Chapter 14

28.7K 459 25
                                    

CHAPTER 14: SAVED 

--Alm m teh, kpg gnawa mo yan. Ms pnahahalata m s knila na apektado ka! Don’t be. Nililimit mo srili mo dhil lng sa knila?! Tndaan m, nd cla deserving! And Shinie, pmunta ka pra smin. Pra sming mga kaibgan mo. :)

'Yan ang reply sa'kin ni Mimi nang humindi ako sa pagyaya niya sa'kin dun sa kainan ng buong section namin sa Zarck’s Burger. Half-day lang naman kasi kami ngayon dahil puro test lang ang ginawa sa lahat ng subjects namin. Nakakadugo nga pero atleast nakayanan ko kahit medyo ginabi ako ng uwi galing dun sa dinner kasama ng mga ka-contestants ko.

Tapos ngayon, gusto nilang kumain ng sama-sama sa Zarck’s. LAHAT, so understood na 'yun na kasama sina Jeremy at Chantal at hindi pa ako handang makita sila. Masyado pang fresh sa'kin ang lahat. Kaya nga nagpalusot ako kay Mimi na meron akong practice mamayang 4:30 at kailangan ay hindi ako malate kasi nga unang practice namin ito. Kahit 12:00 pa lang at maghihintay pa ako ng apat na oras.

Pero tama din naman si Mimi. Bakit ko hahayaang sirain ng dalawang 'yun ang pakikisama ko sa iba ko pang kaklase? Ba’t kailangan kong umiwas? Ako ba ang may kasalanan dito? Eh ako nga ang naging biktima eh!

Pumunta ako sa cr at nag-ayos ng itsura. Nandun ang urge na magpaganda kasi nga gusto kong ipakita sa kanya kung gaano kalaki ang pinakawalan niya. Gusto kong magsisi siya sa ginawa niya at bumalik sa'kin.

 Ocge. Ppunta na ako. W8 mo ko s my gate.

Hindi na ako nagtaka nang makita ko sa labas ang malaking kumpol ng tao na puro mga kaklase ko. Medyo nahiya pa nga ako kasi ako na lang pala ang hinihintay nila.

'Yung mga mata ko hindi ko na naman napigilan at hinanap ang dalawang tao na naging rason ng pag-iyak ko tuwing gabi at pagbaba ng self-esteem ko. Ngayon ko lang nalamang ang masokista ko pala. Nakakayanan ko pang tingnan silang dalawa na magkasama. As usual, dala pa din ni Jeremy ang bag ni Chantal.

Ramdam ko na naman ang pagkirot sa loob ko. Sana.. sana dumating 'yung panahon na kapag nakikita ko sila ay wala akong maramdaman. Sana dumating na 'yun kasi.. ang sakit-sakit.

“Buti naman at nakapunta ka!”sinukbit ni Mimi ang braso niya sa'kin at nginitian ako ng pagkalaki-laki. Alam niya sigurong mahirap para sa'kin na magdesisyon.

Naglakad na kami papunta sa may sakayan ng jeep. Hindi ko nga alam kung pano kami magkakasya eh kasi ang dami namin. Siguro magdadalawang jeep kami. Nasa may kalagitnaan na kami  papuntang sakayan nang biglang tinawag ako ni Yanna. Siya 'yung isa sa mga katropa ni Jeremy. Actually, siya ang nag-iisang babae sa tropa nila.

Lumapit naman ako sa kanya pagkatawag na pagkatawag niya sa'kin.

“Shinie, gusto ka raw makausap ni Jeremy.”

Tumigil ang pagproseso ng utak ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya. Kakausapin ba ako ni Jeremy dahil magso-sorry siya sa'kin? Ipapaliwanag niya na mali lahat ng iniisip ko? Napatingin ako sa may harap ko kung saan nandun silang dalawa. Hindi naman sila magkaholding-hands pero ang lapit nila sa isa’t-isa. Again, something pierced my heart.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon