Chapter 17

33.2K 416 27
                                    

Chapter 17: DON'T ASSUME

Kung gaano kabilis ang paglingon ko, ganun din ako kabilis tumalikod sa kanya. Hindi niya pwedeng makitang umiiyak ako FOR THE SECOND TIME AROUND! Alam kong nakita na niya akong umiyak nung night ng Comedy Bar at meron pa yung MUNTIKAN na akong maluha noong nakita niya ako sa SM.

Lagi na lang.. Lagi na lang niya akong nakikita in my most down moments.

Ang hina-hina na siguro ng tingin niya sakin.

“May-”

“MARCO! NANDITO KA LANG PALA!”

Magsasalita na sana siya nung natabunan siya ng malaking boses ni Bryan.

“Kanina ka pa hinahanap ni Bea ah! Nagpalit nga siya ng blouse at pants kasi iaangkas mo daw siya sa motor mo! Halika na!”

“Bryan.. kasi..”

“PRE!” boses ni Tony ang sumingit sa usapan nila. “May binigay na naman saking papel yung isa sa mga FANS mo. Pangalan ata sa fb? Pero dre ah, chicks yung girl! Magbawas ka na kasi ng friends mo tapos iconfirm mo daw yung friend request niya.”

“Wait lang kasi..”

Humarap na ako sa kanila at pinilit na ngumiti.

“Mauna na ako.” nakatingin ako niyan kay Tony at sabay lipat kay Bryan. Hindi ko matingnan si Marco. Nahihiya ako.

Bago pa sila makapagsalita, tumalikod na ako at dire-diretsong lumayo sa kanila. Ewan ko, pero mabuti na din at dumating sina Tony at Bryan.

Gusto ko kasi munang mapag-isa.

Natuto na ako. Alam kong unfair, pero ang nasa isip ko ngayon.. PARE-PAREHAS LANG ANG MGA LALAKI. Papakiligin ka nila, papasayahin, tapos kapag nakuha na nila ang atensyon mo at napahulog ka na nila, magsasawa na sila and eventually, iiwan ka din nila.

Ayoko ng magtiwala. Ayoko ng maranasan ulit ang ganitong sakit. Ang umiyak para sa isang walang kwentang lalaki. Ang kaawaan ang sarili ko dahil umasa ako.

Hindi na ako mag-eexpect o mag-aassume dahil.. sawang-sawa na ako.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon