Chapter 15

30.1K 410 22
                                    


CHAPTER 15: DREAM TO REALITY

Dati nangangarap lang ako na mahawakan man lang ang crush ko. Sinasabi ko noon na makausap lang o kaya hawakan lang ako ng lalaking pinapangarap ko, pwede na akong mamatay. BUT NO! AYOKO PALA!

Gusto kong maranasan pa ito ng ilang beses.

Ano ba 'tong pinagiisip ko! Lihim akong umiling - iling sa utak ko.

Pinagmasdan ko na lang ang likod ni Marco. Nagwowork-out din siya. Halata sa katawan niya pero hindi tulad ni Jeremy na may pagkabulky, yung sa kanya sakto lang. Lean and well-built.

Masasabi kong sa lahat ng mga naging crush ko, siya ang pinakagwapo.

Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napatigil din ako. Ramdam na ramdam ko ang paghiwalay nung mga daliri niya sa pulsuhan ko. Ang weirdo ko na! Pati 'yun napapansin ko?! May parang bumara sa lalamunan ko nang unti-unti siyang humarap sakin.

Sumandal siya dun sa may railings sa gitna ng SM, nagcross-arm at medyo binend ang isa niyang paa. Geez! Meron bang photoshoot dito?! Hidden camera or what?! Nakapose na siya dito oh! Mo-model ng railings?! Parang nagkaroon ng hustisya 'yung itsura nung boring na part ng SM which is 'yung side ng may railings, nung dumikit siya dito!

Nabubuang na nga siguro talaga ako! Idagdag mo pa ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang batok at tumawa ng mahina. TUMATAWA SIYA SA HARAP KO. TAPOS ANG ITSURA NIYA PA PARANG NAHIHIYANG BATA HABANG PANAKA-NAKA AKONG TINITINGNAN!

Calm down, Shinie. Calm down!

"Sorry, Shinie. Alam kong mali na ilayo kita sa mga kaibigan mo." Kanina lang nakatingin siya sa'kin pero ngayon nasa gilid ang mga mata niya na parang may tinatanaw sa malayo. "Kaya lang.. ayoko lang kasing nakakakita ng ganun. Lalo na't kakilala kita."

"Ha?" Di ko siya gets o hindi lang maproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya? Kasi.. that is the longest sentence that he had said to me.

"Alam mo yun.. Kanina kasi parang left-out ka na sa kanila tapos mangiyak-ngiyak ka na dun sa dulo."

Napayuko ako sa sinabi niya. Dahil na din siguro sa hiya kasi nakita niya pala 'yun. Ganun na pala ang itsura ko kanina. Dahil sa dalawang yun, para na akong kawawa.

"Sinasadya ba nila 'yun?" pagpapatuloy niya.

Siguro nga. Siguro nga sinasadya nila 'yun. Alam naman nila na masasaktan ako sa gagawin nila pero hanggang ngayon pinagpatuloy pa rin nila! Hindi na sila nahiya! Tinuring ko pa naman silang mga kaibigan! Lalo na si Chantal... na tinuring ko na ding kapatid. Ang sakit. Sobrang sakit.

"H-hindi."

Ayoko pang magsalita ng mas mahaba pa dyan kung ayokong may tumulo pa sa mga mata ko. Ang hapdi na nga ng mga ito dahil sa kakapigil ko.

"Am I that ugly?"

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya, nakanganga akong napatingala sa gwapo niyang mukha. Pa-paano niya nasasabi yan?! Ano daw?! Tinatanong niya ba ako kung panget siya?! NO WAY!

"H-HA? Ano.. Ba-"

"Lagi ka kasing nakayuko, hindi makatingin sakin o kaya lagi kang umiiwas na tingnan ako. Ganun ba ako kapanget sa mga mata mo?"

'Yung paraan niya  ng pagtitig sakin.. ang amo-amo. Talagang nagtataka siya at halata mong gusto niyang malaman ang kasagutan. Walang halong biro. At pakiramdam ko natutunaw na ako sa titig na ginagawa niya sa'kin. Ang sarap din isigaw sa kanya na, "HINDI! WALA KAHIT SAANG BAHAGI NG KATAWAN MO ANG PANGET! H-HINDI LANG TALAGA AKO MAKATINGIN SAYO KASI.. KASI MASYADO KANG GWAPO SA MGA MATA KO."

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon