Chapter 13

27.6K 390 22
                                    

CHAPTER 13: FIRST TOUCH

Malaki talaga ang insecurities ko sa aking sarili lalo na kapag pinag-uusapan ang kulay ng balat. Kayumanggi nga kasi ako kaya may pagkamorena at katulad nga ng ibang babae, hinahangad ko ding maging maputi.

Kapag ba maputi ako, hindi na siya titingin sa ibang babae?

'Yan ang iniisip ko habang nakatitig kay Chantal. Nakatingin lang siya sa harapan, ni hindi niya nga ako binati nung nagtama ang mga mata namin eh, which is ginagawa niya nung “okay” pa kami. Siguro alam na niya na nadiskubre ko na iyong tungkol sa kanila ni Jeremy.

Naiinis ako sa kanya. Okay, inaamin ko, inis is an understatement. Galit ako sa kanya! Hindi ko kasi maiwasang magtaka kung PAANO niya nagawa 'yun sa KAIBIGAN niya! O ako lang nag-consider sa kanya na kaibigan? Hindi ko maintindihan.. To think that I even confess my feelings to her and to Jeremy! Alam nila ang nararamdaman ko tapos ganyan! Malalaman ko na lang na..

Bigla na lang nakaramdam ako ng tumusok sa tagiliran ko. Automatic naman na napatingin ako sa gilid ko dahil na din  sa gulat ko.

“Ikaw na magpapakilala, Shinie.” bulong ni Dimple sa'kin.

“Ah.. eh..” Bigla naman akong nahiya. Yan ang napapala ng lumilipad-lipad ang utak! Nawalan na ata ng dugo ang mukha ko nang lahat sila ay nakatingin na sakin. Pati si Chantal.. And worst, even Marco. NAKAKAHIYA!!! Buti na lang at may lumabas mula sa bibig ko at tumingin na lang ako sa SC President.

“Um.. Shinie Mendoza. Biotechnology. A freshman.”

Parang robot lang ang pagkakasabi ko kaya dinagdagan ko na lang ng.. “Nice to meet you!” Kasabay ng ngiti na naging ngiwi.

“Nice to meet you din!”

Nalalaglag ang panga ko ng lumingon ako sa taong nagsabi nun. As in literal na nalaglag ang panga ko lalo na nung binigyan niya ako ng kanyang famous cheeky grin. Sayang nga lang at wala siyang dimples, pero ayos lang naman. Mas gumwapo pa siya lalo.

Hindi ko nga alam kung ngingitian ko si Marco baka sabihin niya pa... feeling close ako. Sa huli, tumango lang ako kasabay ng nahihiyang ngiti. Iniwas ko din agad ang tingin ko sa kanya. Mahirap na baka matunaw ko siya.

“OKAY! NEXT!” 'Yung SC President namin ang nagsalita. Pinapakilala nga pala namin ang isa’t-isa ngayon at sa nakikita ko mukang nasa bente pataas kami. Kaunti lang ang sumali kasi mahigpit talaga ang academics dito kaya malaking distraction talaga ang pageant kapag sumali ka. Na inaccept ko naman. Para din kasi ito sa sarili ko.

Nagpakilala pa ang ibang kasamahan ko dito. May mga katulad ko rin na freshmen at may mga third year na rin.

“Good afternoon.” Napapitlag ako sa upuan ko nung nakilala ko ang boses niya. Palihim tuloy akong tumingin sa kanya. “Marco Delos Santos…”

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon