Chapter 33

28.1K 547 28
                                    

CHAPTER 33 : SELOS

Lord, sa tingin ko gusto ko na siya.

Mali pala. Gustong- gusto ko na siya. Ang hirap pala pigilan. Ang hirap balewalain. Lalo na kung sa isang tulad niya na sobrang bait, maalaga, pasensyoso, sweet, at lahat na. Full package na po ata siya para maging PRINCE CHARMING.

Ngunit tulad nga ng sinasabi nila, hindi totoo ang mga fairytales which means walang prinsesa at walang prinsipe. Ni fairy godmother with her magic wand, ay isang MALAKING ILUSYON lang. Minsan naiisip ko tuloy Lord, mga paasa yung mga nagsulat ng mga yun eh. Dinidiin na agad nila sa mga inosenteng batang walang kamuwang-muwang sa mundong haharapin nila na may prinsipeng magliligtas sa kanila from those evil witches and will give them that magical kiss.

Ilang beses na bang nawasak yung pag-asa kong magkaroon ng isang mala-fairytale na buhay? Marami na. Sobrang dami na.

But the moment I met Marco, unti-unti ulit akong naniniwala sa mga ganung bagay. Kahit na ganun, kahit na alam kong masasaktan ako kapag pinilit ko pa ‘tong nararamdaman ko, ipupursue ko pa din. Atleast alam ko na po ang gagawin kapag nadapa ako ulit. I’ll never get tired of loving. I’ll never get tired of reaching that happily ever after.

“Ang amo naman ng mukha mo kapag nagdadasal.”

“Jusko, Lord!” Buti na lang at nahawakan ko agad yung silyang uupuan ko kundi hahalikan na naman ng pwet ko ang sahig. Ba’t kung saan saan na lang nasulpot ‘to?!

“Pati ba naman dito sa chapel?!” Tinitigan ko pa siya ng masama when something snapped from me. “A-are you stalking me?!”

“Ano? Pakiulit nga? ST- STALKING?” Sinasabi niya yun ng parang diring- diri siya.

“Eh bakit ka nandito, GREG?!” Pinipilit ko talagang hinaan ang boses ko.

He whispered back. “Take note: OPEN SPACE ang chapel ng school. NAGKATAON..” Kailangan talagang iemphasize yung word na “nagkataon”? Tss. “.. na napadaan ako kasi sa may katabing building lang naman po yung last class ko. AND TENENTEN TENTEN! Nakita kita dito!”

I rolled my eyes.”Oo na.. Oo na..”

“And ST-STALKER?! I’m too handsome to be called like that!”

There’s his big ego again. Natawa na lang ako sa sinabi niya at dali-daling lumabas ng chapel. Bahala siya dun!

“Oy Shinie! Grabe, hinintay kaya kita dun! Sabay na tayong pumunta sa gym!”

Tumigil ako at hinintay siyang maabutan ako. “Sino ba naman kasing may sabing hintayin mo ko?”

“Parehas lang naman tayo ng way?” nagkibit-balikat pa siya!

Inirapan ko na lang siya at tinuloy ko na lang yung paglalakad ko. Malate pa ako sa practice namin! Ayoko ngang manlibre ng dinner!

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon