin lang ng kung sino - sinong gwapo. Yung huli ngang lalaki na pinagtripan namin ay galing pang ibang school. Pinagtripan means ini - stalk namin sa facebook. So what? We're singles naman eh. After all, this is only for the sake of fun.

Marco Delos Santos.

Bagay din sa kanya yung pangalan niya. Gwapo din tulad niya. Tsaka yung ngiti niya... pati yung mata.. para na siyang anghel.

Nagulat ako nang biglang may nagpop-up ulit sa may baba ng fb ko.

AY TEH! NAKALIMUTAN KONG SABIHIN...

ARTISTA YAN!

Mabilis na dumapo ang mga kamay ko sa keyboard. Ramdam ko na nga ang paglawak ng mata ko at ang pagbuka ng aking bibig.

"SWEAR?! ARTISTA SIYA?!

Nahawa ako sa pagcaps-lock niya, pasensya naman.

OO TEH!

Hindi naman artistang - artista na sobrang sikat.

Kasali lang siya sa cast nung sikat na programa tuwing hapon sa ABS-CBN! Nagsisimula pa lang ata yung lalaking yan sa showbiz eh.

Sana makita natin siya, Mag! Makasalubong man lang natin sa school!

"Nako, Shinie. Nauna ko na siyang makita. Hahaha!

Kaya lang hindi naman siya ganung katangkaran, sakto lang."

Seen 8:30 p.m.

Inignora ko na lang ang sinabi niya at bumalik sa picture ni Marco. 

"Bakit ka nakatitig sa'kin ha? Nagagandahan ka sa'kin noh?" Nang mahimasmasan ako sa ginagawa ko, napasara agad ako ng laptop. Nako! Nagmukha akong ewan dun ah! Kausapin ba daw yung picture?! 

Inangat ko muli ang top cover ng laptop and once again, that innocent eyes... that boyish smile... captivated me. 

Ang gwapo naman kasi niya.

Tinry kong iadd siya pero dahil nga sa madami na siyang "friends" napunta ako dun sa mga followers niya.

Sabi ko nga, I'm just a mere follower.

Gasgas na siguro pero ako 'yung tipo ng babaeng ordinaryong makakasalubong mo lang sa daan at matapos ang ilang segundo ay makakalimutan mo na ang itsura. Nag - aaral at kasabay 'nun ay umaasa na maranasan ang mahiwagang lagatik ng pag - ibig. At syempre, nangangarap mahalin ng isang prinsipeng almost-perfect. Sino bang hindi diba?

Dati naniniwala ako na walang imposible sa mundo.

Pero may mga nangyari sa buhay ko na nagpabago sa pananaw kong iyon.

Imposible namang mapansin ako ng tulad niya diba?

Naglog-out na ako sa account ko.

Hindi ko alam na... umpisa pa lang ito ng byahe ko. Kumbaga sa isang roller coaster, pinaandar na ang makina ng ride. Hindi ko alam na... simula bukas, mag - uumpisa na ang pagbabago sa aking buhay.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon