Chapter 43

28.7K 467 19
                                    


CHAPTER 43: HIS POV (PART II)

-I made a mistake. I thought what I did was right, hindi pala. Nagsisisi ako at ginawa ko yun. Hindi lang pala ako ang nasasaktan. Oo, alam kong gusto niya din ako. She's so transparent with her thoughts and feelings. Kahit hindi niya pa sabihin, alam ko na kung anong nararamdaman niya base lang sa pagtingin sa magaganda niyang mata.


-Ayokong iwasan niya ako. Hindi ko ata makakayanan..


-Nainis ako nung pinaalala na naman sakin ni Papa ang pag-aaral ko sa ibang bansa! Ayoko nga eh! Gusto ko SIYANG makasama!


-Mas lalo kong pinagsisihan ang desisyon ko whenever I see him with somebody. RIGHT! Naiinis ako tuwing nakikita silang nag-aasaran ni Greg! Pano na lang kung mawala yung nararamdaman niya sakin?! Pano kung ligawan siya nung lalaking yun?! Hindi! Hindi pwede!


-Sinadya ko talagang maiwan kami sa isang stall sa Divisoria. It's all worth it. Lagi naman eh.. Tuwing kasama ko siya, masaya ako, kontento ako. Makita ko lang ulit yung ngiti niya, yung boses niya kapag sinasabi ang pangalan ko at kapag iniiwas niya ang tingin niya sakin sa tuwing siya'y nahihiya. Lahat gagawin ko, 'wag niya lang akong iwasan ulit. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na hindi totoo yung sa amin ni Bea.. para din naman kasi sa kanya yun eh. Ayoko siyang nasasaktan.


-Hinabol ko ang magnanakaw! Sh*t! Kaisa-isang picture namin yun ni Shinie tapos mawawala na lang?! Kaya kahit na alam kong delikado, pilit ko pa ding hinabol yung g*go na yun! Pwede sana kung yung ninakaw niya yung isa kong phone eh! 'Wag lang talaga yung may picture namin.


-"It's not that, Shin. God knows how much I wanted to be with you. Pero kailangan kong gawin ito. Kailangan kong ilayo ka mula sakin. Kasi alam ko na kapag nakasama mo ako dito, maraming pwedeng mangyaring masama sayo. Ayoko yun, Shinie. Mas gusto ko pang ako ang magsakripisyo. Mas gusto ko pang ako yung sumuong sa lahat ng hirap, huwag lang kitang makitang lumuluha dahil.."

Dahil hindi bagay sa isang babaeng tulad mo ang umiiyak. Tulad ng isang reyna, ikaw yung dapat na pinasasaya, inaalagaan at pinoprotektahan.



Nagulat ako nang biglang kumalat ang tinta ng ballpen noong may tumulo na basa rito. Napahagulgol na ako. All this time.. all this time akala ko ako lang. Akala ko, uulit na naman lahat. Na wala na talagang lalaking magmamahal sakin na tatanggapin kung sino ako. Kung sino yung tunay na ako... Sana hindi pa huli ang lahat..

"Ma'am! Ayos lang ba kayo?!"

Hindi ko na pinansin si manong dahil naramdaman kong nakatigil na kami at ngayo'y nasa harap na ng airport. Dali-dali akong kumuha ng pera mula sa bag ko at binigay sa kanya kasabay ng pagbaba ko sa kotse. Hindi ko na hinintay na suklian niya pa ako at patakbong pumasok sa airport.

Mabibilang lang ata sa daliri ko kung ilang beses pa lang ako nakakapasok dito kaya hindi ko alam kung saan maghahanap. Lord, please kahit ngayon lang.. Pagbigyan mo ako. Pagbigyan mo kami..


Nahagip ng mata ko ang mga babaeng nakikipag-usap at sinasagot ang mga taong nagtatanong sa kanila. Tama! Magtatanong ako! I just went here without any idea. Ni hindi ko man lang natanong kay Bea kung saang bansa siya lilipad. Basta nung sinabi niyang aalis si Marco ngayong gabi sa ibang bansa, wala na akong nasa isip kundi pumunta dito.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon