Chapter 12

28.6K 408 20
                                    

CHAPTER 12: KASALI SIYA?! SILA?!

HA-HA. Nagpapatawa ka talaga Shinie.

Sa tingin mo naman bibigyan ka ni Marco ng ganun? Ano ba kayo? FRIENDS? Ni konting porsiyento nga ng pagiging acquaintance, wala eh. Kaya bakit ka naman niya bibigyan ng isang bagay na katulad na lang ng favorite mong sundae with matching smiley face pa na nakasulat dun?

Ang joker at assumingera talaga ng utak ko!

  

Pero hindi talaga ako mapakali. Paano kung siya nga? Tapos hindi man lang ako nakapagthank-you? Ini-snob ko ba siya? Hindi isinasawalang-bahala ang isang tulad ni Marco!

Pano naman kung hindi naman talaga siya? Napahiya lang ako. Malaki ang posibilidad na hindi siya ang nagbigay nun.

Better not ask.

Kinuha ko ang sundae. Buti na nga lang at favorite flavor ko ng sundae ‘to kundi hindi ko talaga ito kakainin. And that sundae, eased up something inside me. Kahit papano, napagaan nito ang nararamdaman ko. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kung sino mang nagbigay sa'kin nito.

***

Pagkadating ko ng bahay, agad kong binuksan ang aking laptop at in-open ang mga account ko sa fb at twitter. May nabuong desisyon sa isip ko at kailangang panindigan ko ito. Sa tingin ko, makakatulong ito sakin. Makakatulong na makalimot.

Tiningnan ko ang twitter ko and I can’t help but read our past tweets to each other..

@Shinshin96 Matulog ka na! Pag ikaw naging anemic. Tsk2! >.< Gusto mo samahan kita? Matutulog na din ako. ;)

 

@Shinshin96 Nako, kung sasali ka man dun sa pageant, panigurado talbog mo lahat ng contestants dun! Ikaw pa! Mabait na, matalino pa tapos maganda pa! :)

 

@Shinshin96 Kapag nagpakulay ka ng buhok baka mas lalong dumami yung manligaw sayo niyan. :(

 

@Shinshin96 Nandito lang naman ako eh. Hindi ako lalayo sayo, okay? ;))

 

And the tweets goes on and on. Ang sakit isiping parang dati lang ganyan kami mag-usap. Ano na nangyari ngayon? Ano bang nangyaring mali? Hindi ko alam..

Biglang lumabo ang paningin ko pero agad ko rin yung kinurap para hindi tumuloy. Taking deep breaths and counting to ten, I forced myself to calm down. Wala namang magagawa ang pag-iyak ko. Hindi rin naman mababago ang sitwasyon.

Pumunta ako sa profile niya sa twitter, and clicked the “unfollow” button. Ilang beses ko 'yung tinitigan at nandun ang udyok sa katawan ko na bawiin ang ginawa ko. But no, I’ve decided. Tutal, mas masasaktan ako lalo na’t nakita at makikita ko ang mga tweets nilang dalawa ni Chantal. Ang mga messages niya na dati’y sakin niya sinasabi.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon