Chapter 4

41K 585 31
                                    

 

CHAPTER 4: ALAM NIYA


Special. Kapag special diba iniingatan... angat sa iba at napapasaya ka? Ginugulo talaga ako ng special na salitang 'yan to the point na buong linggo ko siyang naiisip.

Naging ordinaryo naman ang first week ko.

Minsan na nga lang kami magsama ni Mag kasi may tropa na din siyang iba. Ayos lang naman sakin itong bagong set-up namin kasi ako naman ay may tropa na ring bago. Kahit naman ganun, at the end of the day, sa isa't-isa pa din ang bagsak namin. Ganun siguro kung matagal talaga ang pinagsamahan niyo. Three years na din kasi kaming magkakilala ni Mag kaya ganun na lang kami mag-intindi ng isa't-isa. 

  

Lagi ko namang kasama si Mimi at yung iba ko ding blockmates. Naiinis pa din ako sa kadaldalan niya pero may isang bagay na expert siya: ang pagbibigay ng mga payo. Kapag nagkakaproblema ako last term, lagi siyang may matalinong payo sa'kin. Kaya masasabi ko ding masaya siya kasama sa LABAS ng classroom. 

Nagkakasabay na din kami ng lunch ni Jeremy, tuwing TTHS nga lang. Kinikilig nga ako kapag tumatabi siya sa'kin sa canteen. Kaya hindi ko kinakalimutang magpabango! Pero hindi rin kami ganung nag-uusap kasi nakaupo kami as tropa doon kaya madami talaga kami sa isang table at madalas ay kinakausap namin ang kanya-kanyang tropa.

Si Marco Delos Santos?

Ayun, hindi ko naman siya masyadong iniintindi. Nakatuon kasi talaga ako kay Jeremy. Tsaka kahit papano gusto kong maging loyal. Kaya nga lang tuwing Math, hindi ko maiwasang tingnan at pagpantasyahan na naman siya. Lalo na kapag ngumingiti talaga siya.

Matutunaw ka sa ngiti niya.

Another Monday morning and it started with good vibes in the air! Kakatapos lang ng Bio namin at may touch na naman ni Jeremy yung kamay ko, inapiran na naman niya kasi ako eh. 

Pagbukas pa lang ng pinto, rinig na rinig ko na ang mga tawanan at biruan ng tropa ni Marco. Ganyan naman lagi sila eh. Ang iingay habang wala pa yung prof. Ngiti lang naman ng ngiti si Marco. Medyo tahimik siya pero hindi pa-mysterious effect kasi nakikipag-socialize naman siya sa mga kaibigan niya.

Gusto ko ring marinig kung pa'no siya tumawa.

Anu ba yan, SHINIE! Loyal nga diba. Maging loyal ka!

Aalisin ko na sana yung tingin ko sa kanya nung.. bigla din siyang tumingin sakin. NAGKANDAPILIPIT  YATA ANG BITUKA KO. Ni hindi ko man lang maiwas yung tingin ko sa kanya! Ang ganda talaga ng mata niya.

  

Siguro sanay na siyang tinitingnan siya kasi parang pinasadahan niya lang ako ng tingin at bumalik na siya sa pagngiti at pagsang-ayon sa katropa niya.

Ang laking buntong-hininga ang nagawa ko. BAKA MAPAGKAMALAN PA AKONG MAY GUSTO SA KANYA! Totoo naman pero syempre ayokong aminin at wala akong aaminin. Hinding-hindi na ako aamin sa taong alam ko na wala akong pag-asa.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon