FAQS

37.8K 695 113
  • Dedicated kay All BRY readers
                                    

I CAN'T BELEB ET! Tapos na din ang Beyond Reaching You. Super duper ultra mega THANK YOU sa mga nagbasa, sumuporta, naghintay sa makupad na updates, mga hindi nagsawang pinduting ang VOTE button pati na din sa mga heartwarming comments!!!

Ayun, may tradisyon kasi ako na minemention ko talaga sa dulo yung mga taong nakilakbay sa kwento ko-sa kwento ni Shinie! Kay @iamtraLala, @dakilangmakulit, @chantine,@iambeingproductive,@Lonely_Pink! Sila talaga yung walang palya kung magcomment! Grabe, as in guys, sobrang natatouch talaga ako everytime na nababasa ko comments niyo. T_T HUGS AND KISSES FOR ME!

Sa aking sister na si @faealmero. Kahit silent reader lang siya, ramdam ko ang suporta niya! Maraming salamat teh! PUNTA KA NA SA MAYNILA!:**

At syempre sa mga abangers, haha! Deehh sa mga nainspired talaga ako magsulat. Yung tipong nawawalan na ako mag-update pero bigla na lang ako mabubuhayan dahil bigla na lang silang magmemessage o kaya magcocomment ng may pagkamahaba! :"> KINA @viochelzy, @noelleaud, @blanknote, @mjaevv..

At sa aking critic, ang dakila kong kasabay lagi pag-uwi HAHA! @SAIAMARA! OY! Nilulumot na yang stories mo sa drafts! Ipublish mo na yaaan!

Pati sa aking pinakamamahal na si @disasterellina na sobra sobrang miss ko na. Naalala ko pa, nagtext pa talaga siya sakin para sabihin kung gaano siya kinilig sa story na ito. MISS NA KITA TEH! :"">

SO FOR THE QUESTIONS, hindi ko na sasabihin kung sino mga nagtanong nito pero ito yung mga natanggap ko.

 

1. Artista ba talaga sa totoong buhay si Marco Delos Santos?

YES. Totoong may gwapong nilalang slash artista sa unibersidad na pinapasukan ko. Kaya lagi akong inspired pumasok eh! Haha! No joke, meron talagang artista samin pero nagpapart time part time lang naman siya kaya hindi pa siya gaanong sikat. Hindi rin siya dinudumog ng mga kababaihan dun kasi kahit papano may mga delikadeza naman kami. Pero SWEAR! ANG GWAPO NIYA!

2. Anong scenes po dyan ang true to life?

Unang-una, totoo yung karanasan dyan ni Shinie yung tungkol kay Jeremy at Chantal. As in totoo lahat, though may mga shinort cut na ako pero based from experience talaga yan-my experience. Ay! Pwera din pala sa nagbati silang dalawa ni Jeremy, hindi totoo yun kasi hanggang ngayon hindi pa din kami nagpapansinan. But I guess, some things are better left unmoved. Hindi na pinapakealaman. At hindi na ginagawan ng paraan para maayos. Siguro in time..

Yung kay Marco, hindi ko pa siya nagiging kaklase as in! Pero yung part na nagpakita siya ng abs sa buong klase dahil sa sinabi ng prof, totoo yun! Kinuwento sakin ng mangisay-ngisay ko na kaibigan. Then, yung description ko kay Marco, ganun na ganun siya. Syempre dakilang stalker, dakilang taga-titig. 

SOBRANG BAIT DIN NI MARCO IN REAL LIFE! As in ngitian mo lang, ngingiti na din siya sayo. Hay grabee, hanggang ngayon nga wala pa din yung gf kasi uunahin pa daw niya ang pag-aaral at ang kanyang career.

Ano pa ba..

Totoo si Mimi, Mag, Greg, Ron, Dimple, Bea..

Si Mimi.. kaklase and super close friend ko sa Bio. Magkablock kami at kahit na hindi na kami ngayon magkaklase, magkaibigan pa din kami kasi sobrang loyal niya. Yung mga sinabi niya kay Shinie noong umiiyak ito? Totoo yun, eksaktong words pero yun nga lang.. hindi talaga siya yung nagsabi. Actually, lalaki ang nagsabi sakin nun. A guy who is full of wisdom pagdating sa ganyang bagay. Sa kanya nanggaling yung tungkol sa placebo effect at sa comparison ng China sa love.

Si Mag ay bestfriend ko din sa real life. Nickname niya lang talaga yung Mag haha! Tapos may boyfriend din siyang nagngangalang Ron.

Si Greg naman. Ayun! Kakulitan ko talaga yun. As in kung trip namin mag-asaran sa isa't-isa. Todo asaran yan. Pero kahit na tinutukso kami, friends lang talaga kami. Siguro komportable lang talaga kami with each other. But no, wala kaming special something.

Dimple is also true. Chicks yung babaeng yun. Parehas kaming sumali sa pageant. While si Bea, kaco-candidate ko din siya. Siya yung talagang nanalo ng korona. Hindi naman siya ganun ka-mean or suplada tulad nung nasa story, sa kanya lang talaga ako kumuha ng aura and charisma para sa character kong si Bea. And no, hindi sila close ni Marco.

3. San niyo po nakukuha yung mga inspiring dialogues sa story?

Kapag inspired akong ang dami talagang cheesy lines na pumapasok sa isip ko. Yung tipong iniimagine ko talaga na yung crush ko talaga yung nagsasabi nun sakin. HAHA! May iba namang nasabi na sakin. At ang karamihan dyan, pinayo sakin nung time na nasaktan ako. 

4. Sino po nanalo sa contest?

Si Bea po. :)

5. Bakit po Beyond Reaching You?

Naisip ko kasi na, kung I reached you parang.. kulang eh. Kaya beyond reaching you kasi there's more when you reach a person. Nandyan yung trials, yung problems and at the same time, happiness and satisfaction. Nandyan din yung makikita mo yung totoong ugali ng tao, kaya kung mahal mo talaga, kailangang matanggap mo siya ng buong-buo. We must not be contented by just reaching a person. We must learn how to go beyond it. 

Tsaka nakakaumay ang I reached you. Walang datingan kaya inartehan ko. xD

6. Totoo po ba yung mga moments ni Shinie with Marco?

HAHAHA! Nakakahiya man pero aaminin ko na sa buong sangkatauhan... Lahat po yun ay pantasya ko lang. Ang totoo ay yung kay Jeremy part. PERO SANA.. SANA MAGKATOTOO! :")

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon