Chapter 2

59.3K 755 53
                                    

 CHAPTER 2: UNANG PAG-UUSAP

Pagdating talaga sa lovelife napaka-epic fail ko. Lagi kasi akong nagkakagusto sa wala namang may gusto sa'kin. Kahit ilang umpog ko ng ulo sa pader, wala pa rin eh. Di ko naman sinasadyang magkagusto o magmahal sa lalaking wala namang interes sa'kin.

Madami akong crush lalo na noong high school. Crush sila kasi alam kong hindi ko sila maabot tulad na lang ng pinakamatalino sa batch namin, yung pogi kong senior na may girlfriend, yung MVP sa sportsfest namin pati yung pinakamagaling sumayaw sa dance workshop na inenroll-an ko noon.

Mga lalaking alam kong hindi mapapansin ang tulad ko. At tama nga ako.

May mga lalaki naman akong minahal.

Nandun yung simula grade 6 hanggang third year, umaasa akong mahalin niya din ako kahit nakadalawang girlfriend na siya noong mga panahong iyon. Alam niya na din na may gusto ako sa kanya. Inamin ko through text pero ano pa nga bang ine-expect ko? May nililigawan siya so I was turned down. 

Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako aamin ng nararamdaman sa kahit sinong lalaki. He will be the first and wishingly, the last. Ngunit akala ko lang pala yun dahil may dumating pang isang lalaki sa buhay ko. 

Palabiro siya at ka-CAT mate ko pa. Natatawa nga ako sa kanya kasi KPOPer siya kahit na siya'y lalaki tapos kahit natutulog lang siya sa klase parang milagro namang ang tataas ng grado niya pero, hindi tulad ko, wala siya sa best section. Naging kaklase ko lang siya nung first year pero hindi ko naman siya ganung pinagtuunan ng pansin kasi nga may mahal pa akong iba ng mga panahong iyon.

Sikat din siya kasi part siya ng student body. He's the Student Council Secretary.

Siguro dahil nga sa napapatawa niya ako kaya gumaan ang loob ko sa kanya at sa huli'y nagustuhan ko na din siya.

Hindi ko naman inamin sa kanya na gusto ko siya pero kumalat yun at nagpapasalamat talaga ako sa mga madadaldal kong mga kaklase. Halata ba ang sarcasm sa sinabi ko?

Nung prom, dalawang beses niya akong sinayaw. Nakakakilig ba? 'Yan ang naramdaman ko nung time na 'yun pero habang iniisip ko na siya ngayon parang ang sarap batukan nung dating ako. Oo, sinasayaw niya ako pero 'yun ay kapag kinakantiyawan lang siya ng mga kaklase ko.

Kapag tinutukso kami. 

Alam niya sigurong may gusto ako sa kanya kaya kahit ayaw niya - as a respect na din siguro - sinayaw niya pa din ako. Kapag naaalala ko yun, naiinis ako. Nagpaniwala kasi ako at nag-assume masyado.

Akala ko dahil gusto niya din. 

Hanggang malaman ko na may iba pala siyang gusto. 

Yung gusto niya pa ay yung tinuturing kong nanay at kaibigan sa section ko. Syempre, alam niya na may gusto ako dun sa lalaki pero kahit ayaw niya naman dun, hindi ko pa din maiwasang masaktan at makaramdam ng insekyoridad.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon